*GUILTY*

10 3 0
                                    

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya, habang seryosong nagdadrive ng sasakyan nya.

Hindi nya ako sinagot at seryoso lang syang nagmaneho hanggang sa makarating kami sa isang bar pero descent bar naman ito kung titignan at halata mong mga mayayaman ang nasa loob.

Pumasok kami at bumungad sa'kin ang madaming tao at ang nakakasilaw na ilaw ng disco ball ugh! Ang sakit sa mata.

Umakyat kami sa taas at may pinasukang kaming kwarto na ang nakalagay ay V.I.P. pagpasok namin doon ay agad na nakita ko ang mga lalaking nakikipaghalikan doon! Hayst.......... Mga manyakis! Nagulat naman ako ng pinadausdos ni jayce ang kamay nya sa bewang ko.

"Guys this is Sophia, Sophia this is Nash Jared naja for short and this is Archer Marco and that isa Clifford maximus or max for short" pagpapakilala nya sa'kin at sa mga kaibigan nya.

"Nice to meet you" sabi nila sabay nakipagkamay sa'kin

Tinanggap ko ang kamay nila at sinabi kong anong sinabi nila sa'kin. Matapos noon ay lumipas ang gabi at mag-aalas dose na at tingin ko madami na ang nainom ni jayce.

"Uhm jayce maghahating-gabi na kasi eh pwede bang umuwi na tayo?" Tanong ko sa kanya

Tumango lang sya sa'kin at sabay kaming tumayo. Nagpaalam kami sa mga kaibigan nya at agad na umalis doon, pumunta kami sa sasakyan nya at pinagbuksan nya ako ng pinto agad naman akong pumasok sa loob at ganun din sya.

Nang nasa loob kami ay pinaandar nya ang kotse nya at may tinanong sya sa'kin

"Saan ba ang bahay nyo?" Tanong nya sa'kin

Tinuro ko ang bahay ko pero bago nya ako hinatid ay may bahay kaming pinuntahan malaki at mukhang mansyon.

Pumasok kami sa loob ng bahay na iyon at agad nya akong pinaupo sa sofa. Maya-maya lang ay tumabi sya sa'kin dala ang mga pagkain at inilagay sa maliit na lamesa sa harap ng sofa.

Walang gustong umimik samin kaya naman ako na ang naunang bumasag ng katahimikan.

"Bakit mo nga pala ginawa yun kanina?" Tanong ko sa kanya

"Huh?" Pagtatakang expression nya

"I mean nagtatrabaho ako sa cafe at bigla kang pumasok na my humahabol Sayong babae tapos bigla mo akong nilapitan at alam mo na bakit?" Tuloy-tuloy kong pagkasabi matapos ko masabi yun uminit ang buong mukha ko

Hindi nya ako sinagot at umiling na tumatawa lang sya. Bakit ganyan sya? Hindi nya pa sinasabi yung dahilan kung bakit nangyari ito.

"Yung babaeng humahabol sa'kin she's my first love" sabi nya

"What?!" Gulat na Tanong ko

"Yes at gusto ko syang matuto sa lahat ng ginawa nya sa'kin I hope you help me?" Tanong nya

"No way huwag mo akong gawing laruan jayce" sabi ko sa kanya

"Anything you want ibibigay ko just help me" may pagmamakaawa nyang sabi sa'kin

Ugh! This man! I can't resist fuck! Dammit!

"Ano bang gagawin ko?" Tanong ko sa kanya

"Magpanggap kang girlfriend ko please?" Sabi nya sa'kin

"Pumapayag na ako basta may tatlo akong rule" sabi ko sa kanya

"What's that?" Nakakunot noo nyang Tanong.

"First no touch second no kiss and third one inch ang layo natin sa isa't-isa" sabi ko

"Are you kidding me Sophia?" Sabi nya sabay hagalpak ng tawa

The Right Time For UsWhere stories live. Discover now