Hinatid ako ni akiro sa classroom namin. Hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Naguguluhan ako sa mga kaganapan.
Hayst.......... Buong klase hindi ako napagfocus dahil sa pag-iisip ko. Katabi ko si jayce pero hindi ko magawang kausapin sya. Gustong-gusto ko sya tanungin kung anong nangyari.
Nagulat na lamang ako sa tunog ng bell!
"Ay palaka!" Gulat kong sambit.
Napatingin ako kay jayce pero diretso lang ang tingin nya sa harap.
"Can we talk?" Wala sa sariling sambit ko sa kanya
"Babe let's go" sabi ng kung sino.
Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si isabella. Naalala ko yung pinagusapan nila ni akiro sa avr noon. Oo nga pala totoo nya palang mahal si jayce at hindi si akiro! Pero bakit ganito? Dapat matuwa ako dahil sa wakas nilubayan na ni isabella si aki. Bakit parang baliktad? Bakit nasasaktan ako makita silang dalawa?
Selfish ba ako? Bakit ganito ang nararamdaman ko?
"Phia" sigaw ng kung sino sa labas
Napatingin ako sa sumigaw sa labas at nakita ko si akiro. Masayang nakangiti si akiro sa labas.
"Aki?" Patanong na sambit ko.
"Phia?" Rinig kong sabi ni jayce. Hinigit nito ang braso ko at napatingin ako sa kanya.
"What?" Mahinahon na tanong ko.
"Nothing" sambit nya sabay bitaw sa braso ko at dinaluhan si isabella. Nasaktan ako ng mangyari yun parang dati ako yung lagi nyang kasama yung sa tuwing nasasaktan ako nandyan sya. Bakit ngayon lumayo sya at pinili nya si isabella?
"Why are you here?" Takang tanong ko kay akiro.
"Tinatanong pa ba yun syempre sinusundo ka break time nyo diba tara kain tayo" sabi nito sa'kin
"What aki? This is for real? Bakit parang nag-iba ang lahat? Before we eat I want to clear things first" sabi ko sa kanya.
Bakit naiirita ako? Kung dati pa ito nangyari baka siguro tuwang-tuwa ako dahil finally hindi na bulag si akiro. Pero bakit ngayon kung kailan nakasanayan ko na si jayce ang kasa-kasama ko tsaka mangyayari ito!
Bakit?! Dammit! Fuck it! Kung nababalik lang ang oras bwisit!
"Okay tara" sabi ni akiro sa'kin
Pumunta kami sa avr kung saan soundproof at walang makakarinig saming dalawa. Pagdating namin doon ay sumandal sa pader si aki at humalukipkip ito.
"Explain" sabi ko sa kanya.
"Explain what phia?" Tanong nya
"Break na kayo ni isabella?" Tanong ko
"Hindi naman naging kami" pag-amin nya.
"What?! You claim it akiro! You claim that you was her boyfriend" sabi ko
"I claim it yes pero labag sa kalooban ko yun phia! Let me explain my situation" sabi nya
"Okay then explain all" sabi ko.
"Look I love you phia since when we were young. Keira and I is nothing hindi naging kami fling lang kasi gusto kong pagselosin ka pero walang epekto sa'yo then isabella came up sabi nya sasaktan ka nya hanggang sa hindi ka na huminga pa! I accidentally hear it between her and an unknown person. I'm scared so kahit ano gagawin ko para hindi ka saktan ng babaeng yun! Baliw sya phia! Masyado syang obsessed kay jayce." Sabi nito.
"So are you trying to say na ginawa mo ito para iligtas ang buhay ko?" Tanong ko sa kanya
"Yes" tipid na sagot nya.
Fuck it! Sana hinayaan na lang nya akong mamatay!
"Alam mo ba akiro kung anong sakit yung napagdaan ko?! Ha aki! Sobrang sakit! Mahal kita akiro more than as my bestfriend tapos malalaman ko ganito? Parang pinatay mo na din ako aki! Walang araw na hindi ako nasasaktan at umiiyak aki at dahil sa'yo yun! Fuck this situation!" Sabi ko habang naglandas na ang luha saking mga mata.
