Part 9

73 4 1
                                    


Nasa opisina na muli si Jade, nakaupo siya sa isang mahabang upuan katabi si Luke.

"Hindi ko po napigilan ang sarili ko. Sorry sir."

"At least you know how to apologize." sabi naman ng don.

"Oho, at sa tingin ko kailangan niyo rin humingi ng paumanhin sakin, kahit nasabi niyo lang iyon para subukan ako masakit parin ho ang sinabi niyo." ani ng dalaga. Natawa ng marahan ang don bago tumango.

"I guess you're right..I'm sorry iha."

"So san niyo siya ilalagay Daddy? base sa inapplyan niya gusto niya sa front desk." singit ng binata.

"Oo..doon ko siya ilalagay, bagay sa mukha niya at pananalita niya." walang alinlangang sabi ng matanda.

Nangislap sa tuwa ang mga mata ni Jade. "Thank you po. Maraming salamat. Pagbubutihin ko po ang trabaho ko."

"How 'bout you son, kung hindi ka pa umayos ibibigay ko na kay Franco ang pamamahala rito sa kumpanya." naging seryoso ang anyo at pananalita ng matanda.

Nagkibit balikat lamang si Luke.
"Okay..mabuti pa nga Dad, mas bagay niya sa pwesto, at higit sa lahat mas bagay niya magsuot ng ganyan." turo nito sa damit ng ama na naka coat at nakalongsleeves with tie sa loob. "At ng ganyan." turo pa nito sa makintab na sapatos ng ama. "Are you comfortable with that? I mean—"

"Rome!!" halos pasigaw na putol ng matanda, si Jade man ay nabigla.

"Easy lang ho..baka kayo atakihin." sabat ni Jade pero tumahimik din. 'Jade wag feeling close, hindi ka naman ganyan dati.' lihim na sita niya sa sarili niya.

"Don't call me that Dad. Luke is perfectly fine with me." kunot noong sabi ng binata.

Luke Rome Cenes ang buong pangalan nito. Kapag naiinis sakanya ang kanyang Amain ay tinatawag siya nito sa pangalawang pangalan.

Magsasalita pa sana ang matanda ng biglang pumasok ang asawa nitong si Romia.

Biglang nanliit si Jade ng makita niya ang babaeng biglang pumasok. Maganda ang babae at para itong kagalang kagalang at karespe respeto tignan dahil sa paraan ng paglakad nito na nakataas noo. Seryoso pero maamo ang mukha niya. Matanda na ito at may kulubot narin kaunti ang mukha pero nakikita parin ni Jade ang kagandahan nito.

"Hi mom!" bati ni Luke at hinagkan pa sa pisngi ang babae.

"Hello iho, Bakit ngayon lang kita nakita? ni hindi kita matawagan. I'm worried." pagtatampo ni Romia sa kaniyang anak.

"Sorry mom, hindi na dapat kayo nag aalala sakin." bahagyang ngumiti si Romia pero nandilat ang kanyang mga mata ng makita si Jade.

"Oh my! don't tell me nag asawa ka na at hindi mo manlang kami inimbita! tumayo ka and let me see your face iha..oh you're gorgeous what is your name?" lumapit siya sa dalaga.

"Ummm..hi-hindi ho ako asawa o girlfriend ng anak niyo. Ako po si Jade Cabaya, kapatid po ako ng kaibigan niyang si Zac, if kilala niyo man po ang kapatid ko." naiilang na sabi ni Jade.

Nadismayang umungol si Romia at bumaling sa kanyang anak. "I thought nag asawa kana." nagbuga ito ng hangin. "But don't worry, i can wait. I don't have a choice naman hindi ba?"

"Ni hindi nga niya kayang tanggapin ang responsibilidad niya sa kumpanya, pag aasawa pa kaya? and I can't believe na kayang kaya niyang sabihin na ibigay nalang sa kanyang pinsan ang pinaghirapan natin para sakanya!"

Kumunot ang noo ni Luke, naramdaman niya ang paghaplos ng kaniyang ina sa likod.

"Tama na yan Leon, una kana Luke at may pag uusapan pa kami ng Daddy mo, anyway isama mo narin siya palabas. Nice meeting you Jade." ngumiti ito sa dalaga.

Inakay ni Luke si Jade na tahimik lang. Maya maya ay tumingin ito sakanya. "Rome? as in yung lugar na Rome? o shortcut lang sa Romel? Luke Romel ba pangalan mo?" seryosong sabi ng dalaga maya maya na ikinainis ni Luke.

"Rome! anong Romel na pinagsasabi mo. Please! wag mong babanggitin ang Rome okay? Luke!" pikon nitong sabi at nauna ng pumasok sa elevator.

Nagkibit balikat si Jade na sumunod sa binata.

When Luke met his matchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon