Scarlet's POV
Nakahiga lang ako sa kama ko ngayon. Walang magawa eh. Nasa condo na din pala ako. Hindi ko alam na magkaharap lang pala ang unit namin ni Zack. Tss...
Naoagdesisyonan ko na din na tumayo at pumunta sa kitchen. Nagugutom na kasi ako tangina!
Kumuha ako ng brownies na binake ko kanina at kumain. Hindi ko pa pala nabibisita sina Kuya sa bahay nila ni Beatrice, I mean ate Beatrice. Gusto ko na makita sa personal si Baby Snow!
Kumain muna ako bago ako naligo at nagbihis. Pumunta muna ako sa mall para may mabili naman ako na regalo para kay Snow. Sa mga litrato ko lang kasi siya nakikita.
Nang makabili na ako ng laruan, duneretso kaagad ako sa bahay nina Kuya. Alam ko ang address niya dahil sinabihan na ako ni Kuya. Malapit lang daw ito sa bahay na tinirhan namin 5 years ago.
Pumasok kaagad ako sa village at nagdrive papunta sa bahay nila. May nakita akong isang babae na nasa labas ng bahay. Mukhang si Beatrice to.
Pinark ko kaagad ako sa harap niya na ikinagulat niya. Hindi niya ako makikita sa loob dahil tinted ang kotse ko. Binaba ko ang bintana at dahan dahang humarap sakanya. Nanlaki ang mga mata niya ng makita niya ako.
"Oh my god! Nananaginip lang ba ako?!" tanong niya sa sarili niya, bumaba nalang ako sa kotse at yinakap siya ng mahigpit
"Hindi ka nananaginip ate, si Scarlet talaga to" naramdaman kong yumakap din siya sakin
"Oh my god!" sabi niya at kinalas ang pagkakayakap niya sakin
"You've changed a lot! Kumu—" hindi pa natatapos ni Beatrice ang sasabihin niya ng may tumawag sakanya, at alam kong si Kuya yun
"Beatrice! Anong ginagawa mo dito? Sino ba yang kausap mo?" tanong niya habang papalapit samin, lumingon naman si Beatrice kay Kuya
"Voughn! Nandito na si Scarlet!" sigaw niya, napatingin naman si Kuya sakin
"What?! Nasa—, Scarlet?" nagtatakang tnong niya
"Kuya!" yinakap ko siya kaagad
"Ikaw ba talaga yan?" napatawa nalang ako
"Of course, ako to Kuya! Teka, nasan Si Snow? Gusto ko nang makita ang pamangkin ko" sabi ko, napangiti naman si Kuya at si Beatrice
"Nandoon sa loob, naglalaro" sagot ni Beatrice
"Pasok na tayo" sabini Kuya
Naexcite ako bigla. Gusto ko na talaga makita si Snow! Nang makapasok na kami, nakita namin si Snowna nakaharap sa TV habang sumasayaw. Ang cute!
"Snow, come here" sabi ni Kuya, napalingon naman si Snow sakanya, omo! Ang laki ng pisngi niya!
"Who is she daddy?" tanong niya sa daddy niya
"That's you're Tita Scarlet" sabi ni Kuya, lumingon naman si Snow sakin at tinagilid ang mukha niya
"Hi Tita Scarlet" sabi niya at lumapit sakin, kinarga ko kaagad siya at hinalikan sa pisngi, cute!
Naglaro lang kami ni Snow hanggang sa mapagod kami. Ang saya niya kalaro, parang naging bata ulit ako.
—
Nagluluto na ngayon si Beatrice. Ako naman,tumutulong sa mga kasambahay para ayusin ang table at ang pagkain. Magdidinner kasi kami.
Nang matapos na kami sa pag ayus ng table, nilagay na din namin ang mga pagkain sa table. Uupo na sana ako ng mapansin kong hindi parin sila umuupo at may isa pang plato sa tabi ko.
"May hinihintay ba kayo?" tumango lang si Kuya, sino naman kaya yun? Tumayo nalang ulit ako. Nakita ko si Snow na tumatakbo papunta dito. Bakit?
"Tito's here!" masayangsabi niya, sinong Tito? Nabigla nalang ako ng makarinig ako ng mga footsteps galing sa sala at mas nabigla ako ng makita ko kung sino ito.
"Z-Zack?" bakit siya nandito?
BINABASA MO ANG
Once Again
RomanceNo matter what happens, you will always find your way back to the person who is meant to hold your heart. That's just the way it works. [Sequel of The Bad Boy's Love] ⚠️ needs heavy editing ⚠️