*Raine
"Vhong!!" Agad ko siyang hinawakan at hinawakan ko yung tama ng bala niya sa dibdib niya.
"Babe, kayanin mo to.." Sabi ko at naluluha ako.
"Kakayanin ko to.." Sabi niya at pinunasan niya yung luha ko. Kinuha ko yung baril sa jacket at tinutukan ko si Isabelle. At napansin kong baril ko ang hawak niya.
"Bitawan mo yang baril mo Raine, kundi may mawawala nanaman sayo.." Sabi ni Isabelle. Pero tumayo ako at lumapit ako sa kanya. Tinutok ko yung baril ko sa dibdib niya at ganun din ang ginawa niya.
"Diba gusto mong mag-patayan tayo dito? Bat hindi pa ngayon?!" Sabi ko.
"Raine, wag mong gagawin yan!" Sabi nila Vhong, nanay, tatay at ate Grace.
"Pagbilang ko ng tatlo. Isa--- Dalawa!" Sabi niya.
"Tatlo!" Agad kaming bumaril sa isa't-isa at parehas din kaming bumagsak sa lapag. Dun pa lang, kinakapos na ako sa hangin. Agad kong hinawakan yung dibdib ko at tumatagas lang yung dugo ko ng malakas.
"Anak!!" Sinabi ni nanay at agad niyang hinawakan yung dibdib ko. Nakita ko si tatay na akay-akay niya si Vhong. Napa-upo sila sa harap ko. Bigla kong nakita si tito Ramon.
"Tsong, clear na ba?" Sabi ko na mahina.
"Wag ka ng mag-alala Raine, clear na. Parating na din yung ambulansya." Sabi ni tito Ramon.
"Raine, sabi ko sayong wag mong gagawin yun eh.." Sabi ni Vhong at nag-sisimula na siyang umiyak.
"Tama pala yung sinasabi nilang 'too much love can kill you'" Sabi ko. Napapa-pikit lang ako ng napapa-pikit. Agad silang nagpapanic.
"Gusto ko ng magpahinga.." Sabi ko ng sobrang hina.
"Babe wag.." Sabi ni Vhong.
"Anak, laban ka lang ng laban.." Sabi ni tatay.
"Wag kang sumuko nak.." Sabi naman ni nanay.
"Bunso, kumapit ka lang.." Sabi ni ate at hanggang sa pumikit na ako ng sobra..
~After 3 months~
Nagising ako at napansin kong nasa room ako. Nakita kong may dextrose na nakakabit sa akin. May face mask akong nakita at chineck ko yung mga tama ng bala sa akin at mukhang okay na. Napansin ko yung buong room at nandun si Vice, Coleen at Anne.
"Hi Besty!" Sabi ni Vice.
"Anong nangyare?" Sabi ko ng sobrang hina.
"Na-coma ka sis, tatlong buwan ka na sa hospital." Sabi ni Anne.
"Si Vhong, kamusta na siya?" Sabi ko.
"Okay naman siya, gumaling na at bumalik na siya sa trabaho. Ngayon, may meeting lang siya, pero pabalik na din siya." Sabi ni Coleen.
"Si Isabelle?!" Sabi ko.
"Wala na. Patay na siya. Sumama nga si Vhong na makipag-libing kay Isabelle." Sabi ni Anne.
"Akala ni Vhong, ganun din hahantungin mo. Sinasabi pa nga niya na paano kung ganun ang mangyare sayo? Yung ikaw yung nasa kabaong na yun. Hindi daw niya matatanggap na mawala ka pa sa piling niya." Sabi ni Vice.
"Eh, kamusta na ako?"
"Kaya ka may face mask na yan is for your oxygen. Sobra pang hina ng baga mo, kaya nilagyan ka ng oxygen. Nagkaroon ka daw kasi ng internal bleeding sa lungs kaya nanghihina ka pa daw. Pero you're okay naman daw.." Sabi ni Vice. Biglang bumukas yung pinto at nakita namin si Vhong. Napatingin siya sa akin at agad niyang binitawan yung bag niya at lumapit sa akin at kinikiss lang niya yung forehead ko at napansin kong umiiyak siya.
