*Raine
"Hi mahal ko!" Sabi ni Isabelle at kiniss niya yung lips ni Vhong. Napatingin siya sa akin.
"Anong ginagawa mo dito sa dressing room ng boyfriend ko?" Sabi ni Isabelle sa akin at lumapit siya sa akin. Nakita ko si Aljur at agad siyang pumasok. Nabigla ako kasi ngayon ko lang ulit nakita si Aljur after 3 years. Lumapit si Aljur sa akin at napalapit din si Vhong kay Isabelle.
"Pinastay muna kami ni direk Bobet dito para iwork out namin yung chemisty namin ni Raine." Sabi ni Vhong.
"Chemistry? Are you cheating on me?" Sabi ni Isabelle.
"No, he's not cheating on you. In fact, direk Bobet told us about the comeback of our love team.." Sabi ko at na-speechless siya sa sinabi ko.
"Raine, pwede ba tayo mag-usap?" Sabi ni Aljur ng pabulong. Napatingin naman ako sa kanya at umoo.
"Excuse us." Sabi ko kayla Vhong at lumabas na kami ni Aljur.
"Bakit di mo sinabi na nakauwi ka na pala?" Sabi ni Aljur.
"Biglaan lang din.."
"Buti na lang nandito ako sa ABS." Napatingin ako sa loob ng dressing room ni Vhong at nakita ko siya na napapatingin sa amin.
"Bakit nandito ka pala?" Sabi ni Aljur.
"Bagong host ng Showtime at pinapabalik sa amin yung love team namin ni Vhong."
"Pumayag ka naman?"
"No choice na ako.."
"Babalikan mo si Vhong, eh diba komplikado na yung sitwasyon, sila pa ni Isabelle."
"Wala akong balak na sirain yung relasyon nila, kung pwede na ang both sides, siguro dun lang."
"Mahal mo pa rin siya?" Napatingin na ako kay Aljur.
"Bumalik ulit, simula nung umuwi lang ako at nung nakita ko siya.."
"Raine, kailan mo ako mamahalin na parang kay Vhong?"
"Ajur, alam kong masaya ka na kay Kylie, ayoko ng manira ng relasyon." Hinug ko siya. Umalis na siya at napapunta ako ng lounge area. Nakita ko si Vice at agad akong umupo sa tabi niya.
"Kamusta pag-uusap niyo?"
"Okay naman until may humadlang.."
"Sino?"
"Ed sino pa ba?"
"Ohh.. Nandyan pala siya." May kumatok sa pinto at may pumasok, nakita ko isang staff ng show.
"Gametime na." Tumayo na kami at pumunta sa stage.
~After singing their Showtime theme song~
"Let's please welcome back, Raine Poe!" Sabi ni Vice.
"Hi madlang people!"
~After Show~
Nasa lounge area kaming lahat ng hosts.
"Guys, I have to go na.." Sabi ko.
"Paano ka uuwi?" Sabi ni Vhong.
"Nandyan naman si kuya Joma, siya na maghahatid sa akin sa bahay." Yung itsura ni Vhong, para bang dismayado kasi feeling ko, gustong-gusto niya na siya ang maghatid sa akin.
"Sige, bye guys! See you tomorrow!" Sabi ko at umalis na ako at kinontact ko si kuya Joma.
~CALL~
KJ: Hello ma'am.
R: Kuya Joma, pahanda na ng sasakyan, papunta na ako dyan.
KJ: Sige po ma'am.
~END~