Matapos ng ilang minutong tinagal ko sa cr ng kwarto ni jayce ay lumabas na ako. Pero paglabas ko wala na doon si Jayce.
Kaya naman nilibot ko muna ang kwarto nya. Nakita ko ang malaking picture na nakita ko dati noong una kong punta at una kong pasok dito sa kwarto ni jayce. Ako pala talaga itong babaeng ito akala ko kahawig ko lang.
Sa ibaba noong malaking picture na iyon ay may mga frame na nakalagay sa isang mini table. Nakita ko ang mga picture namin ni jay-jay.
Ang dami rin pala naming picture. Kasama din si akiro sa picture. Kinuha ko ang picture naming tatlo at nasa park kami noon at sinabi ni akiro na magpicture kami.
Ako ang nasa gitna si jay-jay ang nasa kanan ko at si akiro naman ang nasa kaliwa. Ang mga ngiti namin dito ay parang wala pang problema at masayang-masaya pang namumuhay bilang inosente at walang kamuwang-muwang.
Finally kumpleto na ulit kami. Finally magkakasama na ulit kaming tatlo.
Matapos kong maglibot sa kwarto ni jayce ay napagpasyahan kong bumaba na. Baka kasi nandoon si jayce eh.
Kaya naman nang bumaba na ako ng hagdan. Naamoy ko ang isang masarap na stake! Shems nakakagutom!
Sinundan ko lang ang amoy kung saan nanggagaling yung napabangong amoy noon. Matapos noon ay nalaglag ang panga ko sa nakita ko.
"Ay lalaking nakatopless!" Gulat kong sabi.
"Oh! Nandyan ka na pala wait lang matatapos na itong stake phia" sabi ni jayce na nagluluto.
"Kailangan topless kapag nagluluto?" Tanong ko.
"Mainit eh bakit ba? Inaano ka ba ng katawan ko ha?" Tanong nya.
"Wala nakakaakit kasi masyado!" Pabulong kong sabi.
"Ano? May sinasabi ka?" Tanong nya.
"Wala-wala!" Sabi ko naman.
"Akala ko may sinasabi ka eh!" Sabi nya.
Matapos noon ay umupo na ako sa upuan sa harap ko at hinintay ang stake na niluluto ni jayce.
Pero habang hinihintay yun, napako ang tingin ko sa magandang likod ni jayce. Shems! Nagkakasala ako! Masyado perfect ang likod nya nakakaakit shit!
"Eto na ang stake" sabi nya. Pero para akong natulala sa kanya, kaya naman hindi ko napansin yun.
"Hoy! Phia matutunaw ako" sabi nya.
Nahimasmasan ako ng sabihin nya yan. Ngayon nakaharap na sya at kitang-kita ko ang six pack abs at yung mga biceps and tripceps nya. Napalip bite ako ng mapansin ang lahat ng iyon. Parang ayoko nang kumain ng stake, busog na busog na ako sa view eh.
Nagulat ako ng bigla nya akong........... Shit! Shit! Shit! Hinalikan nya ako. In one move napapikit ako bigla at inangkin nya ang labi ko na parang wala nang bukas pa.
Nalasahan ko ang dugo sa labi ko ng kagatin nya yun. Bigla syang napatigil ng mangyari yun. Napatitig sya sa'kin at nakita nya yata ang dugo sa labi ko kaya umiwas sya ng tingin.
"Sorry I didn't want to do it natempt lang ako kasi naman ikaw eh" sabi nya.
"Takot ka pa din sa dugo?" Tanong ko sa kanya.
"Hmmmm...... Yes I have it until now" sabi nya.
"Eh bakit ka nagmedtech noong college kung takot ka sa dugo?" Tanong ko.
"Isn't obvious? Dahil sa'yo kaya ako nagenroll sa course na yun. Kahit takot ako sa dugo I can overcome this fear just to be with you" sabi nya.
Hindi na ako nakapagsalita ng sabihin nya yun. Totoo ba lahat ng narinig ko? Ginawa nya ba talaga yun para sa'kin?
YOU ARE READING
The Right Time For Us
Ficción GeneralYou love him more than your bestfriend. You want him not just because he is your bestfriend. What if your bestfriend loves you but there are so many hindrances to the both of you? Will you choose to love him or not? There is a right time to choose...