💕Chapter 11💕

848 20 1
                                    

Scarlet's POV

Naghahanda na ako para sa flight namin bukas. Mga 9:30 kasi ang flight namin kaya ako naghahanda.

Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko, humiga kaagad ako sa kama at pinikit ang mga mata ko. Kailangan ko ng matulog. Good night world!

Bumangon kaagad ako ng marinig ko ang alarm ko. Humikab muna ako at nagstretching. Tamad akong bumangon at pumasok sa loob ng CR.

Naligo lang ako for 15 minutes. Nagbihis kaagad ako at kumain ng breakfast. Hindi na ako nag cereal, rice ang kailangan ko, kailangan ko ng lakas. Kapag bumabyahe kasi, rice ang kinakain ko. But that doesn't mean na kumakain lang ako ng rice kapag bumabyahe ako.

Nang matapos na ako sa pagkain, nagtooth brush kaagad ako. Kinuha ko na ang maleta ko at chineck kung may nakalimutan ako. Napagdesisyonan ko ng umalis dahil baka malate ako sa flight.

Pagbukas ko ng pinto, ang mukha kaagad ni Zack ang bumungad sakin.

"Good morning" bati niya

"G-good morning" bati ko pabalik

"Umalis na tayo, naiwan tayo eh" lumaki ang mga mata ko

"What?! Naiwan tayo?!" sigaw ko

"Yes, kaya alika na" hinila niya na kaagad ako palabas ng building. Nagpahila naman ako.

Sumakay kami ng taxi papunta sa airport. Pagdating namin sa airport, pumasok kaagad kami at sumakay sa private plane na naghihintay sa amin. Good thing at pagmamay ari ito ng pamilya nina Aira.

Pagkapasok namin sa plane, umupo kaagad ako malapit sa bintana.

Kainis! Bakit nila kami iniwan?! Naiilang pa naman ako kay Zack. Well, sinong hindi maiilang? Eh kasama mo ang ex mo sa iisang plane. Parehas pa kayo ng tinitirhang condo. Parehas pa kayo ng trabaho. At higit sa lahat, siya pa ang naging partner ko. Tangina!

"Matulog ka muna, mahaba pa ang byahe natin" bigpang sabi niya, tumango nalang ako sakanya

Sinuot ko nalang ang earphones ko at natulog. Inaantok pa talaga ako. Kapag walang trabaho kasi mga 10:00 am na ako gumigising. Kapag may trabaho naman, nag papaalarm lang ako.

Pinikit ko na ang mga mata ko at natulog.

Nagising nalang ako ng naramdaman kong may humahaplos sa mukha ko kaya dumilat ako. Nakikiliti kasi ako.

Naksandal pala ang ulo ko sa balikat ni Zack kaya lumayo ako ng konti at umupo ng maayos.

"Maglaland na tayo" sabi niya, tumango nalang ako. Nagugutom na din ako.

Inayos ko na ang gamit ko at hinitay na magland na ang plane. Nang magland naito, lumabas kaagad kami ni Zack. Yung mga maleta naman namin ay dinadala ng mga guards.

Pinasakay nila kami sa van papunta sa lugar na hindi ko alam. Nang makasakay na kami, nagdrive kaagad ang driver.

"Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko kay Zack na naglalaro ng games sa cellphone niya

"Sa isang isla, sasakay pa tayo ng banka, don't worry....mag eenjoy ka dun" sagot niya habang nakatingin parin sa cellphone niya. Aishh! Bakit kasi sa Palawan pa?!

Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon