Araw ng Linggo at naisipan ni Jade na yayaing kumain ang kuya niya sa labas tutal 4pm pa naman ang pasok ng mga ito sa bar."Sige na kuya, lalabas lang naman eh." pilit ni Jade sa kaniyang kuya ng makauwi ito galing sa bar.
"Jade alam mong wala pa akong tulog, mas gusto ko pang magpahinga. Next time nalang." tanggi ng kuya niya.
"Ako nalang yayain mo." sabat ni Luke.
"Hindi pwede. Ngayon lang kami magbobonding ni kuya." sabi ni Jade nang hindi nililingon si Luke. Nakatuon ang atensyon nito sa kuya niya. "At kuya hindi naman ngayon, later..3pm para dumeretso ka na sa bar pagkatapos."
"Hindi pwede okay?" mariing tanggi ni Zac.
Frustrated na nagbuga ng hangin si Jade. "Mahirap bang pumayag? ngayon lang naman ko nag-aya." nagkunwari pa itong nagtatampo.
"Ano bang malignong sumapi sayo at nagkakaganyan ka. Fine! Oo na. 3pm." sumusukong pagpayag nito. Dahil sa tuwa ay niyakap pa siya ni Jade.
Nakangising ibinuka rin ni Luke ang kanyang mga kamay para sa yakap pero inirapan lang siya ng dalaga at saka umalis.
"I'm confused." wika ni Zac na nakakunot ang noo habang sinusundan ang palayong kapatid.
"Me too. Pero hindi niya ako niyakap so binabawi ko.. I'm not confused, she's still the same." tinapik nito ang balikat ni Zac at saka nagtungo sa kwarto nito.
"Lorie please. 3pm at saka sabi mo diba gusto mong magkaroon tayo ng time para naman makilala natin ng lubusan ang isa't isa?" paliwanag ni Jade kay Lorie. Magkausap sila ngayon sa telepono. Narinig niyang bumuntong hininga ang nasa kabilang linya.
"K..fine." pagpayag ni Lorie.
Natuwa si Jade dahil ngayon perfect na plano niya.
Sa isang mamahaling restaurant niya niyaya ang kaniyang kapatid, nakangiti siya sa buong biyahe dahil sa magandang planong naisip niya.
"Alam mo. Natatakot na ako sa inaakto mo." puna ng kuya niya na nagsalubong ang kilay. Iniikot ni Jade ang kanyang mata.
"Minsan lang ako matuwa sa buhay okay? pagbigyan mo na'ko kuya."
Dumating ang waiter at binigyan sila ng menu.
Nag order si Jade ng pasta na siyang alam niyang paborito ng kapwa niyang mga babae. Hindi niya ginalaw ang pagkain at pinagmasdan ang pintuan ng restaurant. Inaantay niya ang pagdating ni Lorie.Ilang saglit lang ay dumating na ang inaantay niya. Nakakunot ang noo nito ng makita siya. Lumapad ang ngiti ni Jade at kinawayan si Lorie na lumapit. Dahil sa pagkaway niya ay bumaling rin ang kuya niya sa bagong dating. Kumunot ang noo nito at bumaling sa kanyang kapatid.
"Sakto!! Halika upo ka na rito. Pang dalawahan lamang ang mesang inokupa nila para talaga sa plano niya.
Kunot noong tumalima si Lorie at bahagyang natigilan ng matitigan nito si Zac.
"Kuya—"
"Jade anong ibig sabihin nito." seryosong tanong ng binata.
"Kuya meet Lorie, Lorie si Zac kuya ko."
Marahas na nagbuga ng hangin ang binata. "Jade—"
"Sige na una na ako, may lakad pa ako. Bye! Moment niyo to." putol niya at nagmadaling umalis.
"Jade!" sigaw ni Lorie pero hindi na niya ito pinansin.
'Sinasabi na nga bang may binabalak ang babaeng yun.' nagngingitngit na naisip ni Zac.
"I don't —"
"Kilala mo ba ako? inutusan mo ba siya na gawin ito?" seryosong putol ng binata.
"As you can see nagulat rin ako sa nangyari, ininvite ako ni Jade rito. I don't even know you kaya bakit ko siya uutusan?" naguguluhan na sabi ni Lorie.
BINABASA MO ANG
When Luke met his match
Romancetadaaaa ROMANSA :3 [On-going] Started: April 7, 2018