Part 4

94 5 3
                                    


"Kala ko ba pare maiitim ang mga tao rito, pero siyempre except sa pamilya niyo. Tignan mo yung babae bro, ang puti puti." turo ni Luke sa isang babaeng napakaikli ang shorts na may mga kasamang babae.

"Yun lang siguro ang akala ng iba. Pero hindi naman kasing itim ng mga inaakala niyo ang mga tao rito. Dahil lang bukid ang kadalasan ang pinagkakakitaan ng mga tao rito, laging bilad sa araw. Siyempre mangingitim talaga, pero bro walang pakealam ang mga tao rito sa kaitiman na tinutukoy ng iba, likas na masipag ang mga tao rito. Nakakaproud at taga rito ako."

Napailing na lamang si Zac ng makitang hindi naman nakikinig ang kaibigan niya, nakatuon lamang ito sa babaeng nakakuha ng atensyon niya.

"I'll be back." yun lamang ang sinabi ni Luke at lumapit sa babae.

"Hi ladies." sabay sabay na napatingin ang grupo ng mga babae kay Luke. Ngumiti ang ilan at napatitig ang iba sa mukha niya. Malakas ang dating ni Luke kaya naman mabilis lang siya makakuha ng atensyon lalo na sa mga kababaihan.

"Hi." korus na bati ng mga babae.

"Mind if I join you pretty ladies?" nakangiting sabi ng binata. Nag eenjoy siya dahil wala pa siyang ginagawa ay kinikilig na ang iba sa kanila.

Dahil pinahintulutan siya ng mga babae ay agad siyang umupo katabi ng maputing dalaga. Bumaling siya dito at nakipagkilala. Maganda sa malayo ang babae pero narealize ni Luke na maputi lang pala ito, maliban doon ay wala na siyang nakitaan na maganda rito.

"So taga Maynila ka? wow gusto ko magtrabaho roon, Baka naman.." hinaplos haplos ng babae ang kanyang braso at malagkit siyang tinitigan.

Tahimik na napamura si Luke. Mali na lumalapit pa siya sa mga babae gayong nagpunta siya rito para makaiwas sa gulo.

Tumikhim siya at bumuo ng mairarason para makaalis sa grupo ng mga babae na parang kumakadena sakanya, ang dalawang katabing babae ay nakahawak sa mga braso niya.

Tumingin siya sa direksyon ng kaibigan niya at tiningnan ito at ngumiwi. Paraan niya ito para sabihing tulungan siya.

"Wow.." nausal na lamang ni Zac at saka lumapit sa mga babae.

"Hey Ladies..pwede ko na ba bawiin ang boyfriend ko?" nilambutan pa nito ang boses niya.

Umasim kaagad ang mukha ni Luke na halatang nainis sa naisip na pakulo ni Zac.

Nagtinginan ang mga babae dahil doon, kumalas naman agad ang dalawang babaeng nakahawak sakanya at nagngitian.

Bumuga ng hangin si Luke at saka nagpatiuna na sa paglabas ng bar.

"Pare hindi ka na ba nakaisip ng ibang paraan? ginawa mo pa akong bakla pare." naiinis na usal ni Luke ng makalabas sila sa bar agad siyang pumasok sa front passenger seat ng sasakyan niya si Zac naman ay natatawang pumasok at umupo sa driver's seat.

"Wala na akong maisip eh, wag kang mag alala hindi mo na sila makikita." natatawa nitong sabi at pinaandar ang sasakyan.

"Oh Zac umalis raw kayo kagabi? saan naman kayo nagpunta?" tanong ni Hena sa lalaking anak habang kumakain ng agahan.

"Bar Nay, pero hindi naman kami nagpakalasing."

"Maiba tayo 27 ka na iho wala ka pa bang balak magnobya? aba eh kailan ako magkakaapo?"

Tumawa si Luke sa tanong ng Nanay ng kaibigan niya. "Sorry..yan din po kasi ang tanong ng Daddy ko lagi. Magkaedaran kami ni Zac pero sa itsura namin tita ay malabong makakapagpakasal kami agad, ineenjoy pa namin ang pagiging single tita, wag kayong mag alala baka 30 to 35 mag aasawa rin kami ni Zac." sabat ni Luke na ngiting ngiti.

When Luke met his matchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon