Scarlet's POV
5 years later...
-BUZZ!--BUZZ!-
Ano ba yan? Ang aga aga! I didn't expect any guest to come here. I looked at the time sa phone ko. 9:30 am?!
Aishh! Dahan dahan akong bumangon at nag strech ng kamay ko t lumabas na kaagad ako sa kwarto ko. Lumapit ako sa pinto at dahan dahan itong binuksan.
"Good morning beautiful!" bati sakin ni Alex, nakabihis na siya and I think he's ready for work, yes, you read it right, may trabaho kami and we work as models sa company ng Tita ni Alex
"Good morning" bati ko din pabalik sakanya, pumasok lang siya sa unit ko at dumeretso sa kitchen, sumunod naman ako sakanya.
"Kumain ka na ba? Mukhang hindi pa yata, mukhang bagong gising ka kasi" tss..
"Tinatanong mo pa ako tapos ikaw din naman pala ang sasagot" sabi ko habang binubuhusan ng gatas ang cereals ko.
"Cereals na naman ang kainin mo?" tanong niya sakin
"Yup! Bakit ba?!" pasinghal kong tanong
"Scarlet, baka mahimatay ka na naman niyan" may halong pag aalala niyang sabi, napabuntong hinigna nalang ako
"Tss... sige na nga, pasalamat ka at love kita!" sabi ko at hinalikan siya sa pisngi
"Hahaha! Kumain ka na nga!" sabi niya at inalalayan akong makaupo sa upuan na katabi niya
Kumain lang kami hanggang sa nabusog na ako. Nagtooth brush lang ako nagdesisyon na maligo muna. Pinalabas ko muna si Alex at sinabihan na maghintay nalang sa labas.
Pagkatapos kong maligo, nagbihis kaagad ako at lumaba ng unit. Sumakay kaagad ako sa elevator. Ng makababa na ang elevator, lumabas kaagad, nakita ko si Alex na nakasandal sa sasakyan niya. Ngumiti lang ako sakanya.
Pinagbuksan niya kaagad ako, ang gentleman talaga netong si Alex.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko
"Sa office ni Tita, may sasabihin daw kasi satin" tumango nalang ako sakanya
Nagdrive na siya papunta sa pinagtatatrabahuan namin ni Alex. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at tahimik din kami sa buong byahe hanggang sa nakarating na kami sa building namin.
Bumaba kaagad kam at sumakay ng elevator. Pagkalabas namin, dumeretso kaagad kami sa office ni Tita. Binuksan namin ang pinto at nakitanamin siya na may kausap sa phone, ng makita niya kami, binaba niya kaagad ito at ngumiti samin.
"Nandito na pala kayo, so may good news ako sa inyo" sabi ni Tita, umupo lang kami sa sofa habang nakikinig sakanya
"Ano po yun?" tanong ni Alex
"Aalis kayo ng bansa" nging interesado ako bigla
"Saan na naman kami pupunta Tita?" tanong ko
"Sa Pilipinas!" napalingon ako kay Alex
"Seryoso Tita? Pilipinas talaga?" pagtatama ko
"Oo, bakit ba? Ayaw niyo na bang umuwi sa Pilipinas?" siya naman ngayon ang nagtatanong
"Hindi naman sa ganun Tita, nagulat lang kami" sabi ni Alex
"At tsaka, don't worry, may tutulong sating kompanya" sabi ni Tita
"Anong komapanya?"
"Sa mga Lopez, diba kaibigan mo si Zack Lopez, Alex?" baling sakanya ni Tita, tumango lang si Alex bilang sagot
"Isa din siya sa mga models dun at siya ang perfect na partner para kay Scarlet" what?! Partner talaga?!
"Tita, partner ko naman si Alex, hindi ko na kailangan yang si Zack" sabi ko
"Kapag wala si Alex, siya ang magiging partner mo at wag kang mag alala dahil gwapo naman yun" napangiwi nalang ako, tss...
"Kailan ang alis namin?" tanong ni Alex
"Bukas na bukas!" masiglang sabi niya
"Ang aga naman ata Tita" angal ko
"Wala na kasing time"
"Hanggang kailan ang kontrata namin sa company nila?"
"Base sa kontrata, until the end of the year"
"Wala na bang atrasan?"
"Nope, wala na, teka, this is the first time na umangal kayo sa pagpunta sa ibang bansa, nung pumunta tayo sa Japan ayaw niyo na ngang umuwi dito sa Korea, tapos kung sa Pilipinas naman aang—" hindi ko na siya pinatapos
"Okay Tita, hindi na kami aangal, anong oras ba ang flight namin?" tanong ko
"Mga 6:30 siguro" tumango nalang kami ni Alex
"Hindi ba sasama sina Sahara samin?" tanong ko
"Well, sila ang makakasama mo Scarlet, susunod lang si Alex" napaawang ang bibig ko, hindi to pwede, I can't go there without him
"Okay Tita" sabi ni Alex, hindi nalang ako umimik
Like what she said, wala na tong atrasan. Kailangan ko tong gawin kahit na labag sa kalooban ko. Aishh! Kainis! Bakit parang ako ang nag susuffer at hindi siya?! Damn, curse you Zack!
BINABASA MO ANG
Once Again
RomanceNo matter what happens, you will always find your way back to the person who is meant to hold your heart. That's just the way it works. [Sequel of The Bad Boy's Love] ⚠️ needs heavy editing ⚠️