💕Chapter 22💕

844 17 8
                                    

Zack's POV

After 2 months...

Nasa simbahan na ako ngayon, hinihintay na dumating ang mapapangasawa ko. I really thought hindi siya mapupunta sakin. I was really happy when she said the word 'yes'. Dahil sakanya I changed. Dahil sakanya I learned how to love. Maraming nagbago sakin, at siya lahat ang rason. I love her so much na kaya ko ibigay ang mundo saka—

"Zack!" tawag ni Zandher

"Panira! Nag momoment ako dito" sabi ko, pero hindi man lang siya natawa, he looks serious

"Hindi ito ang tamang oras para magbiro Zack! May problema tayo" napawi din ang ngiti sa labi ko

"What do you mean?" I hope hindi ito tungkol kay Scarlet

"Si Scarlet..." damn it! Lumapit si Alex samin

"Bakit?" tanong niya

"Hindi siya makakarating" nanlaki ang mata ko

"What?!" sigaw ko

"Zack! Relax!" sabi ni Alex

"How can I relax in situations like this?" I said

"Ano ba kasing nangyari?" tanong ni Alex

"May nag ambush sa kotse ma sinakyan nila, hinahanap pa ng mga pulis ang kotse" naglakad kaagad ako paalis sa simbahan, sina Alex at Zandher naman ay nakasunod sakin

"San ka pupunta?" tanong ni Zandher

"Hahanapin ko si Scarlet" sumakay kaagad ako sa sports car ko

"Sasamahan ka namin" tumango naman ako, nang makasakay na sila nagdrive kaagad ako.

"I know may kinalaman si Mikaela tungkol dito!" sabi ko

"Oo nga, bigla ko nalang narinig sa balita na tumakas daw siya" sabi ni Alex

"Eto na kaya yung sinasabi niya Zack?" sabi ni Zandher

Flashback...

Nasa prisinto kami ngayon, binibisita si Mikaela. Kaharap namin siya ngayon at wala siyang ibang magawa kundi ang humingi ng tawad sakin.

"Why am I here?! Wala akong ginawa!" biglang nag init ang dugo ko sa sinabi niya

"Wala kang ginawa? Halos patayin mo na nga si Scarlet! Tapos sasabihin mo na wala kang ginawa?! Fuck you!" inis na sabi ni Alex

"I'm really sorry Zack!" paulit ulit niyang sabi

"Hindi ko sinasadya! I promise! Nadala lang ako sa galit! Please Zack! Forgive me!" napailing naman si Alex

"I love you!" biglang sabi niya

"That's not love Mikaela, it's what you call obsession" sabi ni Zandher pero hindi siya pinansin ni Mikaela, sakin parin siya nakatingin

"I'm sorry Mikaela but I don't love you, nor like you...si Scarlet lang ang mahal ko and you know that! Pero sinaktan mo siya kaya ka nandyan sa loob ngayon!" sabi ko

"I hate you for hurting her! I just want to kill you right now!" sabi ko, yumuko siya pero nagulat nalang kami ng iangat niya ang ulo niya at iba na ang expresyon niya, kung kanina ay malungkot siya tignan... ngayon naman nakangiti siya, parang tumayo ang mga balahibo ko. She looks like a predator ready to attack it's prey

"Yan lang ba ang pinunta niyo dito? Ang pagsalitaan ako ng masama?" sabi niya

"No! Pumunta kami rito para sabihin sayo na ikakasal na kami ni Scarlet!"

"I know" nagulat naman ako sa sinagot niya

"And I won't let that happen Zack! Hindi ka mapupunta kay Scarlet! Sakin ka Zack! Akin ka lang! You will taste my sweet revenge!" sigaw niya

"I'm not your property and I will never be! Kung may binabalak ka mang masama, wag mo nang ituloy!" galit kong sabi at umalis na

End of flashback...

Kinakabahan ako. Paano kung tama nga si Zandher? Eto na kaya ang sinasabi niyang 'revenge'?

Scarlet's POV

Pinasakay na kaagad ako sa kotse papunta sa simbahan. I'm excited and happy at the same time, kasi ikakasal na ako! Nakasuot na din ako ng wedding dress! Palagi nalang kasi akong maid of honor kaya masaya ako dahil ako naman ngayon ang bride!

Nag drive na si manong papunta sa simbahan. Para akong naiihi dito dahil ang likot ko. Para din akong tanga dahil hindi mawala ang ngiti sa labi ko! Masisisi niyo ba ako? Masaya lang naman ako! Matatawag ko na ding 'hubby' si Zack!

Biglang huminto ang kotse kaya napatingin ako sa harap! May biglang humarang samin, isang itim na van. Hindi naman siguro ito parehas sa mga movies na may ambush na mangyayari tapos babarilin ka ng mga lalaking nakasakay sa loob ng van diba?

Pero bigla akong kinabahan ng bumukas ang pinto, may nakita akong nakamask na lalaki, may dala ito baril. Oh my god! I think hindi matutupad ang pangarap kong makalakad patungo sa altar kasama ang magiging asawa ko! I'm very sorry Zack!

Biglang bumukas ang front seat kung saan naroon ang driver! Binaril ng lalaking nakamask ang driver kaya napatili ako. Napatingin naman ang lalaki sakin kaya mas dumoble ang kaba ko!

Binuksan niya ang pinto dito sa backseat at tinignan ako. Kinuha niya ang cellphone niya at may tinawagan.

"Nakita ko na...okay" tumingin ulit siya sakin, bigla niyanh tinakpan ang ilong ko ng panyo, bigla akong nahilo at umikot ang paningin ko. Nang pipikit na sana ako, tinanggal niya ang mask na nakatakip sa mukha niya at laking gulat ko ng makita ko si—

—————————

[A/N]

Guess kung sino ang lalaki na naka mask! All you need to do is comment! Hindi ako mag u-update for one week! Joke! 😎😏

Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon