"Pare okay na yung problema kay Mick, pwede na tayong bumalik sa Maynila." balita ni Luke sa kaibigan niya."Really? that's good man nababagot na ako dito, bibisitahin ko nalang ulit sila dito sa susunod na buwan." masayang sabi ni Zac.
"Hindi ba natin isasama ang kapatid mo? diba nasabi mo na sa dati niyong katulong na pinababalik mo siya."
"Oo tol, pero ginawa ko yun para may makasama si Nanay, kung ayaw ni Jade ang sumama sa Manila wala naman akong magagawa, mahal ko yung kapatid ko pare, way ko ng pagpapakita ng pagmamahal ko ang pang aasar ko sakanya, hindi na siya bata para sindakin kaya dinadaan ko sa pang aasar. Matapang siya. Nakuha niya ang pagiging matapang ni Nanay."
"At nakuha mo ang pagiging babaero ng Tatay mo. I'm proud of you man." sarkastikong sabi ni Luke.
"Ako na ang magluluto ng hapunan Nay, nga pala babalik na kami sa makalawa sa Manila Nay." sabi ni Zac.
"Oh? Naku ambilis naman ng bakasyon niyo. Bakit naman nagmamadali kayong bumalik?"
"Eh kasi Nay yung business namin na naiwan at saka hinahanap narin si Luke, I mean pinababalik na ng Daddy niya."
"Naku ganun ba? O siya, iho nag enjoy ka ba sa bakasyon mo? parang kasing hindi." baling ni Hena kay Luke.
"Tita nag enjoy po ako dito, tska sa makalawa pa naman kami aalis, pupunta kami ni Zac sa Vigan bukas, sama po kayo?"
"Naku hindi na, pupunta si Jade dun kaya isabay niyo na siya." tumango naman si Luke.
"San dito sa Vigan yung aapplyan mo?" tanong ni Zac, nasa sasakyan na sila ngayon.
"Sa may Eustaquio street, kahit sa kanto niyo nalang ako ibaba." sagot naman ni Jade.
"Ayan na yung street, goodluck sana palarin ka para hindi na kita makasama sa Maynila." pang aasar ni Zac sa kanyang kapatid. Itinirik lang ni Jade ang kanyang mata. "Teka sasabay ka ba samin pauwi?" tanong nito.
"Wag na, gusto kong si Nanay ang unang makaalam na may trabaho na ako." sikmat naman niya.
Bago pa man siya makababa sa sasakyan ay narinig pa niya ang sinabi ni Luke. "Goodluck." tumikhim lang siya sa sinabi nito.
"Hi ako po yung pinapunta niyo kahapon, my name is Jade Cabaya." pagpapakilala ni Jade sa isang babae na naka office attire.
"Wait here ma'am tawagin ko lang si Sir."
tumango naman si Jade at umupo sa upuan na naroon.Halos mailuwa ang mata niya ng makita ang lalaking dumating. Ito rin ang may ari ng Spa, ngunit nagtaka siya bakit iba ang nakalagay na owner sa page nila at hindi siya.
Huminga siya ng malalim at sinalubong ang mga mata ng lalaki.
"So miss Cabaya.. napag isipan mo na ba ang inooffer ko sayo?" ngiting ngiti na sabi nito. Itinikom ni Jade ang kanyang mga labi at tumayo.
"No. Never kong pag iisipan ang maruming alok mo mister. Okay pa sana sakin kung ibang lalaki ang nag alok sakin. Pero sa itsura mo?" umakto siyang naduduwal at saka itinirik ang mata. "Dream on." umalis siya sa opisina nito at nagmartsa palabas ng gusali.
Nagbuga lang siya ng mahabang hininga ng nasa labas na siya. Nanlulumo siyang nag antay ng masasakyan. Dahil sa inip niya ay tinawagan na lamang niya ang kapatid niya. Sinundo siya ng mga ito makalipas lamang ng limang minuto.
"Hindi ako magsisimula ng away..kitang kita ko sa mukha mo na wala ka sa mood, so ano. Sasama ka na ba samin sa Maynila?" tanong ni Zac sa kaniyang kapatid. Bumuga ng hangin si Jade at tumingin sa bintana ng sasakyan.
"May magagawa pa ba ako." nasambit niya maya maya.
Lihim na natuwa si Luke ng malaman niyang hindi nakapasok sa trabaho si Jade, mas natuwa pa siya nang sabihin mismo ni Jade na sasama na ito sakanila sa Maynila.
"Mag iingat kayo ha. Si Pinang na bahala sakin kaya wag kayong mag aalala. Ikaw Jade mag iingat ka sa Maynila ha. Hindi ka pa nakakatuntong roon kaya mag ingat ka. Zac wag masyadong masungit sa kapatid, ingatan mo siya. Jade iha tandaan mong kumpanya ng kaibigan ng kuya mo iyon at ang Daddy niya ang namamahala, wag mong ipapahiya si Zac nagkakaintindihan ba tayo? Iwas iwasan mong maglalakwatsa at iba ang Maynila. Zac mag iingat kayo. Luke iho salamat sa pagpunta rito at pagtanggap mo kay Jade. O siya mag iingat kayo, yang pagmamaneho ha ingat." mahabang paalala ni Hena sa tatlo.
"Amen." nausal naman ni Jade sa mahabang paalala ng kanyang Ina.
"Mag iingat kami Nay, wag kayong mag alala, text or tatawag kami pag nakarating na kami Maynila, aling Pinang kayo na ho bahala kay Nanay." tumango naman si Pinang.
"Salamat ho tita, alis napo kami. Bibisita ho ulit ako next time rito. Thank you po."
Nang lumakbay na sila at makaalis sa kanilang bahay ay pumikit at natulog na si Jade.
"Malaglag yang panga mo sa kakatingala Jade." usal ni Zac nang makarating ang kanilang sasakyan sa Maynila.
Dumeretso sila sa Makati na kung saan nakatayo ang bahay ni Luke. Nakikitira rito si Zac. Nasa Makati rin ang pinagpatayuan nila ng kanilang business.
"Tatlo ang kwarto rito sayo na yung isa." sabi ni Luke ng makarating sila sa bahay niya. Tinulungan siya ng kaniyang kuya sa kaniyang bagahe.
Up and down ang bahay, hindi gaanong malaki pero maganda at mamahalin ang mga gamit sa bahay.
Nang makarating sila sa kwarto ay agad napansin ni Jade na may terasa ang kaniyang kwarto. Hinagod niya ng tingin ang kulay gray na kwarto, may cr rin ito. Mas malaki pa ang kama rito kesa sa kwarto niya sa Ilocos.
"Jade, hindi ka pa nagpapasalamat kay Luke, alam kong ayaw mo sakanya pero subukan mong ngumiti man lang at magpasalamat sakanya. Siya ang nagpatayo ng business namin, pera niya ang ginamit pero nilagay parin niya sa papel ng business na kami ang may ari." sabi ng kuya niya.
"Magpapasalamat ako mamaya wag kang mag alala." kibit balikat ni Jade at saka lumabas sa terasa. Nadismaya siya ng kabahayan ang nakikita niya.
Nang pumasok uli siya sa kwarto niya ay wala na roon ang kuya niya. Dahil doon ay iniayos na niya ang kaniyang mga gamit sa wooden cabinet na naroon.
Katok mula sa labas ng kwarto niya ang nagpabangon kay Jade. Kahit inaantok pa ay bumangon siya para buksan ang pinto. Bago pa niya mabuksan ang pinto ay naalala niyang wala pala siyang damit.
Tiningnan niya ang oras sa orasang nakasabit sa pader. Alas otso na ng umaga.
Tumikhim siya at bumaling sa pinto. "Saglit lang magpapalit lang ako." sigaw niya.
Nang marinig ni Luke ang sabi ni Jade ay napangiti siya. Naaalala niya na nakahubad matulog ang dalaga. Bumuntong hininga siya at inalis sa isip ang itsura ng katawan ni Jade.
Nang buksan niya ang pinto ay nakita niyang si Luke ang naroon. "Oh bakit?" tanong niya sa lalaki.
Ngumiti si Luke. "Goodmorning. Kain na. Nakahanda na ang makakain sa kusina. Umalis si Zac may aayusin lang daw."
"Ahh..Sige. Una kana hihilamos lang ako."
BINABASA MO ANG
When Luke met his match
Romancetadaaaa ROMANSA :3 [On-going] Started: April 7, 2018