💕Chapter 14💕

758 21 0
                                    

[A/N]

Guys... I'm really sorry dahil ang tagal kong nag update. Nasira kasi yung wifi namin kaya.... yun😂

Scarlet's POV

Pagkatapos naming mag usap ni Zack hindi na ako nagsalita. Hindi ko din alam kung bakit pero palagi ko nalang naiisip ang sinabi ni Zack sakin

'Takot kalang mamili sa aming dalawa'

Aishh! Kinagat ko nalang ang barbeque. Kumakain na kami ngayon sa cottage.

"Guys! Magpakasaya tayo ngayon dahil bukas magtatrabaho na naman tayo" sabi ni Zandher, ang ingay talaga neto. Teka! Si Trisha nga pala, hindi ko pa siya nakukumusta!

"Oo nga!" pagsang ayon ni Aira

"Let's enjoy the rest of the day!" sigaw ni Jashley, enjoy, sinigawan ka nga ni Mikaela enjoy parin?

Pagkatapos naming kumain, pumunta ulit kami sa beach, may dalang beers ang mga boys. Tig isa isa kami ng bote at may bucket sa harap namin na may laman ding beer.

"Nga pala Zandher, kumusta na kayo ni Trisha?" bulong ko kay Zandher dahil katabi ko lang naman siya

"Wala na kami Scarlet" nabingi yata ako

"Ano yun Zandher?" tanong ko ulit, humarap siya sakin at ngumiti pero may halong lungkot

"Break na kami" namilog ang mga mata ko

"W-what? S-seryoso? K-kailan lang?" sunod sunod kong tanong

"2 years ago" naaawa ako kay Zandher

"Sinong nakipag break? Ikaw? O siya?" tanong ko

"Siya" sagot niya, may isang butil ng luha na lumabas sa mata niya, mabilis niya naman itong pinunasan

"Bakit daw?"

"Gusto kasi ng parents niya na sa ibang bansa siya mag aral, sa Germany" tumango lang ako sakanya

"Ayaw niyang pumunta dun dahil maiiwan niya daw ako pero hindi ako pumayag, ayaw kong sinusuway niya ang parents niya ng dahil lang sakin pero nagmatigas siya, hindi niya raw kayang magkalayo kami dahil baka mambabae daw ako" napatawa ako ng mahina, alam kong joke ang huling sinabi niya

"Joke lang. Hindi niya kayang magkalayo kami dahil ma mimiss niya ako, ako din naman pero gusto ko na maging maganda ang kinabukasan niya kaya kinukumbinsi ko siya araw-araw hanggang sa nainis siya sakin, napapayag ko siya pero nakipag break din siya sakin" kwento niya

"Palagi akong nakangiti pero may tinatago din akong sakit sa loob" I knew it, palagi lang siyang naka suot ng maskara. Pinunsan ko ang luha ko, nadala kasi ako!

"Huy! Bakit ka umiiyak?! Patay ako ni Za-Alex" natawa nalang ako

"Ikaw din naman eh, naiyak ka din naman!" tumawa nalang kami ng mahina

"Pero mas matagal pala ang relasyon niyo kaysa samin ni.... Zack, 3 years din ang tinagal niyo, yung samin nga months lang yun!" sabi ko

"Scarlet, bakit mo kinukumpara ang relasyon niyo ni Zack sa relasyon namin ni Trisha?" napahinto naman ako

"H-ha? H-hindi naman" lagot ka Scarlet

"Tss... alam kong si Zack parin ang laman ng puso mo Scarlet, no offense ah pero parang ginawa mo lang na panakip butas si Alex" napabuntong hininga nalang ako

"No offense okay?" sabi niya, natawa ako ng mahina

"Oo nga eh, ginawa ko siyang panakip butas ng hindi ko namamalayan. Akala ko mawawala ang feelings ko towards Zack pero nagkamali ako, akala ko si Alex na ang laman ng puso ko pero nagkamali ako. Akala ko lang pala lahat yun" sabi ko

"Nasasaktan ako para kay Alex dahil fiance ko siya pero may boyfriend naman ako. Ginawa ko siyang tanga. Pinagsabay ko silang dalawa. Traydor ako. Trinaydor ko si Alex" gusto ko tuloy umiyak

"Sabihin mo na kasi sakanya" sabi ni Zandher

"Hindi ko kaya Zandher" sabi ko

"Pero para na rin yun sa ikabubuti niyo Scarlet, gusto mo ba na siya mismo ang makaalam?" utas niya

"Ayoko siyang saktan"

"Pero sinasaktan mo na siya ngayon Scarlet, sabihin mo na ang totoo Scarlet, gagaan din ang pakiramdam mo, like what they said 'the truth will set you free'.

Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon