💕Chapter 13💕

821 25 2
                                    

Scarlet's POV

Lumabas na ako ng kwarto ng makita kong dumidilim na sa labas. Kagaya ng sinabi ni Alex ay pumunta ako sa beach, naabutan ko silang nagluluto. Ang iba naman ay nakaupo lang sa buhangin habang tinitignan ang dagat.

Nakita ko si Alex na busy sa pagluluto ng barbeque kaya naglakad na ako palapit sakanya pero halos madapa ako ng iharang ni Mikaela ang paa niya.

"Ooppss... sorry Scarlet" sabi niya, papalampasin ko nalang ito

"Okay lang" yun lang ang nasabi ko, nakalapit na ako ng tuluyan kay Alex

"Nakita ko yun" sabi niya habang patuloy parin sa ginagawa niya

"Okay lang yun Alex, papalampasin ko muna yun" natawa nalang si Alex

"Ang bait mo talaga" sabay pisil ng pisngi ko, tinanggal ko naman ang kamay niya na nakahawak sa pisngi ko habang natatawa

"Hoy! Dito lang ba kayo? Mamaya na yang PDA niyo diyan, nandun na silang lahat sa beach" si Zack, tss... anong problema niya?

"Alika na?" yaya ni Alex, tumango lang ako sakanya, naglakad na kami papunta sa beach. Nakita namin sila na nakaupo sa buhangin kaya lumapit kami sakanila at umupo din sa buhangin. Pinapagitnaan ako ngayon nina Alex at Zandher habang si Zack naman ang nasa harap ko na matalim na nakatingin sakin. Kanina pa siya! Patayin kaya kita diyan!

"Guys! Maglaro tayo!" sabi ni Jashley

"Not interested" sabi ko

"Ang KJ mo naman Scarlet! Sige na!" si Aira

"Oo nga Scarlet!" aishh!

"Sige na nga" sabi ko

"Ano bang lalaruin natin?" tanong naman ni Zandher

"Spin the bottle!" isip bata

"Lame" bulong ko, mukhang narinig naman yun ni Mikaela dahil tinignan ng masama, inirapan ko lang siya

"Wag! Spin the bottle lang" sabi naman ni Jashley

"Eh ano bang sinabi ko?! Diba Spin the bottle?!" sigaw ni Mikaela

"Hoy! Wag mong sisigawan ang kaibigan ko! Sabunutan kita diyan!" sigaw naman ni Sahara, siya ang palaban sa aming apat, tumayo kaagad si Zandher

"Girls, kalma, wag nalang tayo maglaro, kumain nalang tayo" sabi ni Zandher, narinig kong tumawa ng mahina si Zack

"Oo nga, nagugutom na din ako" sabi naman ni Alex, tumango nalang kami at nagsitayuan, aalis na sana ako ng mapansin ko na wala ang phone ko sa pocket ko, baka naiwan ko sa kwarto

"Alex, mauna ka nalang, kukunin ko lang ang phone sa kwarto" sabi ko

"Okay, balik ka kaagad" tumango lang ako sakanya at nagsimulang maglakad paalis

Medyo madilim ang daan at ang liwanag lang ng buwan ang nagsisilibing ilaw ko. Lalampasin ko na sana ang kwarto ng mga boys ng may humila sakin.

Alam ko na kung sino to. Sino pa ba ang palaging humihila sakin? Diba si Zack? Nagpupumuglas ako pero mas lalo lang niyang hinihigpitan ang paghawak niya sakin.

"Zack!" tawag ko

"Zack! Ano ba?!" bingi ba tong kausap ko?!

"Zack! Bitawan mo ko!" tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako, nabigla naman ako sakanya dahil ang seryoso niya tignan

"Z-Zack, m-may p-problema ba?" nauutal kong tanong, hindi niya ako sinagot pero sinandal niya ako sa pader, kinakabahan ako

"Z-Zack" tumitig lang siya sakin, bigla niyang sinandal ang ulo niya sa balikat ko

"Hindi mo ba napapansin?! Nagseselos ako sa inyo ni Alex!" natahimik ako sa sinabi niya

"Palagi nalang kayong magkasama! Hindi ka ba nagsasawa sa mukha niya?! Hindi na ba sapat ang limang taon?! Ako naman Scarlet! Ako naman ang bigyan mo ng pansin!" inangat niya ang ulo niya

"Stay by my side Scarlet. Kung pwede lang na itali kita sakin gagawin ko! Wag ka lang mapunta kay Alex" napaawang ang bibig ko

"Zack, your being selfish" sabi ko, totoo naman eh, pero ngumiti lang siya sakin

"Well, let me tell you that love is selfish Scarlet.... ikaw ba? Gusto mo ba na may kahati?" natigilan ako sa sinabi niya, tama, ayokong may kahati

"Takot ka lang mamili saming dalawa Scarlet" napayuko nalang ako. Takot ako na baka may masaktan kapag may pinili ako sa kanilang dalawa. Kapag si Zack ang pinili ko, masasktan si Alex. Ayokong mangyari yun

Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon