Part 5

77 5 0
                                    


Nagmadaling lumabas si Jade sa establisyimento. Nakataas parin ang noo niya at sinalubong ang mga tingin ng mga usisero.

Hindi niya pinansin ang sinabi ng lalaki, oo nga at maganda ang Spa na pinuntahan niya pero hindi ibig sabihin na makapangyarihan ang lalaki para sabihin sakanyang hindi siya makakapasok sa kahit na anong trabaho sa lugar.

Nang makarating siya sa bahay nila ay sinalubong siya ng tatlong pares na matang nagtataka.

"Oh nakabusangot ka diyan? hindi ka natanggap?" natatawang sabi ni Zac.

"Wag mo nga siya pagtawanan. Magpahinga kana at maghanap ka nalang muli ng iba." Sabi naman ni Hena.

Hindi sumagot si Jade at dumiretso sa kusina. Naghanap siya ng malamig na tubig at dere deretsong nilagok.

Huminga siya ng malalim. "Bwisit." usal niya.

Hindi makapaniwala si Luke na nagagandahan parin siya sa dalaga kahit nakasimangot na ito, sa damit niyang hapit na dress at may mababang neckline ay lalo siyang nagpantasya na yakap niya ang dalaga sa mga bisig niya.

Naipilig nalang niya ang ulo niya at itinuon ang atensyon nito sa palabas na pinanonood nila.

Nagpadala ng resume si Jade through email at nagbabakasakaling niloloko lang siya ng lalaking hambog. Nag antay siya ng respond sa mga pinadalhan niya at natuwa nang may nagpapapunta sakanya kinabukasan.

Nakahinga siya ng maluwag at saka lamang lumabas sa kwarto. Nakasuot lamang siya ng maluwag na puting t-shirt at maikling shorts, nakapusod ang buhok niyang mahaba.

"Oh himala akala namin ay magkukulong ka nalang diyan sa kwarto." puna ni Hena.

"Oo nga, balak ko pa mandin sanang kumuha ng damit diyan sa kwarto ko kaso dahil andyan ka nagbago na isip ko, baka kung ano pa magawa mo sakin dahil sa badtrip mo dahil hindi ka nakuha sa trabaho." pang aasar ni Zac.

Itinirik lang ni Jade ang mata niya sa sinabi ng kuya niya. Umupo rin ito sa sala at nakinood.

Nang matapos ang pinanonood nila na may pamagat na 'Logan ay naisipan ni Jade na magtanong.

"Nay bakit nga pala kayo andito? hindi kayo nagtinda ng ulam?" tanong nito.

"Hinde, bukas nalang dahil nag aalala rin ako sayo." sabi ni Hena.

"Bukas mag aapply uli ako, at sinisiguro kong makakapasok na ako sa trabaho."

"Asus, apply apply muna kasi bago magyabang." natatawang sabi ni Zac.

"Pwede ba Zac Cabaya hindi ikaw ang kausap ko." napipikon na siya sa kuya niya.

"Fine." ngisi nito. "Hahatid ka ni Luke bukas sa sasakyan niya kung gusto mo. Tipid pamasahe alam ko naman wala ka ng pera. Sayang 300 pesos rin yun."

"No thanks. Naghahanap ako ng trabaho pero hindi ibig sabihin wala akong pera." ganting sagot niya.

"Bakit kasi ayaw mo pang sumama sa Maynila Jade. Si Luke na ang nagsabing ipapasok ka niya sa kumpanya nila."

"May kumpanya kayo?" tanong niya kay Luke na bahagyang nagulat dahil ngayon lang siya kinausap ng dalaga.

"Yeah. Welcome ka roon, and I assure you magandang posisyon ang ibibigay sayo ni Daddy kapag nalaman niyang ako mismo ang nagrekomenda sayo." nakangiting sabi ni Luke sa dalaga.

Saglit na natahimik ang dalaga at bakas sa mukha ang kawalan ng tiwala.

Nagkibit balikat siya. "Kung wala na akong choice sige ba." nasabi na lamang niya. Nakita niya ang pag aliwalas sa mukha ni Luke pero hindi nalang niya pinansin.

"Excuse me." nausal ni Luke ng biglang magring ang cellphone nito.

Lumabas ang binata sa kabahayan at saka sinagot ang tawag. "Yes?"

"Bro hanap ka ni Tito. Bakit mo siya Blinock sa phone mo. Ulol ka talaga. Umuwi kana rito kung ayaw mong siya raw ang susundo sayo." sabi ng pinsan niyang si Franco. Higit sa pinsan ang turingan nila, magkaibigan rin sila at suki nila ito sa club nila ni Zac.

"Shit man, bat hindi mo nalang ako pinagtakpan? hindi pa ako handang umuwi nasabi ko na sayo yung baliw na si Mick diba? kung hindi lang sana siya buntis eh!"

"Yeah, don't worry man naayos ko na ang problema, binigyan ko siya ng pera bayaran mo nalang ako pag nakauwi kana, doblehin mo ha." natatawa nitong sabi.

"Bat mo binigyan tol, lalaki lang ulo niyan tinuruan mo pang manghuthot ng pera, magkano binigay mo?"

"Kalahating milyon pare."

"What!!" halos pumiyok ito sa lakas ng pagkakasigaw. Narinig niyang tumawa ang pinsan niya kaya pinilit niyang pakalmahin ang sarili niya. "Fuck you bro wag mokong lokohin magkano nga."

"Hundred thousand." nakangiha ng maayos si Luke, malaki parin ang pera pero kung mananahimik ang babaeng yun eh bakit hindi.

"Sige tol, bayaran nalang kita, siguraduhin mong hindi na yun babalik ha. Yeah..give me two days..oo babalik rin kami don't worry..geh bro. Bye." nang tumalikod na siya at babalik na sa loob ng bahay ay nakita niyang madilim ang mukha ni Jade na nakatingin sakanya. Malamang narinig nito ang usapan nila ng pinsan niya. Alam rin niya na galit ito sa mga babaero na katulad ng Tatay niya.

"Heyy. Hindi magandang makinig sa usapan ng iba okay?" nasabi na lamang niya, nawala ang expression sa mukha ng dalaga. Umirap ito sakanya at umupo sa balconahe ng kanilang bahay.

"Ang lakas ng boses mo, may mikropono kami sa loob baka kasi hindi ka pa kuntento na ako lang nakarinig na isa kang ganap na babaero. Gosh bakit hindi pa mawala mga demonyong babaero sa mundo." pairap nitong sabi at isinandal ang kanyang likod sa upuan.

Tumawa ang binata at umupo sa tabi ni Jade. "You know what? hindi naman talaga kami ang may problema, dahil lang sa gwapo kami eh nilalapit lapitan kami ng mga babae. Kung walang lumalapit samin sa tingin mo ba magiging babaero kami?" hindi sumagot si Jade at nakatingin lang ng masama sakanya. "See? hindi ka makasagot kasi alam mong tama ako."

"Hindi ako sumasagot dahil wala akong pakealam sa mga dahilan niyo. Alis na, shoo papahinga ako." pagtataboy ni Jade. Pumikit ito at iniunat ang paa niya.

Napangiti ang binata sa katarayan ni Jade.

Tumitig si Luke sa dalagang nakapikit. Matapang ang babae pero kapag nakapikit ay parang maamong tupa. Kinuha ni Luke ang kanyang cellphone at pasimpleng kinuhanan ng litrato ang dalaga.

When Luke met his matchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon