Scarlet's POV
Nang nakalabas na kami ng mall dumeretso kaagad siya sa parking lot. Nang makita niya ang kotse niya, binuksan niya kaagad ito at pinapasok ako, umikot kaagad siya at pumasok sa drivers seat.
Nagdrive kaagad siya paalis sa mall. Tinignan ko siya pero nakatingin siya sa daan wearing his serious look.
"Z-Zack, I'm so sorry" sabi ko
"Tss..." napasimangot naman ako, hindi ko nalang siya kinausap... bad mood eh. Nabigla naman ako ng nag drive siya papunta sa condo? Anong gagawin namin diyan? Hindi kaya—aishh! Ang dirty minded mo Scarlet!
Nag park kaagad siya. Lumabas kaagad siya at pinagbuksan ako. Hindi pa nga ako nakakaapak sa semento nang kinarga niya ako kaya napatili ako. Sinarado niya ang pinto ng kotse at naglakad papunta sa elevator. Nahihiya ako dahil may tumitingin samin. Ang iba kinikilig, ang iba naman parang.... ewan!
Nang makarating na kami sa unit niya, pinaupo niya ako sa sofa niya. Umalis kaagad siya sa harap ko. Tinignan ko naman ang unit niya. It's my first time to enter here. But I wonder kung ilan ng babae ang nakapasok dito.
Nang makabalik siya sa harap ko may dala na siyang yelo. Para san naman yan? Bigla siyang lumuhod sa harap ko at inobserbahan ang paa ko. He really thinks it's true? Na masakit ang paa ko?
"Z-Zack, hindi na masakit" sabi ko, tumingin naman siya sakin
"Are you sure?" tumango naman ako, tumayo kaagad siya at umalis ulit sa harap ko. I should really say sorry to him. Nang bumalik siya nilampasan niya lang ako, hindi man lang niya ako nilingon. Damn it!
Tumayo kaagad ako at sinundan siya sa kwarto niya. Nang makapasok ako, nadatnan ko siya topless. Fuck those abs! He's just freaking hot! Nabalik lang ako sa tamang pag iisip ng magsalita siya.
"Baka matunaw ako niyan" sabay tawa niya, namula naman ako
"Kapal" sabi ko, bigla naman siya humakbang papalapit sakin
"Look Scarlet, I know I'm hot... you can touch them if you want" hinampas ko kaagad siya, siya naman tumatawa lang!
"I'm not like your other girls Zack! I don't do that! Inosente pa ako!" I said, nang mapagod na ako sa kahahampas sa matigas niyanh dibdib tinignan ko siya ng masama, tumatawa parin siya hanggang ngayon
"Alam mo?!—" naputol naman ako ng bigla niya akong sinandal sa dingding
"What Scarlet?" sabi niya sa leeg ko,parang nanghina naman ako but I should stay strong! Wag kang magpadala Scarlet!
"Baliw ka din eh noh?! Kanina hindi mo ako pinapansin, ang seryoso pa ng mukha mo tapos ngayon tumatawa ka lang?!" sabi ko, nananatili parin ang mukha niya sa leeg ko
"I was angry with Bryan, especially you! Why were you with him?" nararamdaman kong tumatama ang labi niya sa leeg ko
"Natapon kasi yung ice cream niya sa damit ko kaya sabi niya bibilhan niya ako ng damit. But Zack! I refused! I promise!" I said
"Hmm... are you sure?" marahan akong tumango
"Do you love me?" tumango ulit ako
"What?" napabuntong hininga nalang ako
"I love you so much, Zack Lopez!" sabi ko, naramdaman ko ang pagngiti niya sa leeg ko
"Good, will you marry me then?" nabigla naman ako sa biglaan niyang pagtanong
"Z-Zack, your not joking right?" tanong ko, alam niyo namang loko-loko tong si Zack. Inangat niya ang ulo niya at tinignan ako
"I'm dead serious Scarlet, I will ask you one last time... will you marry—"
"Yes! I will marry you Zack!" nanlaki ang mga mata niya, he blinked twice at ngumiti
"R-really?" tumango naman ako, hindi na napigilan ng luha ko, tears of joy. Niyakap niya kaagad ako at kinarga, napatili naman ako.
"You made me the happiest man in the world Scarlet!" napangiti naman ako
"I love you" sabi niya
"I love you too Zack"
BINABASA MO ANG
Once Again
RomanceNo matter what happens, you will always find your way back to the person who is meant to hold your heart. That's just the way it works. [Sequel of The Bad Boy's Love] ⚠️ needs heavy editing ⚠️