Matapos ng paghihintay ko. Sa wakas lumabas na din si jayce. Nakaplain black shirt sya at nakafitted white jeans sya. Sumakto ang korte ng katawan nya sa suot nya ngayon.
"Tara na miss excited na ako makilala si tita" sabi nito habang nakangiti. Binatukan ko sya ng sabihin nya yan.
"Aray bakit ka ba nanakit? Sinabi ko lang na excited ako aish" sabi nito.
"Makatita akala mo talaga" sabi ko naman
"Okay miss hindi na sige na" sabi nya sabay simangot sa'kin. Naawa naman ako kaya..........
"Sige na nga huwag ka na magmaktol dyan" sabi ko sa kanya.
"Okay then shall we?" Tanong nya sabay inilahad ang braso nya sa'kin. Isinukbit ko naman ang braso ko sa braso nya.
"Okay go" sabi ko sabay bumaba na kami ng kwarto nya.
Habang bumababa kami ng hagdan ni jayce ramdam ko ang titig nya sa'kin hindi sa pagaassume wala eh nakatingin sya sa'kin at hindi maganda yun dahil nakakailang.
Nang makababa na kami ng hagdan tinungo namin ang lugar kung saan nakaparada ang sasakyan ni jayce. Nang matungo na namin yun ay agad na kaming sumakay dalawa ata agad na pinaandar ang sasakyan nya.
Kinakabahan naman ako sa byahe namin ang lakas ng tibok ng puso ko dahil makikita ko na naman si akiro hindi ko alam kung kaya ko na ba syang harapin matapos nung nangyari kahapon. Back to reality na naman ako hayst.......!
Ilang minuto at agad na natungo din namin ang bahay namin. Abot langit ang kabang nararamdaman ko ngayon. Para bang ngayon ay sisintensyahan ako ng kamatayan. Bumaba si jayce ng kanyang sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. Hindi ko yata kayang bumaba! Inilahad nya ang kamay nya pero tinitigan ko lang yun. May pagdadalawang isip pa saking sistema.
"Don't worry miss nandito ako, kasama mo ako aalis pa tayo diba? Act normally. Act as my girlfriend kahit hindi totoo tandaan mo may deal tayo para sa revenge diba?" Paalala ni jayce sa deal namin
Huminga akong ng malalim at tsaka ngumiti ng tipid. Kaya ko ito! Tiwala lang!
Iniabot ko ang kamay ko kay jayce at bumaba na ng sasakyan. Pinagsiklop ni jayce ang kamay namin at tsaka pumasok ng bahay.
Pagpasok namin bumungad samin si tita kasama sina akiro at isabella. Humigpit ang hawak ko kay jayce at ramdam ko din ang pawis ng kamay ko.
"T-tita this is jayce asher alfaro my boyfriend" nauutal kong sabi kay tita.
Lumapit si jayce kay tita at nagmano at sinabing....................
"Hi po tita I'm jayce her boyfriend I hope you like me po" pabebeng sabi ni jayce.
Pasimple akong natawa dahil ang pabebe nya magsalita.
"This is for real?" Sabat ni akiro.
Hinapit ako ni jayce at hinalikan ang labi ko sa sobrang bilis ay napapikit ako ng biglaan dahil sa ginawa nya.
"For real" sabi ni jayce.
Hindi ko Alam kung anong trip nya sa buhay at kung bakit nya ginawa yun baka parte ng plano nya para maging totoo itong pagpapanggap na ito.
"Tita pwede ko bang hiramin saglit si Sophia? Magdadate po sana kami yun lang kung papayag po kayo" magalang na paalam ni jayce kay tita.
"Oo naman basta huwag magpapagabi ha!" Sabi ni tita samin.
"Sama kami para double date na din at tsaka wala kasi akong tiwala sa boyfriend mo para lang mabantayan kita" Sabat naman ni akiro.
I rolled my eyes at ngayon gaganyan ganyan sya! Magpapakaover protective sya dahil may kasama akong iba.
YOU ARE READING
The Right Time For Us
General FictionYou love him more than your bestfriend. You want him not just because he is your bestfriend. What if your bestfriend loves you but there are so many hindrances to the both of you? Will you choose to love him or not? There is a right time to choose...