"Oh napasugod ka?" nakangiting tanong ni Don Leon sakanyang anak."Sa tingin mo ba natutuwa ako sa sinabi mo kanina sa tawag dad? Hindi ko pakakasalan si Jade! ni hindi niyo alam kung gaano kalala ang kabaliwan ng babaeng iyon dad! she's bipolar okay?"
"Chill..ikaw na mismo ang nagsabi na iba siya sa mga babae. Akala ko ikaw lang ang bipolar." ngumisi ito.
"What?! hindi ako moody! and I know! at sinabi ko lang iyon para makuha siya kaagad sa company natin okay?"
"No. I don't think so. Anyway aalisin ko na siya sa company, hindi siya bagay na magtrabaho rito, bagay siya bilang asawa mo, gusto kong magbakasyon kayo sa malayo ng kayong dalawa lang." tumawa pa ito na nag echo sa loob ng opisina nito.
"Dad—"
"Ano bang ikinakatakot mo? ahhh ayaw niya sayo?" tumawa uli ito at tumayo, at tinapik tapik ang balikat ng kaniyang anak.
"Dad—"
"Ayaw mo sakanya?" seryosong tanong ni Leon.
"No." matigas na sabi ni Luke sa kanyang ama.
"Okay, alam mo ginagawa ko lang naman ito para sayo, bukambibig ni Franco si Jade, so naisip ko na iba talaga ang dating niya dahil pati si Franco ay napukaw niya ang atensyon nito. Kaya bago siya makuha ni Franco—"
"Kaya ka nagdesisyon agad na ipakasal ako sakanya." walang reaksyong sabi ng binata.
"Well..Yes. So ayaw mo talaga sakanya?" pagsisiguro ng matanda, marahas na umiling si Luke bilang sagot sa tanong nito.
Tumango ng marahan si Leon at bumuntong hininga. "Okay, pero eto ang tatandaan mo Luke. Once na nagsimula na silang magyayaan sa labas ayoko na siya para sayo, nagkakaintindihan ba tayo? ayokong isipin ng mga tao na nagpapasaan lang kayo ng babae ng pinsan mo. You're dismissed. Marami pa akong gagawin."
"Aalisin niyo ba siya sa trabaho?"
"Of course not. Kung hindi mo siya magiging asawa bakit ko siya aalisin. You may go." agad na tumalima si Luke.
Pagdating nito sa bahay niya ay hindi maganda ang mood niya.
"Okay ka lang bro? gusto mong umabsent uli? Mapagkakatiwalaan naman si Tulpo. Hindi ko nga alam bakit araw araw tayong pumapasok, matagal ng tao natin si Tulpo kaya alam kong mamamanage niya ng maayos ang bar, anyway kung kailangan mo ng pahinga wag ka ng pumasok. Hindi muna ako papasok ngayon. May lakad ako, teka san ka nga pala galing kanina?"
"Office ni Dad, may pinag usapan lang kami. Anyway, sino ang mas pagkakatiwalaan mo. Si Franco o ako." kilala nilang pareho si Franco, barkada rin ang turing nila rito at lagi ito sa bar nila bitbit ang ibat ibang babae.
Kumunot ang noo ni Zac at saka malakas na tumawa. "Si Franco bro." tapik nito sa balikat ng kaibigan.
"I'm fucking serious." madiin na pagkakasabi nito na mas lalong nagpatawa kay Zac. Umiling iling ito at napakamot sa ulo.
"About sa company ninyo at kung sino ang mas dapat na magmanage? of course ikaw." ngingiti ngiting sagot nito.
"No, I mean..nevermind." dumeretso ito sa kusina.
Nakaramdam ng uhaw si Jade kaya nagtungo siya kaagad sa kusina, nadatnan niya si Luke na nagluluto ng isda.
Hindi niya ito kinibo at dumeresto sa refrigerator para kumuha ng maiinom. Napansin ni Luke ang presensya niya bahagya lang siya nitong nilingon at muling ibinaling sa kaniyang niluluto.
Kumunot ang noo ni Jade sa inaasta ng binata. Napakaweird ng inaakto nito magmula kaninang umaga. Nagitla siya ng bigla itong tumingin sa direksyon niya.
"Kinakamusta ka ni Franco." walang kareareaksyong sabi nito.
Nagtaas siya ng kilay dahil hindi rumerehistro sakanya ang sinabi nito. "Franco who?"
"Ahh..so hindi mo siya kilala? Franco? Franco Sanis?"
"Ahhh, yung pinsan mong mayabang?" paniniguro niya at saka ibinaba ang basong hawak niya. Napahalukipkip siya sa harap ng binata. "Kinakamusta ako? tsh mayabang na epal pa at pilingero pa." bulong nito pero rinig parin ni Luke.
"So kilala mo nga. Ano score? dating? in a relationship? courtship?" sunod sunod na tanong nito sa kabila ng seryosong reaksyon nito sa mukha.
"Ha? hoy ha, wag niyo nga akong pagtripan, pareho kayong magpinsan ang e-epal niyo. Isang beses pa lang kami nag usap okay, tapos kinakamusta na? huh! hindi rin feeling yung isang yun no?"
Nagkibit balikat lang si Luke at saka ipinagpatuloy ang kaniyang niluluto. Hindi mawari ni Jade kung anong demonyong sumanib sa lalaki dahil kung ano anong lumalabas sa bibig niya.
BINABASA MO ANG
When Luke met his match
Romancetadaaaa ROMANSA :3 [On-going] Started: April 7, 2018