Napalinga linga si Jade ng makarating sa garden, wala namang kakaiba o bago na pwedeng ipakita sakanya ni Luke."Ano yung ipapakita mo kamo?" hindi na siya nakatiis dahil nakatunganga rin naman ang binata na parang nakalimutan na nito kung bakit siya nito niyaya sa hardin.
"Ahh. Nothing..kalimutan mo na." sabi nito bigla. Akmang papasok na ito sa bahay ngunit bumalik uli ito ilang saglit at hinarap si Jade.
"Iwasan mo'ko."
Maang na napatitig si Jade sa binata dahil sa mga kawirduhan nito.
"Excuse me? hindi ko ma-gets."
"I don't like you, hinding hindi ako magkakagusto sayo. I mean-"
"What? tinatanong ko ba? Wala akong maaalalang tinanong kita. At para sabihin ko sayo hindi rin kita type. Kapal neto." mataray na sabi ni Jade at nilagpasan ang binata. Nagbuga siya ng hangin at bago pumasok sa pinto ay lumingon uli ito sa lalaking nakatayo parin at nakaapak sa bermuda grass sa gitna ng hardin. Nakatingala ito at nagkakamot ng ulo at bakas ang pagkairita sa mukha.
Malakas na isinarado ni Jade ang pinto sa likuran ng bahay at agad na nagtungo sa kaniyang kwarto. Pagkarating niya sa kwarto ay agad siyang nagpalit ng pambahay, nang makapalit siya ay biglang tumunong ng malakas ang cellphone niya.
"Jade." napakagat labi ang dalaga dahil hindi pa pala siya pormal na nakakahingi ng tawad sa katrabaho niya sa ginawa niyang set up kasama ang kuya Zac niya.
"Hi Lorie." pinilit niyang maging kaswal ang boses niya.
"Hi mo mukha mo. Pero in all fairness ha.. gwapo talaga kuya mo." humagikgik pa ito sa kabilang linya. Nakahinga ng maluwag si Jade pagkatapos dahil hindi nagalit si Lorie sa kanya.
"Sabi sayo eh, so ano sa tingin mo? ano tingin mo kay Zac?" magiliw na tanong nito. Humiga pa ito patihaya sa malambot niyang kama at naaaliw na ngumiti.
"May tanong lang ako..ano daw tingin niya sakin? nagkwento ba siya sayo?" alanganing tanong ni Lorie.
'Naku kung alam mo lang ang mga kapangitang sinabi sayo!'
Nagpigil ng tawa si Jade at pinagana niya ang utak niya para sa kasunod niyang plano.
"Ahmm..free ka ba sa Sunday?"
"Wait! oh my! gusto niya ng second date? girl!! thank you so much! ikaw na ata ang best best best!! na naging katrabaho ko!" excited na excited to kahit hindi pa niya naririnig ang buong sasabihin ni Jade. Na-guilty tuloy ang dalaga at napatuptop sa noo.
Jade! isip! bawiin mo na! kasalanan mo to, patay ka sa kuya mo!
"Gusto mo talaga si Kuya?" paniniguro niya.
"Of course!" hiyaw ni Lorie.
"Kung ganun, kailangan mo akong tulungan." dahan dahan at alanganing sabi ni Jade.
"Sure!" mabilis na sagot nito.
Game na game naman pala siya eh, wow chosera ka girl wag ka na mag alangan at sabihin mo na sakanya plano mo! Now na Jade!
"Wait lang Lorie. Ano..ahmm. Secret lang natin ha? kasi plano ko talaga to, I mean..alam mo na. Bagay kayong dalawa at..boto ako sayo para kay kuya. I need your help actually. Pwede naman siguro nating planuhin ng maigi..Kasi si kuya nakikita ko yung kinang sa mga mata niya noong..pinag uusapan ka namin eh. Pero likas siyang babaero, alam mo yung mga nasa nobela? ganun siya. Matindi! at katulad rin ng mga nasa pocketbooks alam kong makakahanap rin siya ng babaeng magpapabago ng mga nakasanayan niya..at for me..bilang kapatid niya..alam kong bagay kayo at alam kong ikaw na ang babaeng para sakanya." matagal na nag antay si Jade pero napakunot ang noo nito ng walang marinig na reaksyon sa kabilang linya. Frustrated na nagbuga siya ng hangin ng makitang patay na ang tawag.
"Narinig kaya niya mga sinabi ko, ang haba haba nun, siguro pinatay niya ang tawag dahil may kailangan siyang ientertain sa front desk." bulong nito sa kawalan.
"Kasalanan mo to Jade! inii-stress mo sarili mo!" biglang sigaw nito.
Napabalikwas siyang bumangon bigla ng maalala ang pag uusap nila ni Luke, maayos naman sila pag angat palang ng sikat ng araw pero bakit ang weird bigla. Nagkibit balikat ito at naisip na baka nga baliw ang binata. Baliw na playboy pa!
'Pero masarap siyang kayakap sa gabi aminin mo Girl.' hiyaw ng isip niya.
"No! ano na bang nangyayari sayo beautiful and pretty and gorgeous Jade!" sigaw niya sa hangin.
"Nababaliw ka na. Yun ang nangyayari sayo Psycho and crazy and ugly Jade." nagulat ang dalaga ng marinig ang boses ng kuya niya sa may pinto ng kwarto niya.
"Hoy kumatok ka naman, alam mo ba yung salitang privacy ha." kalmadong sabi niya sa kuya niya.
"Pinayagan ka na ngang manirahan dito sa bahay nagawa mo pang mag ingay sa kabaliwan mo. Pano ako makakatulog ang lakas lakas ng boses mo, hindi soundproof ang mga kwarto dito okay. Bat nga pala hindi ka pumasok ha." sermon ni Zac.
Nagkibit balikat siya. "Tanungin mo sa kaibigan mong bipolar." irap niya.
Humawak si Zac sa hamba ng pinto at kunot noong binalingan ang kapatid niya. "Ewan ko sainyo." akma na itong tatalikod ng pigilan siya ni Jade. Lumapit ito sa pinto at ngumiting nanunuya sa kapatid niya.
"Binigay ko number mo kay Lorie." nakakalokang sabi niya at saka agad na isinara ang pinto.
"Bigay mo lang! magpapalit ako ng number at hindi ko narin ibibigay sayo! hay! women!!" sigaw ng binata.
BINABASA MO ANG
When Luke met his match
Romancetadaaaa ROMANSA :3 [On-going] Started: April 7, 2018