Nagising si Jade na parang may nakapatong na mabigat sa kanyang tiyan unti unti siyang gumalaw at nagulat ng may gumalaw rin sa tabi niya. Halos sabay silang nagising ng estranghero at nagkatitigan.
Napamulagat si Jade at naramdamang namula ang kanyang buong mukha. Nasa harap niya ngayon ang lalaking may gulat at pagtataka ang mukha.Dahil sa gulat ay nakalimutan niyang wala pala siyang pang itaas na damit. Natauhan lamang siya ng biglang tumaas ang gilid ng mga labi ng estranghero at tutok na tutok ang tingin sa kanyang dibdib.
Agad na tinakpan ni Jade ang kaniyang dibdib gamit ng unan.
"Sino ka!" pagtataray niya. Ngumisi lang si Luke at maya maya ay tumalikod.
"Magbihis ka na at baka ano pa maisip ng Nanay at kuya mo satin. Kaibigan ako ni Zac at sinabi niyang hiramin ko ang kwarto mo." mahinang sambit nito, namula pa lalo si Jade at agad na nagbihis.
Wala siyang sabi sabing lumabas ng kaniyang kwarto.
Nang marinig ni Zac ang malakas na pagsara ng pinto ay napahalakhak siya. Damn naasar tuloy siya bakit hindi siya nagising ng mas maaga edi sana natitigan pa niya ng matagal ang dalaga.
Paglabas ni Jade sa kwarto ay sumalubong ang nagtatakang kuya niya at Nanay nito. Maya maya ay lumabas narin sa kwarto si Luke.
Nagulat si Zac at Hena ng halos magkasabay na lumabas ng kwarto si Luke at Jade. "Te-teka kailan ka pa dumating?" tanong ni Hena sakanyang babaeng anak.
Nagbuga ng hangin ang dalaga. "Para maklaro ang mga nasa utak niyo umuwi ako ng hating gabi at hindi ko na inabalang buksan ang ilaw dahil nakasanayan ko naman ng umuwi ng ganoong oras. Ni hindi ko alam na may kasama ako sa kama. Nagulat nalang ako pag gising ko may katabi na ako. Tsaka pwede..kung pwede lang naman ha. Pwede sa susunod magpaalam muna kayo bago niyo ipahiram ang kwarto ko." mataray niyang sabi at saka nagtungo sa kusina.
Bungalow type ang bahay nila na yari sa semento na may tatlong kwarto. Kahit bungalow lang ito ay maayos ang bahay. Nakatiles ang sahig at pintado ito.
"Tsk. Pasensya kana pare, hindi ko alam na uuwi pala siya." paghingi ng paumanhin ni Zac sa kaibigan.
"Don't worry pare okay lang. Hindi ko akalain na iba ang itsura niya sa personal. Iba ang itsura niya sa litrato diyan sa sala niyo." natatawa nitong sabi.
"Ahh. Yun. Ayaw na niyang papalitan ang litrato niya, hindi siya mahilig magpicture kaya yun parin ang litrato niya na nakadisplay hanggang ngayon. 3rd year college ata siya doon sa picture. Anyway masanay ka na sa ugali nun, mataray yun at mahilig makipag away, hindi ko minsan maintindihan ang mga babae." sa sinabi niyang iyon ay malakas na tumikhim ang kaniyang Ina.
"Nakapagluto na ako tara na at sabay sabay na tayong kumain." yun lamang ang sinabi ni Hena at nagtungo narin sa kusina. Nadatnan nito ang kaniyang babaeng anak na nagtitimpla ng kape.
"Timplahan mo narin ang kuya at ang kaibigan niya Jade." utos ng kaniyang Ina. Nagbuga ng hangin si Jade.
"Ba malay ba natin kung gustong magkape ng mga iyon." nakasimangot na sabi ni Jade at saka umupo at ipinatong sa mesa ang kapeng hawak.
"At ano namang ikinaiinis mo? at bakit nga pala umuwi ka kaagad akala ko ba ay sa susunod na linggo ka pa uuwi?" tanong ni Hena sakto naman na sabay dumating sa kusina ang dalawang lalaki. Napaismid si Jade at nag abala sa pag ihip at paginom sa kape. Apat lamang ang upuan sa kanilang mesa. Si Hena ay nakaupo katabi ng nanay niya. Umupo naman si Zac sa tapat ng Ina niya at si Luke ang umupo sa tapat ni Jade.
Bago pa man makalimutan ni Hena ay itinanong uli nito ang tanong niya sa kaniyang babaeng anak.
"Nagbago ang isip ng mga kaibigan ko, kaya hindi natuloy, nag enjoy naman na kami kaya okay na iyon." sagot niya.
