Hinatid na ako ni jayce matapos nun. Hanggang ngayon curious pa rin talaga ako kung paano nya ako nahatid ng hospital kung takot sya sa dugo?
Parang nakakatawa isipin na ang isang lalaking may malaking takot sa dugo ay dinala ang isang babae na duguan sa hospital? Ang weird diba?
Nasa sasakyan kami ngayon ni Jayce at diretso ang tingin nya sa daan. Seryosong-seryoso ang tingin nya sa daan.
Hindi ko man lang mabasa ang iniisip nya.
"Jayce I just wondering kung paano mo ako nadala sa hospital kung hanggang ngayon takot ka pa din sa dugo" basag ko sa katahimikin
"Just like what I've said earlier kaya kong iovercome ang fear ko para sa'yo at tsaka adrenaline rush na yung gumana nun kaya walang puwang sa'kin ang matakot" sabi nya
Akala ko nagbibiro lang talaga sya. Totoo nga pala, kasi kung nagsisinungaling man sya mahuhuli na sya ngayon.
"Nandito na tayo" sabi nya. Nandito na kami sa bahay ko.
"Tara sa loob ka na maghintay mag-aayos lang ako" sabi ko.
Matapos noon ay lumabas na kami ng sasakyan at pumasok na sa bahay ko.
"Feel at home jayce" sabi ko sa kanya.
"Okay huwag kang masyadong mag-ayos ha!" Sabi nya.
"Ha? Bakit naman?" Takang tanong ko.
"Okay na sa'kin kahit anong ayos mo miss maganda ka kahit saang anggulo" humakbang sya at naramdaman ko ang malamig na hangin sa tenga ko.
"Ang corny mo sige na mag-aayos na ako" sabi ko sa kanya at sabay na pumunta sa taas para mag-ayos.
Pagpunta ko sa taas ay agad na nag-ayos ako para maging presentable sa pupuntahan namin.
Ngayon lang kami ulit makukumpleto kaya kailangan talaga maging memorable nito. Actually naging kumpleto na kami dati pero hindi pa namin alam ni akiro na si jayce at jay-jay ay iisa.
Matapos kong magbihis at mag-ayos ay bumaba na ako. Pagbaba ko naman nakita ko si jayce na kumportableng nakaupo sa sofa at hawak ang cellphone nya.
Tumikhim ako at napatingin sya sa'kin. Agad syang tumayo at inayos ang sarili.
"Miss ang sabi ko ayos na ako kahit anong ayos mo bakit ka pa nagpaganda ng ganyan?" Sabi nya.
"Mr. Kailangan ko maging presentable sa harap nyo at sa harap ni akiro" sabi ko naman.
"Akiro nanaman nakakahalata na talaga ako eh" sabi naman nya.
"Para kang bata noh!" Sabi ko naman.
"Tss....." Angal nya.
"Tara na nga" sabi ko.
Nauna na syang maglakad palabas at hindi man lang ako nilingon. Seriously? Paninindigan nya talaga yan? Napakaseloso ng isang ito.
Nasa loob na kami ng sasakyan at ang tahimik walang gustong magsalita ni isa samin.
Hanggang sa makarating kami sa park. Siguradong nandito na si akiro dahil kanina ko pa tinawagan.
Pagdating namin may nakahanda nang lamesa at mga pagkain doon. Mukhang nandito na nga si akiro.
"Miss stay with me" bulong ni jayce sa'kin.
"Mr. Don't be possessive hindi ako lalayo sa'yo I swear" sabi ko sa kanya.
"Naniniguro lang mahirap na minahal mo sya dati at nakita ko kung paano ka umiyak at nasaktan" sabi nya.
YOU ARE READING
The Right Time For Us
General FictionYou love him more than your bestfriend. You want him not just because he is your bestfriend. What if your bestfriend loves you but there are so many hindrances to the both of you? Will you choose to love him or not? There is a right time to choose...