Scarlet's POV
Pagkatapos akong pasakayin ni Zack, hinatid niya ako sa harap ng unit ko na kaharap niya lang din.
"Salamat Zack" sabi ko
"Wala yun, tawagan mo nalang si Voughn at sabihin mo na nandoon ang kotse mo" sabi niya, tumango nalang ako sakanya
"Sige, good night" sabi ko, sinara ko na ang pinto. Ahhh! Bakit ganito nalang kalakas ng pintig ng puso ko?! No Scarlet! Wag naman sana!
Pumunta nalang ako sa kwarto ko. Hindi na ako nagbihis dahil pagod na din kasi ako. Humiga kaagad ako at pinikit ang mga mata ko. Good night world!
-
Nang magising na ako, bumangon kaagad ako at naligo tapos nag bihis, kumain, at lumabas ng unit pero napigilan nalang ako ng makita ko si Zack na kakalabas lang din ng unit niya.
"Good morning!" bati niya habang nakangiti
"G-good morning din" awkward
"Saan ka pupunta?" tanong niya habang naglalakad kami papunta sa elevator
"Ummm... pupunta ako sa airport, may susunduin lang" sabi ko
"Sino?"
"Si Alex" tumango lang siya sakin
Pagbukas ng pinto, lumabas kaagad ako sa building, papara na sana ako ng taxi pero natatandaan ko yung sinabi ni Zack sakin kagabi.
"Delikado Scarlet, paano nalang kapag masama pala yung nasakyan mo? O di kaya kidnapper? Pwede niyang ibenta ang mga lamang loob mo"
Hindi naman siguro. Pero paano kung totoo ang sinabi ni Zack? Aishh! Naprapraning na ako! Hindi nalang siguro ako magtataxi. Tatawagan ko nalang siguro si Kuya.
Kinuha ko anh phone ko sa bag at hinanap ang name niya sa contacts, pero laking gulat ko ng may humablot sa cellphone ko.
"Hoy! Ibalik mo sakin yan!" sigaw ko, the heck! Nagpapanic na ako
Bigla nalang tumakbo si Zack at hinabol ang lalake na humablot sa cellphone ko. Eh sa ako ang mag ari sa cellphone na yun, hinabol ko din sila.
Bigla silang tumawid sa kalsada habang ang mga sasakyan na man ay walang tigil sa pag andar. Hinintay ko na maging red ang traffic light at hinabol kaagad sila.
Nagtaka ako ng mapunta sila sa isang lugar kung saan pinapagitnaan ng dalawang buildings. Ganito din yung mga nakikita ko sa mga movies, titigil sa pagtakbo ang suspect dahil dead end na tapos magsusuntukan silang dalawa.
Pero, mukhang kabaliktaran ng iniisip ko ang nangyayari ngayon. Dead end siya pero may mga kasama siyang iba. Mga tatlo siguro sila. Mukhang mga gangsters. Mga gwapo naman sila pero mas gwapo si Zack. Fuck! Ano ba tong iniisip ko?!
"Zack, long time no see" sabi nung nakablack na jacket
"Bakit ka kilala ng lalakeng yan?" bulong ko
"Wala" tss...
"Uy, may kasama pa siyang maganda" sabi naman ng katabi niya
"Hi miss" yuck!
"Ang kinis ni miss oh, pwede na siya" sabi naman ng isa na may hawak na bakal
Nabigla naman ako ng hilahin ako ni Zack at tinago sa likod niya. Yung parang prinoprotektahan ka.
"Tss... hindi lang pala mga bastos ang nandito, mga adik pa" pagpaparinig ko. Bakit ko nasabi na adik sila? Eh may mga weeds eh.
"Pwede bang ibalik niyo nalang ang cellphone niya?" magarang tanong ni Zack
"Ibabalik namin to kapag binigay mo siya samin" sagot ng lider nila, tinuro pa ko gago!
"Well, kung gusto niyo siyang makuha, you have to go through me" sabi ni Zack na may ngiti sa labi
Ayaw ko pa naman sa mga basagulero.
Nabigla ako ng tumayo ang lalakeng may hawak ng bakal.
"Just close your eyes Scarlet" sabi niya at hinalikan ako.... sa noo siyempre!
After 3 minutes...
Mga sigaw lang ang naririnig ko, sumisigaw kasi nasasaktan. Sino ba ang nasasaktan? Si Zack? O yung apat na mga adik?
Nabigla ako ng may humawak sa braso ko. Pagtingin ko si Zack pala. Inabot niya sakin ang cellphone ko pero hindi ko iyon pinansin at yinakap siya ng mahigpit.
"I thought sinaktan ka nila!" sabi ko, hindi ko kasi mapigilang mag alala sakanya
"Shhh... don't worry, I'm fine" nabawasan ang pag aalala ko sakanya
"I love you Scarlet" nag wawild na ang mga kulisap sa tiyan ko
"I-I love you too Zack" nagdidiriwang na ang mga kulisap!
BINABASA MO ANG
Once Again
RomantikNo matter what happens, you will always find your way back to the person who is meant to hold your heart. That's just the way it works. [Sequel of The Bad Boy's Love] ⚠️ needs heavy editing ⚠️