Part 7

82 4 0
                                    

Bacon at Hotdog ang ulam, Napansin ni Jade na masarap ang pagkakaluto ng sinangag kaya hindi niya napigilang magtanong.

"Inorder mo ba yang sinangag?" tanong niya sa katapat niyang si Luke sa hapag kainan.

Amused na napatingin ang binata kay Jade. "Nope. Kaya kong magluto, bat naman naisipan mong inorder ko? ahhh.. masarap ano?" nakangiting tanong niya.

Nagkibit balikat si Jade. "Pwede na." tipid na sabi nito. Tumawa naman si Luke sa sagot niya.

"Ready ka na ba na magpunta sa opisina at makilala si Daddy?" tanong ni Luke maya maya.

"Teka ngayon na ba? Linggo ngayon ah."

"No bukas siyempre. Are you ready?" tanong muli ng binata.

"Oo naman. Malakas loob ko sa mga ganyan."

"Kaya ba hindi ka nakukuha sa Vigan?" pang aasar ni Luke. Pinaikot ni Jade ang kanyang mata at tiningnan ng masama ang binata.

"Duh. May reason kaya hindi ako nakukuha roon, at wala akong balak magkwento sayo. Malakas ang charm ko kaya goodluck nalang kung hindi ako tanggapin ng Daddy mo." sa sinabi niyang iyon ay kumunot ang noo ng binata.

"Masaya ang Dad ko kasama ng Mommy ko, hindi siya babaero. Matanda narin siya." seryosong sabi niya.

Kamuntik ng mabuga ni Jade ang sinangag na nasa bibig niya. Nilunok niya ito at saka uminom ng tubig. "Excuse me? ang dumi ng utak mo eh no? hindi ko aakitin ang Daddy mo. Yuck hindi ako pumapatol sa may asawa. Ang ibig kong sabihin magaling ako sa mga interviews kadalasang sinasabi saakin ay marunong akong makisama at mabilis akong makakuha ng tiwala, madali kong makuha ang loob nila sa madaling sabi. Kung ano ano iniisip mo. Grabe." tiningnan niya ng masama ang lalaki at nagpatuloy sa pagkain.

"Okay sorry." paghingi ng paumanhin ng binata.

Namayani ang mahabang katahimikan pero binasag rin ito ni Jade matapos nilang kumain.

"Ako na maghuhugas, at Luke.. Salamat nga pala sa pagpapatira at pagpatulong samin ni Kuya." ngumiti rin siya sa binata bago itinuon ang atensyon sa pagligpit sa mesa.

Napakurap kurap si Luke ng makitang nginitian siya ni Jade. Binanggit rin nito for the first time ang pangalan niya.

God..para akong teenager. Naisip niya.

"Uhmm. You're welcome. Kung..kung talagang nagpapasalamat ka samahan mo ako sa mall, Sm Aura. Mamimili lang ako." sabi niyang nakangiti. Humarap naman ang dalaga sakanya na nakaharap na sa sink. Inirapan siya nito.

"Gosh kailangan may kapalit agad kapag magtethank you eh no. Yeah sure..may magagawa ba ako." pagtataray niya.

Natawa nalang si Luke sa mabilis na pag bago ng mood ng dalaga.

Hindi maiwasang titigan ni Luke ang dalaga. Sinpleng dress ang suot nito at nakalugay lang ang buhok, hindi rin ito nakamake up o lipstick man lang. Nakaflat sandals ito. Sa ganoong ayos ay napakaganda ng dalaga.

Nang nasa mall na sila ay agad na tinungo ni Luke ang mga boutique na may mga damit na pang babae.

Inisa isa niya ang mga damit rito sumusulyap sulyap rin siya kay Jade na takang taka. Nang mahagip niya ang baby pink na dress ay kinuha niya ito bumaling siya sa dalagang kasama at ngumiti.

"Here, tingnan mo. Bagay mo to. Hindi mo na kailangang isukat dahil alam kong kasya mo. Sumunod ka sakin." imbes na sumunod ay umiling ito.

"Hindi ko kailangan ng damit okay. Marami akong dress. Halos lahat ata ng damit ko pinadala ni Nanay." kunot noong sabi niya.

"Sumunod ka nalang. Gusto kitang bilhan kaya wala kang magagawa." ibinigay niya ang damit sa isang nang aassist na naroon. Nakakita pa siya ng mga damit at ibinigay rin nito sa babae.

Halos mapanganga si Jade ng nasa counter na sila. Halos labing limang libo ang nagastos ng binata sa damit na binili niya para sakanya.

"Kain muna tayo bago umuwi, nagtext si Zac na hindi rin siya makakauwi at maya maya pa." sabi nito pagkatapos icheck ang kanyang cellphone.

"Teka lang.. hindi ko gusto ang ginagawa mo okay. Nagpasalamat ako kanina at sinabi mong samahan kita pero imbes na makabawi sayo nadadagdagan pa ang utang na loob ko sayo." matalim na nakatingin siya kay Luke na nakangiti.

"Don't worry hindi ako naniningil ng utang na loob, Nag eenjoy ako na kasama ka kaya nakakabawi ka promise. So tara na, I'm hungry." nagtungo sila sa Vikings.

Hindi na muling nagsalita pa si Jade hanggang makauwi sila, nanatili siyang tahimik at hinahayaang si Luke ang magsalita. Nagkwento ito tungkol sa Daddy niya, kung pano makukuha ang loob nito at kung anong trabaho ang pwedeng ibigay sakanya.

When Luke met his matchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon