Part 3

105 5 0
                                    


Iisa lang ang cr ng bahay hindi mapigilang mainis ni Jade dahil mas matagal pa sa babae kung maligo si Luke. Kanina pa siya naiihi. Hindi niya napigilan ang sarili kaya lumapit siya sa banyo at nang akamang kakatukin na niya ang pinto ay biglang bumukas ito, iniluwa nito si Luke na walang damit pang itaas basa pa ang buhok nito at naka shorts lamang.

Awtomatikong ngumiti ang binata nang makita siya. "Can't wait?" sabi nito. Inirapan lang siya ng dalaga at pumasok sa banyo at inilock ang pinto.

Narinig pa ni Jade ang tawa ng lalaki kaya mas lalo siyang nainis dito.

Nang lumabas siya sa banyo ay nagulat siya naroon parin si Luke at halatang inaantay siya.

"Oh ano itinatayo tayo mo riyan? sa tagal mong nasa banyo gusto mo pa bang umulit ng ligo?" sarkastikong sabi niya.

"No of course not, gusto ko lang malaman pagkatapos nating magkatabi ng buong gabi at nakita ko pang kalahating hubad ka ni hindi ka man lang naiilang..na para bang sanay ka nang naibabalandra ang katawan mo sa ibang tao.." hinagod niya ng tingin ang dalaga.

Hindi nagpatinag si Jade alam nito na gusto lang siya nitong asarin. Kilala niya na ito, kaibigan siya ng kuya niya kaya hindi malabong playboy rin ito. Gosh ayaw na ayaw pa naman niya ng playboy na katulad ng kanilang ama na kumabit kaya naiwan ang kaniyang Inang mag isa.

Nagkibit balikat siya. "Sa tingin mo ba kayo lang ang pwede sa kaungasan niyo? alam ko naman na sanay ka nang nakakakita ng hubad so ano pa dinadakdak mo? sabihin nalang natin na  wala akong pakealam sa nakita mo sakin." sabi niya at nilagpasan ang lalaking kinakitaan niya ng kakaibang kislap sa mata.

Wala siyang pake kung ano man ibig sabihin nun.

Naupo siya sa kanilang sala at binuksan ang kaniyang laptop. Nagsimula siya sa pagtype at pag gawa ng resume. Kailangan niyang makahanap agad ng trabaho bago siya kaladkarin ng kanyang kuya pamaynila. Hindi siya yung tipong babaeng magkakandarapa makapunta lang at makatrabaho sa malalaki't nagtataasang building.

Nang matapos niya ito ay agad siyang naghanap ng job offers sa Vigan. Eedit nalang niya ang details sa resume niya.

Buti nalang at nadadaan na halos lahat ng bagay through online. Nang makahanap siya at receptionist ang inooffer na job sa isang spa business ay agad siyang napangiti. Pupuntahan na niya iyon bukas.

Hapon na at napansin niyang wala ang kuya at kaibigan nito.

"Ano ulam Nay? ako na magluluto." sabi nito sakanyang Ina.

"Wow, at anong reason good mood ka ata." nasisiyahang nakatingin sakanya si Hena.

"Sabihin na nating may naghihintay na trabaho sa akin bukas." mayabang na sabi niya.

"Woosh sabi ng hangin. Aba maghulus dili ka baka naman sa kagustuhan mong huwag makaladkad ng kuya mo papuntang Maynila kung ano ano nalang papasukin mong trabaho ha." pinakatitigan niya ang kanyang anak.

"Nay naman receptionist sa isang Spa ang papasukan ko, alam mo nay kung ano ano naiisip mo kinikilabutan ako sayo." umakto pa itong nilalamig at niyakap ang sarili.

"O siya..pakbet ang ulam mag adobo ka narin. Kaya mo na o kailangan mo ng tulong?"

"Kaya ko napo Nay, alam kong pagod karin sa paglalako ng ulam, sige na po. I love you Nay pahinga ka na." ngumiti ito sa kanyang Ina at sinuklian naman ito ng kaniyang Ina.

"Nakakakilabot lalo yang inaakto mo Jade Cabaya." sabi nito bago lumabas sa kusina.

"You were Romeo you were throwing pebbles and my Daddy said stay away from Juliiiii-et and i was crying on the staircase begging you please don't gooooo!" humihiyaw sa pagkanta si Jade habang may hawak na sandok. Nakatshirt lang siya ng maluwag at maikling shorts, nakalugay ang kulot na mahabang buhok, maganda at makintab ang buhok niyang nakaturban.

Hindi na niya naipagpatuloy ang pagkanta niya ng may tumikhim sa likuran niya. Ang kuya niya ang tumikhim naroon rin ang nakangiting nakahalukipkip na si Luke na nakatingin sakanya.

"Anong niluluto mo? bat kailangan mong kantahan yang pakbet." sabi nito. May hawak hawak itong plastic na naglalaman ng beer at groceries.

Tumikhim si Jade at nagpatuloy sa pagkanta pero sa mahinang boses lang. Hindi maganda ang boses niya pero wala naman siyang pake at nasa loob naman siya ng bahay nila.

"Tara na tol bago pa dumugo tenga natin." yaya ni Zac sa kaibigan niya.

"San punta niyo? at san nga pala ako matutulog mamaya?" mas mabuting sigurado naisip niya.

"Dun ka muna sa kwarto ko mas maliit yun, sa kwarto mo kami matutulog ni Luke. Sabihin mo kay Nanay na punta lang kami sa Fresh Bar uuwi rin kami mamaya bago maghating gabi." sabi nito at maya maya ay umalis na, naiwan si Luke at dumukwang ito sa mesa kumuha ito ng adobo gamit ang kaniyang kamay at saka sinubo. Nauna na itong niluto ni Jade bago niya niluto yung pakbet.

"Hmm..hindi masarap, paturo ka kay Tita." sabi nito at saka ngumisi.

Bumuga ng hangin ang dalaga at matalim na tiningnan si Luke. "Alis." madiin na sabi niya.

Ngumisi lang uli si Luke at saka lumabas.

Nagngingitngit ang kalooban ni Jade kumuha siya ng adobo at tinikman ito, nakahinga siya ng maluwag dahil masarap naman ito nasira tuloy ang mood niya dahil sa kasinungalingang komento ni Luke.

Nang makaluto siya ay tinawag na niya ang kaniyang Ina, sinabi narin niya dito na umalis ang kuya nito, sabay silang kumain nagkaroon pa siya ng oras para makapag shower bago matulog.

When Luke met his matchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon