"Naku ikaw pala ang ikinekwento ni Zac na kaibigan at business partner niya sa Maynila? nakakatuwa naman at napasyal ka rito." magiliw na sabi ni Hena, ang Nanay ni Zac."Nay busy yan lagi buti nga at nayaya ko siya dito sa bahay eh. Dalawang linggo rin kami babakasyon dito." hirit ni Zac na makahulugang ngumisi sa kanyang kaibigan.
"I'm glad tita at kinulit ako ni Zac sa pagpunta rito." nakangiting sabi ni Luke.
"Naku eh buti naman at nakita na kita. Kaya naman pala laging may humahabol na babae sa anak ko siguro nadadala rin sayo na kaibigan niya, aba'y napakagwapo mo." puri ni Hena. Malakas na umungol si Zac sa komento ng kanyang Ina.
"Nay hindi niyo kailangang magsinungaling porket bisita siya. Wait, I'm starving diba ay sabi niyo nagluto kayo ng tinola?" Hindi na nito inantay pa ang sagot ng kanyang Ina, dumeretso na ito sa kanilang munting kusina.
"Oh tara na sa kusina iho. Ilapag mo muna ang bag at gamit mo diyan sa tabi ng mga gamit ni Zac at kumain muna tayo anong oras na eh." nagpatiuna na ito sa paglalakad sa kusina.
Ibinaling ni Luke ang kanyang paningin sa paligid ng bahay. Nahagip ng mata niya ang isang larawan ng isang babaeng todo bigay sa pagngiti may brace pa ito. Nagkibit balikat siya at naisip na siguro ito ang ikinekwento ni Zac na pasaway na kapatid niya. Hindi naman pala siya kagandahan kabaliktaran ito ng kwento ni Zac na habulin daw ito ng lalaki. Napailing nalang siya at sumunod sa kusina.
"Oh pare halika na at kumain na tayo, maipagmamalaki ko sayo tong luto ni Nanay." humila ng upuan si Luke at saka umupo na.
"Kamusta naman ang business niyo? okay naman ba? bat naman kasi club pa ang naisipan niyong business. Naku hindi ba delikado iyon?" tanong ni Hena habang sila ay abala na sa pagkain.
Si Luke ang nakaisip ng business na iyon, kabaliktaran sa gusto ni Don Leon na siyang ama niya. Gusto nitong pamahalaan niya ang kanilang kumpanya na siyang sikat sa buong bansa. Kilala ang kanilang pamilya. Dahil sa pera ay nagawa nilang bayaran ang media na wag maglalabas ng tungkol sakanila at ang kanilang produkto lamang ang ilabas sa publiko. Ayaw nilang pagkaguluhan ng mga ordinaryong tao. Walang interes si Luke sa mga ganoon, ayaw niyang mamalagi siya sa isang opisina, naka office attire makintab na sapatos! geez hindi niya maaatim na magsuot ng ganun sa buong maghapon at isipin pang may mga nakamata sakanya.
"Okay naman..maganda ang business na yun ma, disente at puro mga may kaya lang ang pumupunta sa club na ipinatayo namin ni Luke, hitsura palang ng mga bouncer takot nang magsimula ng away ang mga nasa loob." Sagot ni Zac na bahagyang natawa.
"Ang sarap niyo pong magluto tita. Tiyak na mamimiss ko ang luto niyo pag balik namin ng Maynila."
"Kaya karendirya ang naging hanap buhay ko iho. Natutuwa naman ako at nagustuhan mo."
"Teka.. si Jade nga pala?" tanong ni Zac ng maalala ang kaniyang nag iisang kapatid. Nagbuga ng hangin ang kaniyang Ina.
"Naku umalis kahapon—"
"Kahapon! nanaman? teka ano ba ginagawa ng babaeng yun sa buhay niya? nagresign ba yun sa trabaho para makalakwatsa?" putol ni Zac na biglang nainis.
"Oo, nagtext siya kanina at uuwi raw sa susunod na linggo. Naku kilala mo naman yang kapatid mo, magulo ang buhay. Kung sana lang may kasama ako rito baka pinayagan ko na siyang isama mo sa Maynila, buti pa sayo nakikinig yan. Sakin kung hindi ngiti, tawa ang sagot sakin." naiiling na sabi ng kaniyang Ina.
Kababaeng tao puro lakwatsa. Isip isip nalang ni Luke habang nakikinig sa usapan ni Hena at Zac.
"Dito ka muna pare. Wala naman pala si Jade kaya dito kana matulog. Maliit ang espasyo sa kwarto ko, mas malaki itong kwarto ng kapatid ko, ayos ka na ba dito?" tanong ni Zac at inabutan ng bagong labang kumot si Luke. Tumango naman ito at naiwan nang mag isa sa kwarto.
Naaamoy niya ang pabango at amoy ng babae sa kama naiilang tuloy siyang mahiga rito. Nilibot niya ang paningin sa loob ng kwarto, kulay baby pink ang pinta ng pader at kisame, puting plain na tiles naman ang sahig. Walang aircon rito at isang stand fan lang ang meron, maraming fashion magazine na nakapatong sa mesa. Malinis ang kwarto at mabango pa. Ipinilig na lamang niya ang ulo niya at maya maya ay naghubad ng pang itaas na damit, nag alis rin siya ng pantalon. Pinatay niya ang ilaw at naka boxer shorts na nahiga sa malambot na kama.
Hating gabi na, dahil sa pagod ni Jade ay hindi na siya nag abalang magbukas ng ilaw, malaki ang kanilang bintana kaya may ilaw namang pumapasok sa loob ng bahay galing sa bilog na buwan. Alam narin niya ang pasikot sikot sa bahay nila kahit pa nakapikit siyang maglakad sa loob ng bahay nila. Ipinihit niya pabukas ang pinto ng kwarto niya, ayaw niyang gumawa ng kahit kaunting ingay dahil ayaw niyang magising ang kaniyang Inay, dahan dahan siyang pumasok sa napakadilim ng kwarto niya pero dahil nga sa sanay na at hindi naman kalakihan ang kwarto niya hindi na siya nag atubiling buksan ang ilaw. Inalis niya ang kaniyang pang itaas at nagtanggal ng bra sanay siyang matulog ng nakahubad ng pang itaas at nakashorts lang sa pagtulog.
Dahan dahan siyang nahiga sa kama niya ni hindi niya napansin na may katabi pala siya, malaki kasi at kasya ang tatlo sa kama niya, dati kasi ay magkatabi sila ng kuya niya at yung kwarto ng kuya niya ngayon ay kwarto ng katulong nila. Kaso noong maghiwalay ang mga magulang nila ay pinatigil narin nila ang katulong dahil sa kakapusan ng pera hanggang sa naging kwarto na ni Zac ang maliit na kwarto.
Agad na nakatulog si Jade.Tulog na tulog na si Luke at hindi napansin ang paglubog ng malambot na kama.
BINABASA MO ANG
When Luke met his match
Romancetadaaaa ROMANSA :3 [On-going] Started: April 7, 2018