Scarlet's POV
Nasa bahay ako ngayon, hinihintay si Zack. I have to tell him. I'm sure he will be happy. Like what he said, he wants to have a child already.
"Hello? Mom?" bungad ko kay mom sabay upo sa sofa
["Anak! How are you? Hindi ka na tumawag samin since nagpakasal na kayo ni Zack, nagtatampo tuliy ako"]
"Haha... ang cute mo mom!"
[ "Pero bakit ngayon ka lang tumawag?"]
"Well, nag change kasi ako ng number mom, and I have a good news kaya tumawag ako"
["Oh? Really? Ano naman yun?"]
"Mom... I'm pregnant" nabigla ako ng tumili si mom
"What?! Really?! Wow! Congratulations! Pero sabi ni Zack wala daw nangyari sa inyo! Paano yun nangyari? Nagpatingin naba kayo sa OB? Is it a she? Or he?... I have to buy clothes for the baby!"]
"Relax... It's still 1 month old, hindi pa malaki ang tiyan ko... at hindi ko pa nasasabi kay Zack"
["What?! Why? Tell him! I'm sure he will be happy dahil magkaka anak na siya!"]
"Sasabihin ko naman sakanya"
["Bakit ngayon mo pa to sinabi sakin?"]
"Ngayon ko lang din nalaman"
["Okay, okay... but tell him as soon as possible! I have to tell your father! Bye! I love you!"]
"I love you too!" sabay end sa call
Tumayo ako at umakyat sa kwarto namin. Pagbukas ko ng pinto,natigilan ako ng makita ko si Zack na nakahiga na sa kama. Bakit hindi man lang niya ako sinabihan na nakauwi na pala siya?
Lumapit ako sakanya at umupo sa tabi niya. I know he's awake.
"Zack?" sabay yugyog ko
"Zack, wake up...I have something to tell you" sabi ko, pero parang hindi man lang niya ako narinig
"Zack? Galit ka ba sakin?" nabigla naman ako ng bumangon siya at seryoso akong tinignan
"Sino yung kausap mo?" galit niyang sabi
"Huh? Ahh... si—"
"At sinabihan mo pa siya ng 'I love you?" napatulala naman ako
"What's with that look? It's like you've been caught having an affair with someone—" I slapped him hard, hindi ko na napigilan ang sarili ko
"Affair? With someone? Ano bang sinasabi mo diyan?! Why don't you let me finish first?! Kung ano ano nalang ang sinasabi mo! Si mom ang kausap ko kanina! Sasabihin ko pa naman sana na buntis ako sayo! I hate you!" sabay walk out... ayoko na sakanya
Ganito ba talaga kapag buntis? Ang dali lang magalit? Mood swings nga pala!
Pumasok kaagad ako sa guest room. I locked it para hindi makapasok si Zack... kung susundan niya naman ako. Humiga nalang ako sa kama at natulog.
—
Nagising nalang ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, tanghali na siguro. Kaagad akong bumangon pero napahiga ulit ako ng may maramdaman akong mabigat sa bewang ko. I looked down at isang braso pala ito.
I turned around to see kung kaninong braso ito. Nabigla naman ako ng mukha ni Zack ang bumungad sakin. Bumangon kaagad ako at tumayo kaya nagising siya. I pointed at him.
"P-paano ka naka pasok d-dito?!" pasigaw kong tanong sakanya, kinukusot pa niya ang mga mata niya
"Good morning" nakangiting sabi niya
"Get out!" sigaw ko, pero natigilan ako nang tumayo siya at lumapit sakin.. at hindi man lang nahiya, niyakap pa talaga ako
"Wag ka nang magalit sakin, makakasama yan sa baby natin" sabi niya habang yakap yakap ako pero tinulak ko siya
"Hoy! Ikaw Zack! Wala ka bang naalala kagabi?! Nag away ta—" nanlaki ang mga mata ko nang halikan niya ako, I didn't respond pero hinayaan ko lang siya, his kiss lasted for like 20 seconds
"I know, I'm really sorry for being a jerk... I didn't listen to you... nagalit lang ako dahil akala ko you are having an affair with someone... I just want you mine Scarlet, kung pwede ka lang itali sa kama gagawin ko but you know that I'm not that kind of person... I'm really sorry, I love you, please forgive me?" huminga nalang ako ng malalim at tumango sakanya kaya napangiti nalang siya at niyakap ako
"I'm sorry okay? I love you Scarlet" siniksik ko nalang ang ulo ko sa dibdib niya, kinikilig ako!
"I love you too"
BINABASA MO ANG
Once Again
RomanceNo matter what happens, you will always find your way back to the person who is meant to hold your heart. That's just the way it works. [Sequel of The Bad Boy's Love] ⚠️ needs heavy editing ⚠️