Alex's POV
Nasa isla na kami ngayon nina Sahara, Jashley, Aira, Mikaela, at Zandher. Nabadtrip nga ako dahil iniwan namin sina Scarlet at Zack.
Flashback...
7:30 na ngayon at papalabas na ako ngayon ng building. Papunta na ako ngayon sa building nina Scarlet. Susunduin ko ngayon si Scarlet dahil gusto ko na sabay na kaming umalis.
Pero nabigla nalang ako ng may itim na van ang huminto sa harap ko. Bigla nalang lumabas sina....Zandher at Jashley?
"Alika na Alex" sabi ni Zandher habang hinihila ako papasok sa van pero hindi ako nagpahila
"Susunduin ko si Scarlet" sabi ko
"Nandito na si Scarlet, ikaw nalang talaga ang kulang" sabi naman ni Jashley, pumasok nalang ako sa passengers seat
Nang lingunin ko sila sa likod, wala akong nakitang Scarlet, pati na din si Zack.
"Teka, nasan si Scarlet?" tanong ko, pero hindi nila ako sinagot
"What the fuck?! Don't tell me iiwan natin silang magkasama?!" sigaw ko sakanila
"Sorry Alex, para na din magkaayos na sila" sagot ni Zandher, napailing nalang ako habang nakangiti
"Oh, bakit ka nakangiti?" tanong ni Jashley na katabi ko lang
"Yan din naman ang gusto kong mangyari" sagot ko
"Ang alin?" boses ni Sahara yun
"Ang magkaayos sila" sabi ko, kahit na fiance ako ni Scarlet gusto ko pa din na mtkaayos sila, tinignan ko naman si Mikaela sa likod....thank god at tulog siya, ayaw ko pa naman sa babaeng yan
End of flashback...
Nakaupo lang kami sa buhangin habang hinihintay sina Scarlet at Zack. Nagkwekwentuhan lang sila habang ako naman ay nakikinig lang sakanila.
Nang may maaninag kaming banka na papunta dito, tumayo kaagad ako at lumapit sakanila. Tinulungan ko muna si Scarlet na makababa. Yinakap niya kaagad ako ng mahigpit.
"Kumusta ang byahe?" tanong ko sakanya
"Nakakapagod, pero nung nakita kita nawala kaagad ang pagod na nararamdaman ko" sabi niya at binigyan ako ng matamis na ngiti
"Zack, hindi mo naman siguri pinabayaan si Scarlet diba?" tanong naman ni Zandher
"Tss...bakit ko naman siya papabayaan? I can't lose her...again" sagot niya at tinignan ako, tumango lang siya sakin at umalis na sa harap namin
"Okay ka lang?" tanong ko, tumango lang siya sakin
"Nandito na ba kayong lahat?" tumango lang din ako
"Ahhh...saan ba ang mga kwarto natin? Gusto kong magpahinga" sabi niya, hinatid ko naman siya kaagad sa kwarto ng mga girls
"Kita balang tayo mamaya sa beach, ngayong gabi okay?" sabi ko sakanya
"Okay" sagot niya, sinara ko na ang pinto at naglakad na paalis sa kwarto nila pero nahagip ng mga mata ko si Zack na kausap si Mikaela, nagtago kaagad ako sa isang halaman
"I already told you, I don't like you!" naiiritang sabi ni Zack
"But Zack, fiance mo ko! Wether you like it or not magpapakasal parin tayo!" sabi naman ni Mikaela, naiiyak na siya
"Arrange marriage lang naman to eh! I will never like you, nor love you! So stay away from me!" sigaw ni Zack, aalis na sana siya pero natigilan siya ng sumigaw ulit si Mikaela
"Ano bang nagustuhan mo sa Scarlet na yan?! Maganda naman siya peeo mas maganda naman ako! Sexy nga siya pero mas sexy naman ako!" parang gusto kong matawa, I think kabaliktaran yung sinabi niya, si Scarlet dapat ang mas maganda at sexy sakanya
"Fuck! Are comparing yourself to her?! Hindi naman kasi kagandahan at kasexyhan ang hinahanap ko sa isang babae eh! Kundi ang ugali, mabait si Scarlet at ikaw naman ay......aishh! Hindi ko alam! Basta kabaliktaran ang sayo!" umalis na talaga si Zack, narinig ko pa siyang nagmura natatawa tuloy ako sakanila
"Maghihiganti ako Zack! Magiging akin ka din! Magsasawa din si Scarlet sayo! Papatayin ko siya kung kinakailangan!" dun na ako natigilan, papatayin?
"Tss...don't you dare Mikaela, dahil kapag ginawa mo yun dadaan ka muna sakin!" sigaw naman pabalik ni Zack
"Ahhhhhh!!!" sumigaw nalang si Mikaela in frustration, napailing nalang ako. I think she's obsessed
BINABASA MO ANG
Once Again
RomanceNo matter what happens, you will always find your way back to the person who is meant to hold your heart. That's just the way it works. [Sequel of The Bad Boy's Love] ⚠️ needs heavy editing ⚠️