Party (2)

72 0 0
                                    

*Raine
~7:30 pm~

Nasa club na kami at nasa VIP lounge area lang kami. Sinervan na kami ng alak at meron pang kasama na chasers and shotglass. Nakita ko yung phone ko sa lamesa na nagbubuzz at nakita kong si Vhong ang natawag. Agad ko namang sinagot.

"Teka lang guys. May natawag eh." Sabi ko at umokay naman sila. Agad akong bumaba at lumabas ng club.

~CALL~

V: Hello, nasa club na ba kayo?

R: Oo, sorry di ko agad na nasagot. Nasaan ka na?

V: Papuntang premier night na. Okay ka lang ba dyan?

R: Oo naman. Anong oras ka matatapos?

V: 8 pm simula ng film then mga 9:15 tapos na kami. Eh may pa-party pa sila, hindi na ako sumama kasi nga susunduin kita.

R: Pagdating mo dito, punta ka agad sa table namin. Nasa VIP lounge area lang kami.

V: Okay. Sige mamaya na lang, mag-enjoy muna kayo dyan. Text text na lang tayo, babe.. (Nabigla naman ako sa sinabi niya.)

R: Ano?

V: Wala!

R: Meron eh..

V: Oo na. Meron na! Nakakamiss ka na kasing tawagin ng babe.

R: Luma na yan eh!

V: Eh ano?

R: Ewan, wala pa naman sa isip ko yun eh.

V: Edi babe na lang din ulit. At simula ngayon, babe na ang tawag ko sayo.

R: Bahala ka.. Hindi naman kita binabawalan eh.

V: Edi good. Sige na babe. Bye na malapit na ako sa venue namin.

R: Sige. Goodluck!

V: Thank you. Enjoy ka ah.

R: Okay po.

~END~

Pumasok na ako at nakita kong nag-iinuman na sila Vice. Umupo na ako sa tabi ni Vice at Anne.

"Tagal naman ng usapan ng boyfriend mo?" Sabi ni Vice sa akin.

"Boyfriend? Wala nga akong boyfriend eh."

"Si Vhong!" Natawa ako sa sinabi ni Vice.

"Hindi pa!" Sabi ko.

"Ayy!!" Sabi nilang lahat.

"Hindi PA.. So it means may balak kang maging kayo?!" Sabi ni Anne.

"Oo naman. Why not, pero not this time." Sabi ko.

"Bat hindi mo pa sagutin?" Sabi ni Coleen.

"Syempre, may mga doubts pa din ako na what if he stays the same way as before."

"I think, he is better than before." Sabi ni Vice.

"Sagutin mo na!" Sabi ni Anne.

"Nanliligaw na ba?" Sabi ni tsang Amy. Uminom kami ng alak at nakita kong san mig light yung iniinom namin.

"Oo, kanina lang umaga. Tapos kanina sinimulan niya na akong tawagin ng tawagin na babe." Sabi ko.

"Ayy!! Iba din to si Vhong!" Sabi ni Anne.

"Sagutin ko na ba??" Sabi ko.

"Oo naman, atsaka malinaw na din naman sainyo na may gusto na kayo sa isa't-isa." Sabi ni Karylle. Napaoo na lang ako at uminom lang ako ng san mig. After a couple of minutes, nag-sasayaw na kami sa dancefloor dahil lang sa tama ng alak. Sayaw lang kami ng sayaw hanggang sa napapunta ako sa upuan namin at nakita ko phone ko. May message at nakita ko si Vhong.

Destined To Be Yours *DISCONTINUEDWhere stories live. Discover now