"Iwan lang muna namin kayo." Sabi ni Vice at lumabas sila.
"Vhong, bat ka naiyak?" Sabi ko. Hindi ko pa masyadong natataas yung kamay ko dahil hinang-hina pa ako.
"Akala ko mawawala ka sa akin. Akala ko mangyayare din sayo yung nangyare kay Isabelle." Sabi niya.
"Hinding-hindi mangyayare yun sa akin, kasi nandito ka at hinding-hindi kita pwedeng iwan." Kiniss niya lang yung forehead ko at napapaiyak na lang ako. Hinawakan niya yung kamay ko at hinahalikan niya lang.
"Babe, mahal na mahal kita. Sobra yung takot ko na baka mawala ka pa sa akin.." Sabi niya.
"Vhong, mas mahal kita. Tignan mo, naitaya ko pa yung buhay ko para lang matapos na ito."
"Kwentuhan mo ako.." Sabi ko at napangiti lang kami at umupo siya sa tabi ko. Hawak-hawak lang niya yung kamay ko at hinahaplos-haplos.
"Si tito at tita okay naman. Yung movie niyo napannood ko na at hindi mo pala sinabi sa akin na may kissing scene kayo ni Zoren Legaspi. Nagselos ako nung premier night niyo. Kinuha akong representative ni tito bilang other half mo. Sobrang ganda nga ng movie niyo and ang galing mong umarte. At dahil dun, may tatlo kang award galing sa Gawad Urian. Si tito na ang nag-salita about sa awards mo. Tapos nalaman na namin yung kay Isabelle. Yung mommy and daddy niya masyadong confused kung bakit daw gagawin ng anak niya yun. Eh hindi ko naman masagot yun. Nailibing naman ng maayos si Isabelle at sana mahanap niya yung peace na hinahanap niya at natin para sa kanya. After kong makalabas ng hospital, pagkalipas lang ng dalawang linggo, bumalik na ako sa trabaho at inamin ko na kay direk na may relasyon na tayo. Sinabi niya na ikaw na lang ang umalis kasi kailangan ako ng show namin. Nung una, hindi ko tanggap pero yun naman ang gusto mo diba? Kaya umagree na lang ako kahit labag sa kalooban ko. Alam na din ng mga fans yung sa relationship natin and mukhang nagustuhan nila. Pero alam mo ba babe, sa dami ng napagdaanan natin, yung natutunan ko ay kung gaano mo kamahal ang tao, gagawin at gagawin mo ang lahat para maging ligtas siya kahit buhay ang nakataya. Kaya, gusto kong magpasalamat sayo, kasi nagawa mong itaya yung buhay mo para lang sa katahimikan natin at para na din matapos nag mga trahedya na hinaharap natin. I love you so much for that.."
"Nagpapasalamat din ako sa Diyos, dahil niligtas niya tayo at binigyan niya din ako ng isa pang pagkakataon. And para naman sa isan pang pagkakataon, pupunoin ko to ng puro pagmamahal sasarili, sa pamilya, kaibigan, sa kapwa at sainyo na din ng mga bata.. I love you so much.."
"Basta ang promise ko sayo, pag-alis mo ng hospital, babawi ako sayo. Ngayon, babaguhin na natin yung special place natin. Buti na lang at may alam pa akong place na katulad din nun. Presko, maganda ang view at parang nasa park ka talaga.."
"Dalhin mo na lang ako dyan kapag fully recovered na ako.."
"Oo naman. Promise ko yan sayo."
"Promise?"
"Opo. Promise." Nag-pinky promise naman kami at napangiti lang ako.
"I love you babe." Sabi niya.
"I love you more babe." Kiniss niya naman yung forehead ko at napangiti lang siya sa akin.