*BESTFRIEND*

4 2 0
                                    

Matapos namin kumain ay agad na iniuwi na ako ng bahay ni jayce. Habang nasa sasakyan kami ni jayce..................

"Sana sa bahay ka na lang ulit matulog" sabi nito habang seryosong nakatingin sa daan.

Napangiti ako ng bahagya biglang bumilis din ang tibok ng puso ko at may kung mong meron sa tiyan ko.

"Pwede ba paalam na lang kaya kita kay tita na doon ka muna sa bahay" sabi nya

"Baliw hindi papayag yun noh" sabi ko sa kanya

"Malay mo naman diba pumayag sya" sabi nito.

"Ikaw, magpaalam ka basta alam ko hindi papayag yun" sabi ko sa kanya

"Tignan natin" sabi nito.

Ilang minuto ang lumipas at nakarating din kami ng bahay. Agad kaming bumaba sa sasakyan ni jayce at sabay kaming pumasok sa loob. Pinagsiklop nya ang kamay naming dalawa.

Pagpasok namin nandoon si akiro at si tita. Nanonood si akiro at si tita naman ay nasa kusina.

Nagmano kami parehas kay tita at may sinabi si jayce..........

"Tita pwede po ba sa bahay muna matulog si Sophia promise po behave ako at tsaka malaki po ang respeto ko sa kanya, gusto ko lang po talaga sya makasama" pagpapaalam nya. Naks! Nagpaalam talaga sya haha.

"Hindi pwede matulog sa ibang bahay may bahay sya" sabat ni akiro.

"Wala naman sigurong masama kung gusto ko lang makasama yung GIRLFRIEND ko" sabi ni jayce.

"I said no hindi pa ba malinaw, hindi sya pwedeng matulog sa isang bahay na may kasamang lalaki" sabi ni akiro

"Bakit? Napakaover protective mo yata sa'kin ngayon akiro?" Tanong ko.

Natahimik sya at hindi na umimik pa.

"Sige na baby next time na lang siguro ako magiisleep over sa inyo" sabi ko

"Sige bye baby" sabi nya sabay kiniss ako sa forehead.

"Bye po tita" sabi nya sabay nagwave kay tita.

Pagtapos noon ay hinatid ko na sya palabas ng bahay.

"Basta kapag sinaktan ka ulit nya huwag kang madalawang isip na pumunta sa bahay" sabi ni jayce

"At bakit ko naman sya sasaktan?" Sabi ng kung sino sa likudan ko.

Nagulat kami ni jayce ng makita namin si akiro nakahalukipkip sya sa amin at nakakunot ang kanyang noo.

Hindi nalang namin sya pinansin ni jayce.

"Goodnight baby" sabi ni jayce at hahalikan nya ako dapat pero hinigit ni akiro ang braso ko at tinago ako sa likod nya.

"Sige na umalis ka na" malamig na sabi ni akiro.

Halatang nainis si jayce sa ginawa ni akiro kahit ako din ay nainis sa ginawa nya!

Nang makaalis na si jayce ay marahas kong binawi yung braso ko kay akiro.

"Nagpapahalik ka sa lalaking yun?!" He yelled.

"Anong masama boyfriend ko yun!" I yelled

"Oh common! Phia hindi mo kayang magsinungaling alam kong nagpapanggap kang kayo huwag mo akong lokohin" sabi nya

"Wow! Saan mo nasagap yang balitang yan akiro?! Pwede ba boyfriend ko si jayce at hindi na pagpapanggap ngayon ito dahil mahal ko na sya at mahal din nya ako" I lied ang totoo mahal ko si akiro pero Kailangan kong gawin ito para maramdaman ni akiro kung anong naramdaman ko.

"Talaga ba? Mahal mo sya? Bakit hindi ko makita yun? Mahal mo ba talaga sya?! Sabihin mo phia!" Sabi nya

"Oo!" Malakas na sigaw ko. Hindi ko alam ang ginagawa ko gusto ko sabihin kay akiro na sya ang mahal ko pero may pilit na pumipigil sa'kin.

Bumagsak ang balikat nya noong sabihin ko yun. Parang hindi nya nagustuhan yung sagot ko na yun.