Scrambled egg at hotdog ang ulam nila. Nauna ng sumandok ng pagkain si Jade. Hindi niya pinagtuunang pansin ang lalaking nasa tapat niya na kanina pa nakatitig sakanya.
"Kailan mo balak mag apply ng bagong trabaho Jade?" tanong ni Zac.
Nagkibit balikat ang dalaga. "Baka sa susunod na linggo, mahirap maghanap ng trabaho..remember nasa probinsya tayo. Bakit nga pala kayo nandito? hindi ba kayo nag eenjoy sa club na business niyo?" ganting tanong nito na halatang iniiwasang matanong muli.
Naalala ni Zac ang reason kung bakit sila napasugod sa kanilang probinsya rito sa Ilocos.
"Please Zac. Tulungan mo ako pare, hindi lang ako ginugulo ni Mick nagbanta rin itong lalapit sa Daddy ko. Damn her. Ipinipilit niyang ako ang ama ng ipinagbubuntis niya."
Napailing si Zac. Lapitin na talaga sila ng mga babae, at hindi rin naman bago sakanya ang ganoong sitwasyon, maski siya ay minsan naring may lumapit sakanyang naka one night stand niya at sinabing buntis ito at siya ang ama. Well hindi rin naman siya naloko nito, maingat si Zac at lagi itong gumagamit ng proteksyon.
"Okay na ba yung dalawang linggo? kung hindi ka ba magpaparamdam at magpapakita sakanya ng dalawang linggo sa tingin mo lulubayan ka na?"
"Bro okay na yun, kailangan ko rin mag isip. Pero I swear man, hindi saakin yun, rule natin sa sarili natin na laging gumamit ng protection, at hindi rin ako ganun ka reckless para makabuntis and worst kay Mick? no pare."
"Kuya?" untag ni Jade sakanya dahilan para manumbalik ang isip niya sa kasalukuyan.
"Isasama na kita sa Maynila..tutal hindi mo rin naman nasasamahan si Nanay rito at puro lakwatsa ka lang naman." sermon ni Zac.
"What!? no!"
"Gosh Jade bat hindi ka magtino! you're 25 my goodness!" sita nito.
"You're 25 my goodness! mind your own business." sikmat naman ng dalaga.
"Don't be stubborn kung kinakailangan kitang kaladkarin papuntang Maynila gagawin ko. Ikaw na mismo ang nagsabi mahirap maghanap ng trabaho rito sa probinsya wag mong alalahanin si Nanay ibabalik ko na si Pinang ang katulong natin dati." hindi ito patinag.
Naitirik ni Jade ang kanyang mata. "You're not getting any younger bro, why don't you look for a woman at pakasalan mo narin agad ng matigil na pangengealam mo sa buhay ko, at ikaw narin ang may sabi I'm 25 may sarili na akong desisyon sa buhay ko okay. Hahanap ako ng work sa Vigan."
Amused na nakikinig lang si Luke hindi rin niya mapigilan ang mangiti sa paraan ng pagsagot ni Jade sa kuya nito. Natitigan tuloy niya ang dalaga at hindi mapigilang mamangha sa mukha nitong hugis puso, hindi gaanong matangos ang ilong nito, parang iginuhit ang kaniyang kilay na halos perpekto ang kurba hindi niya mapigilang mapalunok ng madako sa kaniyang labing katamtaman lang ang nipis at laki.
"Believe me hindi ko kailangan humanap ng babae sila ang naghahanap at nagpapapansin sakin at dahil sa dami nila hindi ko alam kung sino ang uunahin." pagyayabang niya.
"Wow hangin—" naputol ang sasabihin niya ng tumikhim ng malakas si Hena.
"Iho Luke, pagpasensyahan mo na ang magkapatid ha, ganyan sila lagi pag magkasama, minsan hindi mo alam kung kailan ka sisingit sa usapan nila." dinaan niya sa biro.
"Okay lang ho tita, nakakatuwang panoorin sila. Hindi ko naranasan ang makipagpalitan ng salita sa isang kapatid dahil wala naman akong kapatid." aniya.
"Oh! only child ka pala. Mas okay rin na may kapatid."
"I don't think so." sabad na mabilis ni Zac sa kanyang Ina.
"Aba'y manahimik na kayo nakakahiya naman kay Luke. Kain ka iho wag kang mahihiya."
Ngumiti si Luke at nginitian si Jade na for the first time ay bumaling sakanya. Tinaasan lang siya ng kilay ng dalaga.
BINABASA MO ANG
When Luke met his match
Romancetadaaaa ROMANSA :3 [On-going] Started: April 7, 2018