💕Epilogue💕

1.4K 35 8
                                    

Scartlet's POV

"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!"

"Blow the candles Ezekiel!" sabi ni Zack, sinunod naman siya ni Ezekiel

"Yay!" masayang sabi ng mga bata

Ezekiel's already 18 years old, binatang binata na siya. Parang kahapon lang nung pinanganak ko siya pero ngayon malaki na.

"Mama, can I stay in my room?" bulong ni Zephaniah sakin

Zephaniah is Ezekiel's younger sister. She's already 17 pero ang matured mag isip katulad ni Ezekiel.

"Bakit naman? Hindi ka ba nag eenjoy?" tanong ko

"Ayoko mag pakita sa mga kaibigan ni Kuya, nagpapa cute lang kasi, nakaka irita yung mga mukha" nakalimutan ko bang sabihin na isa tong man hater?

"Wag mo nalang sila pansinin anak" sabi ko

"Tss... okay" sabi nito at umalis na sa harap ko

Hindi gaanong friendly si Zephaniah, hindi katulad ng ibang bata. Home schooled lang siya, mas gusto niya ang mga gadgets kaysa sa mga tao. Kaya baka mag computer science ang itake nitong course pag nag college na siya.

"Scarlet!" tawag ni Trisha na kararating lang kasama si Zandher, hindi ko talaga akalaing sila parin ang magkakatuluyan sa huli

"Sorry nalate kami!" sabi niya

"Okay lang" sabi ko sabay ngiti

"Nasan na pala ang birthday boy?" tanong nilang dalawa

"Nandun, kasama ang mga barkada niya" sagot ko

"Si Zack?" tanong ni Zandher

"Nasa loob ata" sabi ko pero naramdaman ko nalang ang pagpulupot ng isang braso sa bewang ko

"Speaking of the devil" sabi ni Zandher sabay tawa

"Kumusta?" tanong niya kay Zandher, pumunta kasi itong Germany

"Okay lang, ang laki na ng mga anak niyo ah? Nakabuo kaagad kayo ng bunso pagkatapos lang ng isang year... may susunod pa ba?" biro ni Zandher

"Oo, kung papayag si Scarlet" sabay tingin nila sakin

"Hoy! Wala ng ikatlo! Akala mo ba na ang dali lang manganak? Grabe ka! Ano ako?! Baboy?!" sigaw ko

"Hehe...ikaw naman, hindi ka na mabiro!" sabi niya sabay kamot sa ulo niya

"Zack, wag mo sabihing under ka kay Scarlet?" gulat na sabi ni Zandher

"Hindi noh!" sagot naman ni Zack

"Bahala na nga kayo diyan" sabi ko at umalis na sa harap nila, bigla namang nag ring ang phone ko, sinagot ko kaagad ang tawag ng makitang si Alex pala ang tumatawag

"Oh! Alex, nasan na kayo?" bungad ko

"Paparating na kami diyan Scarlet! Don't worry" sabi niya

"Mabuti naman" sabi ko

"Sige, nag dadrive pa kasi ako...bye na!" sabi niya

"Bye!" binabaan niya kaagad ako

"Scarlet!" nakita ko si Freyah na papalapit sakin kasama si Carl, may dala itong cake

"Oh, mabuti at naisipan niyo pang pumunta dito?" sabi ko

"Ang traffic kaya! Ikaw naman!" sabi niya

"Okay, I'll let this pass..." sabi ko

"Scarlet, saan ko ba to ilalagay?" tanong ni Carl sabay pakita ng kahon na may laman ng cake

"Doon lang Carl, salamat ah! Nag abala pa kayo" sabi ko, may hawak din kasi itong regalo

"Tss... pamangkin ko ang may birthday, natural lang na magbigay ako ng regalo" sabi niya

"Scarlet! Hi!" napatingin naman ako sa kabilang side at nakita si Ariana at Aira na magkasama, sa likod nila ay si Alex at Sahara

"Hi!" bati ko din pabalik, nagbeso naman sila ni Freyah

"Kumain muna kayo Freyah, kunan ko lang kayo ng picture" masaya kong sabi

"Sige ba!" sabay naman nilang sabi sabay tawa

Kinuha ko kaagad ang DSLR camera ko sa loob ng bahay at lumapit kina Zandher at Zack.

"Smile!" sabi ko, lumingon naman kaagad sila na may ngiti sa labi, kinunan ko kaagad sila ng picture, lumapit naman ako sa table nina Trisha

"Guys! Lumingon muna kayo dito!" sabi ko, tumingin naman sila sa akin at ngumiti

"Say Cheese!" sabi ko

"Cheese!" sabi naman nilang lahat sabay flash ng camera

Lumapit naman ako sa dalawa kong anak na kumakain kasama ang mga kaibigan ni Ezekiel.

"Smile muna kayo dito!" sabi ko, tumingin kaagad sila at ngumiti, kinuna ko kaagad sila

"Kayo naman nina Zack ang kukunan namin ng picture!" sabi ni Freyah

"Ayieeeee!" sigaw nilang lahat

"Para kayong mga bata!" sigaw ko din sakanila

"Sus! Pabayaan mo na sila" sabi ki Zack ng makalapit na siya sakin, humarap kaming apat sa camera

"Smile!" nag smile kaagad kami sabay flash ng camera

"Patingin!" sabi ko, binugay naman ni Freyah sakin ang camera... napangiti nalang ako ng makita ko ang picture namin, naramdaman ko ang braso ni Zack sa bewang ko

"Ang saya natin tignan oh" sabi ko sakanya

"Scarlet" tawag niya

"Hmm?" tanong ko

"Thank you" sabi niya, nagtaka naman ako

"For what?" naguguluhan kong tanong

"For giving me a happy family, for giving me this wonderful life... thank you sa lahat" sabi niya

"Salamat din sa pagbabantay samin every single day!" sabi ko at hinalikan siya

"I love you Danica Scarlet Lopez" ngumiti naman ako

"I love you too, forever ang ever Zack Lopez" sagot ko

I guess this is the end of our story...

Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon