Part 10

68 7 1
                                    


"Pare, binilhan mo raw si Jade ng damit? why? at buti tinanggap niya? Naalala ko dati na tinatapon niya lang ang bigay ng mga manliligaw niya." usal ni Zac na nakaupo sa swivel chair.

Nasa bar sila ngayon. Nakatanaw si Luke sa dancefloor, nasa opisina sila na located sa ikalawang palapag ng bar, glass wall ang isang bahagi ng opisina nila kaya tanaw na tanaw nila ang nangyayari sa baba.

"I got bored. Nagpasama ako sakanya sa mall. Binilhan ko siya dahil naisipan ko lang. Hindi ko siya nililigawan pare, at malinaw ang sinabi mong hindi ko siya pwede isama sa mga kalokohan ko. At para mabawasan ang pag aalala mo sa kapatid mo hindi ko siya type okay? she's nice yes..pero ayoko ng babaeng masyadong kumpiyansa sa sarili." sabi ni Luke na nakatingin parin sa baba.

"Binabalaan lang kita, kilalang kilala kita. Hindi ka nakakatagal sa babae, ayoko siyang masaktan, at lalong ayoko siyang mapasama sa mga laruan mo."

"Don't worry.. hindi iyon mangyayari. Hindi ako interesado sakanya." panigurado nito sa kaibigan. Binalingan niya ito para ipakita na seryoso siya sa sinabi niya.

'Seryoso ka nga ba talaga?' nausal nito sa sarili niya.

"Hello goodmorning sir." masiglang bati ni Jade sa lalaking dumating at nagtatanong ng schedule ng CEO at kung kailan ito free sa oras.

"Sorry sir pero hindi ko pwedeng sabihin, kung may ipapasabi po kayo then sakin niyo nalang po sabihin, or iwan niyo nalang po ang pangalan niyo and telephone or cell number para masabi ko sa secretary niya at maisingit ko kayo sa mga appointments ni Sir." magalang na sabi ni Jade.

"I don't have an appointment with the owner but yes please pakisabi na dumaan ako rito, isusulat ko nalang yung pangalan ko and cell number."

"Sure sir, don't worry." inabutan niya ng paper at pen ang lalaki at maya maya ay itinawag na nito sa kaniyang sekretarya.

Unang araw ni Jade sa trabaho kaya ganado siya. May uniform siya rito na halos katulad ng mga stewardess.

Halos hindi nagkikita ang magkapatid, from 7am to 6pm ang oras ng trabaho ni Jade, si Zac naman at Luke ay pumapasok sa kanilang bar ng 4pm to 6am.
Minsan nalang sila magkasalubong kahit pa nasa iisang bahay lang sila nakatira.

Kahit sabado ay may pasok si Jade linggo lang ang wala kaya ito lang ang pahinga niya. Naiiwan siyang mag isa sa bahay dahil kahit weekend ay pumapasok ang dalawa, mas maraming tao at customers kapag weekend kaya hindi nila ito pinapalampas.

Nahagip ng mga mata ni Franco ang isang magandang binibini pagkapasok pa lamang niya sa company na pagmamay ari ng kaniyang tiyo. Dahil doon ay lumapit siya sa front desk. Pero iba ang nag entertain sakanya, si Lorie na kilalang kilala niya dahil nakadate niya ito minsan.

"Hi sir Franco." bati ni Lorie sa masiglang boses.

"Hey..Lorie. Ngayon ko lang ata siya nakita..bago siya right?" tanong niya sa dalaga. Nadismaya si Lorie at halata ito sa mukha niya. Binalingan niya si Jade na abala sa pagsusulat at saka tumango.

"Yes she is." tipid na sagot nito.

"Ahmm..she's busy." puna ng binata at nilakasan pa ang boses para marinig ni Jade. Again, nadismaya uli si Lorie dahil si Jade ang pinapansin ng binata.

Nag angat ng tingin si Jade sa lalaking dumating at kausap ng kasama niyang si Lorie. Deretsong nakatitig ito sakanya kung hindi lang sana ito bawal magtaray ay tinarayan na niya ito kanina pa ng marinig niyang tinatanong niya kung bago siya rito. Maraming dahilan kung bakit siya nangingiming tarayan ang lalaki. Ang lagkit ng titig nito sakanya, isa pa ay ang yabang ng boses. At ang pinakadahilanan ay ang halatang pakikipaglandi nito.

Tumikhim siya at tipid na nginitian ang lalaki. "Yes sir, obviously I'm busy with my work here, but Lorie can help you if you need some help." yun lamang ang sinabi niya at saka niya ipinagpatuloy ang pagsasaayos ng mga dumaang requests sakanila.

Narinig niya ang mahinang tawa ng lalaki pero hindi na lamang niya ito pinansin.

"Alis na ako Lorie, bye. Bye miss new." paalam nito at lumakad papasok ng elevator.

Napabuntong hininga siya ng makaalis ang lalaki at saka niya ipinilig ang ulo.

"He's mine." banta sakanya ni Lorie na ikinagulat niya.

"Yeah? sure..sayong sayo na. Wala naman nang aagaw eh. At saka Lorie you know what masyado ng luma yung style na mag aagawan para sa iisang lalaki okay? nandito ako para magtrabaho." mahinahon na sabi ni Jade kahit sa totoo lang ay nawiwindang sa inaakto ni Lorie.

"Really? hindi ka ba nagwagwapuhan sakanya? he is Franco Sanis, pamangkin siya ni Don Leon. Karamihan ng babae nalolove at first sight sakanya."

'Oh gosh really? wala bang babaeng cool na katulad niya? ba't napakaromantikong babae ang nakasama niya sa trabaho at ano naman kung pamangkin ito ni Don Leon?' naiiling na naisip ni Jade.

"Believe me Lorie, mas gwapo pa kuya ko diyan, tamang tama single yun, pakilala ko sayo?" biglang gumaan ang mood niya, baka nga pwede niya itong ipakilala sa kuya niya, besides mahilig naman ang kuya niya sa chinita.

"No thanks hindi ko ipagpapalit si Franco, he is my only love." maarte nitong sabi.

Nailing nalang si Jade sa sinabi ng kasamahan niya.

——
Hello guys thank you sa pagbasa ng story na ito. Napapasaya niyo ako ng sobra.

Love ya! ♥
-ate gil!

When Luke met his matchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon