Date

83 1 0
                                    

*Raine

"Bunso...Bunso.." Nagising ako ng marinig ko si ate Grace. Napatingin ako sa kanya.

"Ate, bakit?" Sinabi ko habang paupo sa kama.

"Nandyan na si Vhong.."

"Ano?! Nandyan na?!"

"Oo.."

"Naku! Ate pakisabi naman, pababa na ako, nag-aayos na lang ng buhok.."

"Sige, pero bilisan mo."

"Okay." Agad na akong tumayo. At lumabas na din si ate Grace. Kumuha na ako ng color peach na shirt and then nagpalit ako ng black shorts tapos nagsuot lang ako ng footsocks and white vans shoes. Nag-lugay lang ako ng hair at sinigurado ko na maganda yung hair. Nag-apply ako ng light make-up. By means ng light for me is baby powder, konting kilay, mascara, blush-on ng konti, and then lip tint na red. Nag-lagay na din ako ng perfume. Kumuha ako ng sling bag at nilagay ko dun yung phone ko, wallet and panyo. Nagsuot na ako ng watch and one last look sa mirror and I look great. Bumaba na ako at nakita ko si Vhong na casual na casual din. White shirt na may pagka-peach yung open polo, light brown na tokong and his light brown na Sebago shoes. At meron pa siyang pa-hat at clear glasses. Mukhang pinaghandaan niya tong date na to.

"Sorry ah.." Sabi ko at kiniss niya yung cheek ko.

"Okay lang." Sabi niya.

"Nay, tay, alis na po kami." Sabi ko.

"Sige, ingat kayo ah. Enjoy." Sabi ni tatay.

"Sige po." Sabi ni Vhong at lumabas na kami. Sumakay na kami sa sasakyan niya at nagpaka-gentleman siya.

"Saan tayo pupunta?" Sabi ko.

"Sa dating gawi." Sabi niya.

"Dating gawi??"

"Oo, yung date lang sa halamanan, picnic-picnic lang tayo tapos hihiga sa picnic towel."

"Nakakamiss na yung mga ginagawa natin noon na together." Sabi ko.

"Pati ba ako namiss mo?" Napatingin ako sa kanya.

"Drive ka lang ng drive Mr. Navarro."

"Ms. Poe, sagutin mo lang at okay na ako."

"Hayy naku. Hindi pwede." Sabi ko. All through ng byahe, kinukulit niya ako kung namiss ko ba siya or hindi, pero dun pa lang sa kulitan na yun, mas lalong napagaan yung loob ko kay Vhong, bumabalik na talaga yung buong feelings ko para kay Vhong Navarro na to. Iba talaga yung vibe na nafefeel ko ngayon. Nakadating na kami sa dating place namin at nilabas niya na yung picnic towel at nilatag niya sa grassfloor at napaupo na ako dun at nilapag niya yung picnic basket sa may grass.

"I love the fresh air." Sabi ko.

"Pero I love you more Raine." Sabi ni Vhong. Agad siyang napaupo at tumabi sa akin. Kiniss niya yung forehead ko at dun pa lang, tumulo na yung luha ko. Binreak niya yung kiss at nilagay niya yung forehead niya sa akin at pinunasan niya yung luha ko at hinawakan niya yung cheeks ko. Hinawakan ko naman yung kamay niya at kiniss niya lang ako sa lips. Ako naman nag-rerespond sa kiss niya. Binreak ko yung kiss at hinug ko siya. Hinug din niya ako at dun sa hug, nafeel ko yung safety.

"Feeling ko, sobrang safe ko." Sabi ko.

"Kapag nasa akin ka, safe na safe ka talaga. Hinding-hindi kita pababayaan, kung kailangan mo lang ng security, ako na ang unang mag-aapply para maging secured ka lang."

"You're hired. Ngayon ka na magsisimula ah!" Sabi ko na nakangiti.

"Thank you ma'am. 24/7 po ako ready ma'am." Natawa naman ako sa sinabi niya.

Destined To Be Yours *DISCONTINUEDWhere stories live. Discover now