Plan

60 0 0
                                    

*Raine

Nakadating na kami sa bahay at agad kaming bumaba. Pumasok na kami sa loob ng bahay at sinarado ni Yaya Letty yung gate. Nang makita ko si tito, nakita ko din yung isang bag.

"Nay." Sabi ko kay nanay at agad ko siyang hinug. Lumapit ako kay tito at nilapag niya yung bag sa couch. Umupo ako sa couch at binuksan. Andun yung baril sa loob ng bag. Binigay ko na kay tatay yung shotgun, kay ate Grace naman yung M16, kay nanay yung AK-47. Binigay ko din kay tatay yung magnum na baril niya. Binigyan ko din sila ng mga bala sa mga baril nila.

"Babe, gusto mo?" Sabi ko.

"Hindi ako marunong bumaril.." Sabi ni Vhong. Binigay ko kay Vhong yung Desert Eagle at mga bala.

"Tuturuan kita.." Sabi ko. Agad ko namang kinuha yung lagayan ng baril at sinuot ko na. Nilagay ko dun yung Colt Ace na pistol and 9mm ko. Binigay sa akin ni tatay yung leather jacket niya para matakpan yung dalawang baril. Nagpalit naman ako ng sapatos para kung incase na may mangyare, maayos yung takbo ko. Nilagay ko na dun yung mga bala sa jacket ni tatay. Kinuha ko din yung Commando at M14 na baril at nilagay ko sa likod ko since may tali sila. Nakita ko yung bag at may bala pa ng M14 at Commando. Kinuha ko at nilagay ko sa waist ko.

"Tay, turuan ko lang si Vhong sa likod.." Umoo naman si tatay at hinawakan ko yung kamay ni Vhong at nag-lakad kami papunta sa likod. Pinahinto ko siya at kumuha ako ng lata at nilagay ko sa table dun at pumunta kay Vhong. Tinuruan ko siya kung paano bumaril.

"Babe, yang mga latang yan ay yung target mo. Itutok mo lang yung baril mo sa target and isipin mo lang na tatama yan. At for sure okay yan.." Sinunod niya yung instructions ko at nang barilin niya, natumba yung unang lata.

"Galing naman ng babe ko!" Sabi ko at hinug ko siya..

"First shot ko, okay ah!" Sabi niya.

"Ngayon, patumbahin mo na yung tatlong lata." Bumaril na siya at tumuba naman yung mga lata. Tinuruan ko din siya kung paano mag-reload at ikasa yung baril niya after reloading. Agad na kaming pumasok sa loob at umupo kami.

"Anak, ano plano natin?" Sabi ni tatay.

"Hindi ko pa po alam kung ano yung gagawin nila.." Biglang nag-ring yung phone ko at nakita kong unknown number. Sinagot ko naman.

~CALL~

R: Hello..

???: Magkita tayo sa special place niyo ni Vhong in 1 hour.

~END~

"Kailangan na nating umalis." Sabi ko.

"Raine, suotin natin to. This is how we communicate at each other." Sabi ni tito at sinuot naman namin yung earpiece na binigay niya.

"Kaninong kotse tayo sasakay?" Sabi ni tatay.

"Tay, magsosolo lang po ako sa kotse ko. Kay Vhong na lang po kayo sumakay. Babe, sa special place tayo pupunta. Sabihin ko na lang yung plano pag nasa kotse tayo. 1 hour ang taning niya sa akin." Sabi ko at tumayo na ako, kinuha ko yung susi ng sasakyan ko at pumunta na ako sa kotse ko.

"Raine.." Sabi ni Vhong. Napatingin ako sa kanya.

"Sure kang okay ka lang?" Sabi niya.

"Oo.. Wag ka mismong pumunta sa mismong place kung saan tayo nagpapark. Iwan mo lang yung sasakyan mo sa baba at maglakad na kayo papunta sa special place natin."

"Sige.." Sabi niya at kiniss niya ako ng mabilis sa lips at sumakay na siya sa kotse niya. Sumakay na din ako at pinaandar yung kotse.

"Vhong, mauna na kayo." Sabi ko.

Destined To Be Yours *DISCONTINUEDWhere stories live. Discover now