Ang sakit eh! Pinagmukha akong tanga! Lalo na yung pinahiya nya ako sa cafeteria dahil hindi nya ako pinaniwalaan tapos malalaman ko plano lang yun?!
Nakakaputangina lang na ngayon babalik sya matapos nya akong saktan. Yung babalik sya na parang walang nangyari! Babalik sya na parang hindi nya ako sinaktan! How dare him!
"Phia" sabi nya at akmang hahawakan nya ako!
"Don't you dare to touched me aki" sabi ko sa kanya.
"I'm so so so sorry phia gusto ko lang naman na iligtas ka" sabi nya sa'kin
"For what kung magiging miserable lang ang buhay ko para saan pa at niligtas mo ako?!" I yelled
"You loved him now huh phia? Tell me you love him? Tell me phia I know you" sabi nya sa'kin
"Hindi ko alam!" Sigaw ko!
"Right I know you fall for him alam ko nang mangyayari ito pero it's too late phia sana mabawi mo sya" sabi nito sa'kin
"Whoaww thanks for the support huh!" I said sarcastically.
"From now on I no longer your bestfriend anymore" dugtong ko pa sabay umalis na doon. Hindi na ako pumasok sa Sunod na klase ko at agad na nagtungo sa bahay para magimpake.
Ayoko nang makita pa si akiro! Matapos nya akong pagmukhaing tanga! Matapos nya gawin yun hindi ko na sya kilala! Hindi na sya yung akiro na kilala ko!
Pagdating ko sa bahay ay agad na sumalubong sa'kin si tita.
"Oh phia bakit ang aga yata ng uwi nyo?" Takang tanong ni tita sa'kin
Dinaluhan ko di tita at inakbayan sya. Naglandas ang mga luha saking mga mata. Kung tutuusin malaki ang utang na loob ko sa kanila dahil sila na ang halos bumuhay sa'kin pero hindi ko na kaya pa na makita si akiro. Alam kong magmumukha akong walang utang na loob pero panahon na para tumayo ako sa sarili kong mga paa. Panahon na para maging independent ako na hindi umaasa sa ibang tao. Siguro ito na yung right time para doon.
"Tita aalis na po ako. Salamat po sa lahat-lahat tatanawin ko po itong malaking utang na loob sa inyo" sabi ko sa kanya
"Huh? Bakit ka aalis phia? At tsaka walang anuman hindi ka na iba sa amin ni aki? Saan ka naman pupunta?" Tanong nya
"Siguro po tita Kailangan ko na pong matuto sa buhay, Kailangan ko na pong maturing tumayo sa sarili kong mga paa" sabi ko naman
"Oh sige anak kung yan ang gusto mo. Mag-iingat ka" sabi naman ni tita.
"Thankyou for all of this tita" sabi ko sa kanya.
"Basta bukas lagi ang bahay ko para sa'yo phia Mamimiss kita" aniya.
"Mamiss din po kita tita" sabi ko.
Agad na akong nagtungo nun sa aking kwarto at nagimpake actually hindi ko alam kung saan ako pupunta pero Kailangan ko ng panahon para mag-isa.
Nang umalis ako sa bahay sobrang bigat ng loob ko dahil hindi ko nakita ang sarili ko na iiwan ang bahay at lilisanin iyon. Pumunta ako sa park kung saan una kaming magtagpo nila jay-jay at akiro. Umupo ako sa may bench at muli naglandas ang mga luha saking mga mata.
Nagumpisa ang kalbaryo ng buhay ko sa isang pagpapanggap hanggang sa dumating ang araw na minahal ko ang bestfriend ko pero inakala kong may mahal syang iba yun pala ay plinano lang nila yun at napilitan lang sya dahil gusto nya akong iligtas. Pero nang handa na syang balikan ako hindi ko naman inaasahang naattached na ako kay Jayce na laging nandyan sa tuwing malungkot at nasasaktan ako. He is my comfort zone but now I know I'm falling for him.
YOU ARE READING
The Right Time For Us
General FictionYou love him more than your bestfriend. You want him not just because he is your bestfriend. What if your bestfriend loves you but there are so many hindrances to the both of you? Will you choose to love him or not? There is a right time to choose...