Recovery

52 0 0
                                    

*Raine

Nagising na ako at napansin kong walang tao sa room. Hanggang sa may pumasok sa room at nakita ko si Vhong. Nakita niya ako at agad siyang lumapit sa akin.

"Babe, buti gising ka na?" Sabi niya.

"Buti nga eh.."

"Kamusta na pakiramdam mo?" 

"Medyo okay na.. Kamusta yung surgery?"

"Naging good and bad news yung dumating sa amin noon. Ang good news, okay na yung surgery mo, kaso nagkaroon ka naman ng problema. Nung araw na yun, tinatry ibalik ng mga doctors and nurses yung heartbeat mo. Nabalik din nila after 5 minutes after ng surgery mo--"

"Bat tumagal ng ganun?"

"Kasi sinabihan ko yung mga doktor at mga nurses na ituloy lang nila ng ituloy, ayokong mawala ka pa sa akin. After naman nilang ibalik, kailangan nilang maipasok ka ng ICU kasi yung heart mo, masyadong mabagal yung tibok, yug heart mo yung kinakatakutan nila kaya gusto nilang mabantayan yung kalagayan mo. Babe, 2 weeks ka ng hindi nagigising. Kaya laki ang pasasalamat ko dahil gising ka na. I love you.." Sabi niya at kiniss niya agad ako sa lips. 

"2 weeks?"

"Oo babe.." Biglang nag-ring yung phone ni Vhong at agad niyang sinagot..

~CALL~

V: Hello tito.

Tatay: Vhong nak, kamusta si Raine?

V: Okay na tay. Gising na siya..

T: Talaga?! Sige, papunta na kami ng tita mo..

V: Sige po. Ingat po kayo..

~END~

"Mukhang excited silang makita ako ah.." Sabi ko.

"Alam mo bang, na-depressed si tita kasi nakikita ka niya lagi sa ICU na nagiging mahina, tapos lumalakas ka. Para ngang nasa roller coaster ride yung kalakasan mo nun, lumalakas, humihina.."

"Atleast I'm better now.." Sabi ko sa kanya.

~After 1 month~

Nakalabas na ako sa hospital and I'm better now. Nasa taping ako kasama ko si tatay at ibang mga kasamahan ni tatay sa pelikula. Kanina pa kami rolling sa film.

"Tay, si Jerome, nandito po." Sabi ko at yung Jerome ay si Zoren. Manliligaw ko si Zoren sa pelikula.

"Bat nandito yan?" Hindi approbado ni tatay si Jerome na maging boyfriend ko.

"Tay, baka marinig niya."

"Ano ba ginagawa niyan dito?" 

"Niyayaya niya po akong lumabas.."

"Pumayag ka naman ba?"

"Opo.."

"Bahala ka, basta uuwi ka dito ng alas-otso ng gabi." 

"Tay, ang bilis naman po?"

"Aalis ka ba? Baka magbago pa isip ko."

"Sige na tay.. Thank you ah.." Sabi ko at hinug ko si tatay. Umalis na ako at nag-cut na si direk. 

"That's good Raine. Buti na lang at namana mo yung galing sa arte ng mga magulang mo." Sabi ni direk sa akin.

"Direk, sa kanila lang naman ako pwedeng mag-mana, kasi magulang ko sila at sa kanila ako galing.." Agad kaming nagtawanan nila direk at ni tatay.

"Nak, mauna ka na at malalate ka lang sa show mo." Sabi ni tatay.

"Sige tay.. Bye!" Sabi ko at kiniss ko yung cheek ni tatay.

Destined To Be Yours *DISCONTINUEDWhere stories live. Discover now