"Sayang phia sayang kasi hindi mo man lang ako hinintay, sayang kasi nagmadali ka agad" sabi nito

Hindi ko maintindihan ang sinasabi nya. Hindi ko maintindihan kung bakit sya nanghihinayang, hindi ko maintindihan kung bakit sinabi nyang nagmadali ako.

"Huh?" Takang tanong ko.

"Wala sana maging masaya kayo" sabi nya sabay umalis na sa harapan ko.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganun yung sinabi nya. Anong ibig sabihin nun?

Matapos ng ilang minuto ay pumasok na ako sa loob ng bahay at agad na nagtungo sa kwarto ko. naghalf bath ako at humiga na sa kama ko. Kinatok ko ang dingding  na pagitan ng kwarto namin ni akiro.

"Aki galit ka pa ba?" Tanong ko sa kanya.

Miss ko na yung dati. Yung masaya kami ni aki, yung mga panahong wala pang pagpapanggap, yung mga panahon na hindi pa lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya, yung mga panahon na para kaming magkapatid. Nakakamiss pala kahit paano. Lately kasi puro na lang kami away ni aki. Puro bulyawan puro sigawan na lang.

"I miss my bestfriend" sabi ko.

"Miss na din kita phia" sagot ni aki sa kabilang kwarto.

Kumawala ang mga luha saking mga mata. Nagulat ako ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

Pinunasan ko ang mga luhang kumawala sa aking mga mata at binuksan ang pinto ng kwarto ko.

Pagbukas ko bumungad sa'kin si aki at nagulat ako ng bigla nya akong yakapin. Niyakap nya ako ng mahigpit na mahigpit ay dahil doon sinuklian ko ang yakap nya. Namiss ko ang mga yakap nya. Namiss ko ang lahat sa kanya.

"Sorry kung hindi ko pwedeng sabihin sa'yo kung bakit, sorry kasi nasasaktan kita, sorry kung iniisip mo na hindi kita mahal pero mahal kita phia yun ang totoo" sabi nito sa'kin at tsaka kumalas sa pagkakayakap sa'kin at mabilis na umalis sa harap ko at nagtungo sa kwarto nya.

Naglandas ang mga luha saking mga mata. Hindi ko na napigilan ang luha ko. Hindi ko alam kung anong bibig sabihin ni akiro doon. Hindi ko alam kung ano ang totoo at hindi. Naguguluhan na ako!

Hindi ko na  alam kung paano ako nakatulog noong gabing yun dahil sa kakaisip kung anong ibig sabihin ni akiro. Hayst...............

Buti na lang at maaga akong nagising kung hindi patay malalate ako! Tsaka na lang ako mag-iisip, mag-aaral muna ako.

Pumasok ako sa mica at nakita ko si jayce sa hallway na may hinahantay yata.

Lumipad ang mga kamay ko sa ere papunta sa bibig ko dahil nakita ko si jayce na nakahawak sa bewang ni Isabella.

Dumaan sila sa harap ko at hindi man lang ako pinansin ni jayce. Parang hangin lang ako sa kanya ng lagpasan nya ako.

Anong nangyayari bakit ganito? Bakit? May hindi ba ako alam? Bakit parang ang tanga ko? Naguguluhan na ako!

Nagulat ako ng may humawak sa braso ko. Nakita ko si aki. Na nakangiti sa'kin.

"Hatid na kita sa room nyo phia" sabi nya sa'kin

Hindi ko talaga alam kung bakit ganito yung nangyayari!

Jayce's POV

Alam kong kapag ginawa ko ito magiging masaya ka sa piling nya. Mahal na kita sophia pero sya yung mahal mo hindi ako kaya gusto kong maging masaya ka handa akong magparaya para sa'yo. Sana maintindihan mo balang araw na ang tanging nais ko lang ay maging masaya ka.

Nalaman ko ang plano nila at hindi gusto ni akiro ang ginagawa nya. Mahal ka na ni akiro Sophia. Kaya kahit masakit ako na ang magpaparaya. Kahit masakit ako na ang lalayo para maging masaya ka. Para sa ikakasaya mo.

Sana maging masaya ka sophia. Sana may tamang oras na nakalaan satin sana Sophia ako ang lalaking makakasama mo sa hirap at ginhawa, sana ikaw ang babaeng ihahatid ko sa altar. Pero kung hindi man yun ang nakatakda  tatanggapin ko at magiging masaya para sa inyo.

The Right Time For UsWhere stories live. Discover now