Chapter Twenty Four

1.8K 41 6
                                    

“Baby Girl, sige na pumayag ka ng ‘wag kong gawin yun” paglalambing ng binata sa kanya.

“ay nako Gerald, alam na alam no ang isasagot ko dyan”

Kasalukuyan silang nakaupo sa may garden ng bahay nila at inaantay ang pag-alis ng ate Shine niya papuntang Paris at bukas naman ang lipad ng binata papuntang US para sa international screening ng pelikula nila.

“Hindi lang naman sa akin yung movie a. Sayo din naman, kaya dapat kasama kita dun.” Pagmamaktol ng binata.

“Hahaha. Ge, alam mo naman na hindi kaya ng schedule ko yung mga ganyan.” Sagot niya.

“Bakit hindi? Sino ba nag-aayos ng schedule mo?  Hindi ba niya alam na may movie ka at may international screening yun?”

“Hahahaha. Siyempre alam na may movie ako pero hindi ang screening na yan. Kunsabagay, bago ka nga lang pala dito. Nagkakaroon lang ng screening na ganyan pag medyo malakas yung naging first week of showing ng isang movie dito sa Pinas.” Mahabang paliwanag niya sa binata.

Nakita niyang nagpout ang binata “so wala siyang tiwala na malakas ang team-up natin?”

“Hahaha. Alam mo Ge, narealized ko, sobrang tigas ng ulo mo. Hahahaha” pang-aasar niya sa binata.

“eh kasi naman, ilang linggo kitang hindi makakasama niyan e.”

“Haha. Ewan ko sa’yo Ge, dae mong arti!”

Natigil lang ang pag-uusap nila ng bigla niyang marinig ang pagtawag ng bunsong kapatid.

“ate!”

Nilingon niya ito. “ha?”

“Tawag ka ni ate sa taas.”

Napakunot siya ng noo

“Bakit daw? Hindi pa ba siya tapos mag ayos? Baka malate siya niyan.”

“Kaya nga pumunta ka na dun, baka magpapatulong sa’yo.” Sagot ng kapatid. “Ako na muna ang bahala dyan kay kuya.”

Tumingin siya sa binata, nginitian naman siya nito.

“saglit lang ha” paalam niya rito.

“take your time.” Nakangiting sagot ng binata.

Nag-umpisa na siyang maglakad papasok ng kanilang bahay, narinig naman niya ang pag-akag ng kanyang kapatid sa binata.

“kuya, tara basketball”

Napangiti siya.

Sus! Edi kayo na nag magkasundo. Haha. Nagpapasalamat ako kay Ge kasi alam kong pakiramdam ni bunso ngayon, may nakatatandang kapatid na lalaki na siya. Haha. I remembered nung bata pa siya, he keeps on crying and asking kung bakit wala siyang kapatid na lalaki. Nagrereklamo siya kasi wala siyang makalaro sa basketball noon. Haha. on the other hand, alam kong masaya rin si Ge. I remembered nung sinabi niya sa akin na he really love basketball kaso hindi siya makapaglaro. Ngayon, alam kong masaya siya sa tuwing aayain siya ni bunso na maglaro.

The Princess Meets The Prince (Ashrald Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon