Nang mapainom ni Jade ng gamot si Luke ay hinawakan siya nito sa kamay. Napailing nalang ang dalaga, at dahil hindi naman siya malisyoso ay humiga siya sa tabi ng binata, niyakap pa niya ito at saka pumikit rin. Narinig niyang tumawa si Luke."At ako pa ngayon ang madumi ang isip ha." biro nito.
"Shut up, magpahinga ka nalang." sikmat ng dalaga.
Nakapatong ang ulo ni Jade sa braso ng binata, ang isa namang braso ni Luke ay yumayakap kay Jade.
Hindi namalayan ng dalawa pero nakatulog sila ng ganoong posisyon ni Luke. Paggising niya ay umaga na at wala na sa tabi niya ang lalaki.
Nagpalinga linga siya at tinignan ang orasan sa side table. Alas sais na ng umaga. Saglit siyang nag unat at mabilis na lumabas ng kwarto.
Maagang nagising si Luke, napangiti siyang bumaling sa katabi niyang babae, pinagmasdan niya ito at hinalikan sa noo. Saglit siya sa ganoong ayos, pakiramdam niya ay maayos na ang pakiramdam niya, mas maayos pa kaysa sa normal niyang pakiramdam kapag wala siyang sakit.
"Goodmorning! buti naman gising ka na, maya maya ay darating na rin si Zac, pero mauna na tayong kumain dahil hindi tayo naghapunan kahapon." deretso ang tingin nito kay Jade.
"Buti naman, gutom na ako. Kaya nga ako dumeretso dito sa kusina eh, naamoy ko ang luto mo pagbaba ko sa sala. Anong ulam?"
Lumapad pa lalo ang ngiti ni Luke ng makitang hindi naiilang ang dalaga gaya noong unang magkatabi sila ng hindi nila inaasahan.
"Sausage, egg and hotdog." sagot ng binata, kumuha siya ng plato at kutsara pinagsilbihan niya ang dalaga. Pinagsandok pa niya ito ng sinangag siya narin naglagay ng ulam.
Walang reaksyong sumubo ang dalaga ng pagkain.
"Coffee? gusto mo ipagtimpla kita ng kape?" maya maya ay tanong ni Luke natutuwa itong pagsilbihan ang dalaga.
"I want coffee love." sabi ng baritonong tinig.
"Oh Zac buti dumating ka na, tara kain na tol." yaya ni Luke sa kaibigan.
"Parang hindi ka naman galing sa sakit, totoo bang nagkasakit ka kahapon oh tinatamad ka lang pumasok."
"May sakit siya kahapon—" sagot ni Jade.
"Hindi ikaw ang kinakausap ko Jade, wag kang mag alala kakausapin kita mamaya pagkatapos kumain, marami akong itatanong sayo sa ginawa mo sakin kahapon." matalim nitong tinitigan ang kaniyang kapatid.
"What? what happened? kala ko ba nagbonding kayong magkapatid." tanong ni Zac na nagsalubong pa ang kilay.
"Hindi ka ba nag enjoy sa company ni Lorie? mabait siya, maganda, matangkad, diba type mo ang mga chinita? oh ayun singkit." sabat ni Jade.
"Really? kailan pa ako nagpahanap ng babae sayo ha. At nakalimutan mo. Iyakin, oo iyakin rin siya. Goodness sa tanda niyang iyon nakuha pa niyang magmaktol at mag iiyak sa restaurant! binabalaan kita Jade, hindi ako natuwa sa ginawa mo. Don't even try to do that again!" singhal ni Zac at saka umalis sa kusina.
Manghang napasunod ng tingin si Jade sa pag alis ng kuya niya. "Kailan pa naging pikon iyon?" manghang tanong niya kay Luke. Si Luke man ay natawa sa inakto ng kaibigan niya.
Nagkibit balikat ang binata. "Ano ba kasing ginawa mo sakanya kahapon? I thought nagbonding kayo?" tanong niya. Ikinwento ni Jade ang ginawa niya, tumawa lang si Luke at maski siya ay natawa sa kalokohan niya.
"Well, sa tingin ko bagay sila kaya ko yun nagawa. At saka..saka." napamulagat siya ng biglang may maisip siya. Marahas siyang bumaling sa wall clock na nasa kusina alas siyete na. "Shit! may pasok nga pala ako! ang tanga mo Jade!" mabilis na kumaripas si Jade sa kwarto at paspasang naligo at nag ayos. Natapos siya ng 7:30 at babyahe pa siya. "Stupid!" marahas na sabi niya at mabilis na bumaba ng kabahayan.
"Maayos na ba pakiramdam mo? Late na ako hatid mo ako dali." hinihingal pa niyang sabi kay Luke.
"No."
"What? sige na naman, mahihirapan ako kapag magcocommute pa ako. Dali na kasi." atat na sabi niya sa binata.
"Hindi mo na kailangan pumasok ngayon, sinabi ko na kay daddy na sabihan ang kasama mo sa front desk na hindi ka makakapasok."
"What!! no bawiin mo sabihin mo malalate lang ako! ano ka ba naman nakakahiya. Kabago bago ko lang—"
"Hindi mo kailangan mahiya, tinulungan mo ako kahapon nang may sakit ako kaya bumabawi lang ako sayo."
"Hindi ako sayo nahihiya okay? sa daddy mo."
"Pero nasabi ko nang hindi ka papasok. Sumunod ka nga pala sa garden may ipapakita ako sayo." utos nito. Manghang napasunod ng tingin ang dalaga.
"Bossy." inis na bulong niya at saka tumalima.
***
scooltr thank you for adding all my stories to your reading list.
Happy reading everyone!! :)
BINABASA MO ANG
When Luke met his match
Romansatadaaaa ROMANSA :3 [On-going] Started: April 7, 2018