*Vhong
Nakadating na kami sa kanila at pinark ko na yung sasakyan niya at bumaba na ako. Binuksan ko yung pinto ng sasakyan at lumabas na siya at nilock ko yung kotse niya. Hinug ko lang yung side niya at pumasok na kami sa loob. Pumasok na din kami sa kwarto niya at sinarado ko yung pinto. Nakita kong naka-upo lang siya sa kama at nakatulala. Lumapit ako sa kanya at nag-bend ako sa harap niya at hinawakan ko yung kamay niya.
"Babe, okay ka lang?" Sabi ko sa kanya.
"Hindi ko alam eh.." Sabi ko sa kanya.
"Sige babe. Mag-ayos ka na muna at matulog na tayo.." Napaoo na lang siya at tumayo siya. Pumunta siya sa cabinet niya at kumuha ng damit at pumunta na siya sa banyo para magbihis. Ako naman nag-palit na ng damit. Lumabas muna ako at kukuhanan ko na ng tubig si Raine para makakalma siya. Nakita ko sila tito at tita na nasa dining table. Nakita ako nila tita.
"Vhong, nandyan na pala kayo?" Sabi ni tita.
"Opo." Sabi ko.
"Ano pa ginagawa mo? Matulog ka na." Sabi ni tita.
"Dadalhan ko lang po si Raine ng tubig." Agad naman silang nagtaka.
"Bakit? Anong nangyare sa anak ko?!" Sabi ni tita.
"Kasi po kanina, habang nagsasaya po sila sa club kanina, may nagtangkang manggahasa sa kanya. Dinala pa nga po siya sa kwarto pero buti na lang po sakto yung pagkadating ko dun at nasa kulungan na po yung lalaki."
"Bakit nangyare yun?!" Sabi ni tito.
"Hindi ko din po alam, kahit ako din po, nagsisisi."
"Hindi mo naman kasalanan, pero salamat dahil nandun ka at niligtas mo si Raine." Sabi ni tito. Kumuha na ako ng tubig at napatingin ako sa kanila.
"Gising pa kaya si Raine?" Sabi ni tita.
"Opo." Sabi ko at agad na kaming umakyat at pumasok na kami sa kwarto at nakita kong nasa kama siya at nakaupo at hawak niya yung paa niya at nakatingin lang siya sa bintana.
"Babe.." Sabi ko at napatingin siya sa direction ko at nakita niya sila tito at tita na papunta sa kanya. Hinug ni Raine si tito at hinug ni nanay silang dalawa. Sinarado ko na yung pinto at nilagay ko sa table niya yung tubig niya at napaupo lang ako sa chair.
"Nak, nalaman namin yung nangyare sayo. Okay ka lang ba?" Sabi ni tito at napaoo lang si Raine.
"Sinaktan ka ba nung lalaking yun?!?" Sabi ni tito na medyo galit.
"Sweetheart, dahan-dahan lang sa tono ng boses." Sabi ni tita.
"Bakit?! Pinagsamantalahan niya yung anak ko!" Sabi ni tito. Naiintindihan ko si tito, kasi anak niya yung nasaktan. Ganyan din naman ako kay Raine at sa magiging anak ko eh.
"Nasa kulungan na yung lalaki, atsaka nandun si Vhong at nailigtas niya ang anak natin." Sabi ni tita.
"Oo, pero paano kung wala si Vhong dun?! Ano na ang mangyayare sa anak ko?!" Sabi ni tito.
"Sweetheart, hayaan na muna natin sila na magpahinga. They had a long day sweetheart, tara tulog na din tayo." Sabi ni tita. Umoo na lang si tito at kiniss niya si Raine sa left cheek niya at ganun din si tita. Umalis na sila at iniwan na kami. Tumabi na ako kay Raine at binigay sa kanya yung tubig niya. Uminom siya ng konti at nilagay niya yung tubig sa table.
"Galit na galit si tatay sa nangyare sa akin." Sabi niya.
"Babe, ganyan talaga kapag tatay kasi ayaw na ayaw namin na nasasaktan ka."
"I'm sorry.." Sabi niya at umiyak siya. Hinug ko siya at pinapatahan ko lang siya.
"I love you Raine, ayokong may nangyayare sayo na katulad nung nangyare sayo kanina. Gagawin ko lahat basta maligtas ka."
