*Raine
Nasa bahay na ako at ka-call ko lang si Vhong.
~CALL~
R: Nasan ka na?
V: Sa condo na..
R: Buti nandyan ka na..
V: Babe, kamusta shooting niyo kanina?
R: Okay naman. Natapos na namin eh..
V: Ano yung ending?
R: Secret! Bawal pa daw sabihin.. Antayin na lang natin yung trailer.
V: Kailan ipapalabas yung trailer?
R: Baka next week..
V: Kailan ang showing ng movie?
R: Sa March 1 na.
V: Malapit na pala..
R: Oo nga..
V: Nandito na ako sa room.
R: Nandyan ba yung mga bata?
V: Oo, naglalaro sila ng xbox nila. (Narinig ko na lang sa background na nag-uusap-usap ang mag-ama.)
Y: Dad, si tita Raine?
V: Kausapin mo..
Y: Hello tita..
R: Hi Yce, kamusta kayo ng kuya mo?
Y: Okay lang po, kayo po?
R: Okay lang din.. Pakausap nga sa daddy mo..
Y: Okay po. Dad, kausapin ka daw po ni tita.
V: Hello babe?
R: Mukhang ayaw na ibigay ni Yce yung phone ah..
V: Buti nga sinabi mo na kakausapin mo ako. (Bigla akong napahikab sa antok.)
V: Sige na babe, magpahinga ka na.
R: Sige babe. Good night!
V: Good night, I love you po..
R: I love you too.. Bye..
V: Bye po..
~END~
Napa-ayos lang ako ng konti at natulog na.
~After 1 week~
Nasa studio na ako at hindi naman na ako sinundo ni Vhong. Malalate lang daw siya ng konti kaya nagpahatid na ako dito kay kuya Joma. Nakadating na ako ng dressing room. Inayusan na ako ng konti. Outfit of the day ko ay: shorts, sneakers, croptop na white. Nagtali din ako ng leather jacket sa bewang. Naka-ponytail lang naman ako. After nila akong ayusan, pumunta na ako ng lounge area. Pagdating ko dun, nakita ko si Karylle at Anne.
"Hey guys!" Sabi ko sa kanila.
"Hey!" SAbi ni Anne.
"Hi! Bat hidi mo kasama si Vhong?"Sabi ni Karylle.
"Malalate daw siya kaya ako na lang yung pumunta dito.."
"Happy Monthsary!!" Sabi ng girls.
"Thank you!" Sabi ko.
"Binati ka na ba ni Vhong?" Sabi ni Anne.
"Oo.."
"Saan ang labas niyo?" Sabi ni Anne.
"Wala yata.." Sabi ko.
"May sinabi ba siyang yayain kita sa labas ganun?" Sabi ni Anne. Napa-shake na lang ako ng head.
