*Raine
Nakausap ko na si nanay at pumayag naman siya. Para naman magin ligtas kaming dalawa ni Vhong.
"Raine, kailangan niyo ng umalis ni Vhong." Sabi sa akin nila Jhong.
"Raine.." Sabi ni ninong. Napatingin naman kami sa kaya.
"Mag-iingat kayo ah.." Sabi ni ninong.
"Opo." Sabi ko naman at agad naman niya akong hinug. Binuksan namin yung pinto at ng makita ni Vhong na wala ng tao sa hallway, lumabas na kaming apat nila Vhong, Vice at Jhong. Tumakbo na kami papuntang parking. Biglang--
"Saan kayo pupunta??" Narinig ko yung boses ni Isabelle at napahinto kami at napatingin sa kanya.
"Belle, tigilan mo na to.." Sabi ni Vhong habang palapit ng palapit kay Isabelle. Bigla niyang tinutok yung baril niya kay Vhong at napasigaw na lang kami ni Vice.
"Mahal please, just move away. Ayokong masaktan ka sa gagawin ko.." Sabi ni Isabelle kay Vhong.
"Vhong.." Sabi ko at napatingin naman siya sa akin.
"Just listen to her. Umalis ka na dyan at hindi ikaw ang kailangan niya sa gagawin niya." Sabi ko naman.
"Please just listen to me, Mahal!" Sabi ni Isabelle at malis sa view ni Isabelle si Vhong. Bigla niyang binaril at tinamaan naman ako sa balikat na malapit sa dibdib ko. Napaluhod ako at hinwakan ko yung tama ng baril sa akin.
"BABE!!" Sabi ni Vhong sa akin. Hinawakan ako nila Vice at Jhong.
"Mahal please, kung ayaw mong masaktan pa si Raine, wag kang gagalaw sa pwesto mo." Sabi ni Isabelle at napatingin ako kay Vhong at tumingin siya sa akin. Tumayo naman ako at tinulungan ako nila Vice at Jhong.
"Go.." Sabi ko kay Vhong. Humarap naman siya kay Isabelle at pakonti-konti akong lumapit kay Vhong.
"Babe, wag kang gagalaw." Sabi ko sa kanya.
"Vhong, mahal.." Sabi ni Isabelle at lumapit siya kay Vhong.
"Vhong, alis na..." Sabi ko at napatalikod siya ng alis at ng makita ko si Isabelle, agad ko siyang na-flying kick. Napalipad naman siya ng konti at nakita namin na wala na sa kamay niya yung baril. Lumapit ako sa baril at ganun din si Isabelle. Bigla niyang tinitok sa akin at pinipigilan ko yung sakit ng tama ng baril para naman mailigtas ko yung sarili ko. Sinipa ko siya at napalayo siya sa akin. Agad kong kinalas yung parts ng baril niya. Yung mga bala naman ay tinapon ko sa basurahan. Pagkatapon ko, napahiga lang ako sa lapag dahil sa sobrang sakit ng tama ng bala sa akin. Biglang inupuan ako ni Isabelle at sinasapak niya ako. Hanggang sa kinuha ni Vhong si Isabelle at imawat niya kami. Hawak-hawak ni ninong Bobet at ibang prod staff sa show. Habang tinayo ako ni Vhong at hawak lang ako nila ninong Bobet, Vice, Jhong and Vhong.
"Isabelle, umalis ka na lang.." Sabi ni ninong Bobet kay Isabelle.
"Hindi pa tayo tapos Raine!" Sabi ni Isabelle at agad siyang umalis. Pagkaalis niya, hinawakan ni Vhong yung arm na may tama ng bala.
"Babe.. Hawakan mo to.." Binigay niya yung panyo at nilagay niya sa tama ng bala. Habang hawak ko, biglang napapa-pikit yung mata ko. Nilagay ko yung head ko sa chest ni Vhong at biglang nawalan ng malay.
*Vhong
"Raine?!" Bigla kong sinalo si Raine.
"Tumawag kayo ng ambulansya." Sabi ko ng kalmado.
"Babe, please stay.." Sabi ko sa kanya at hawak ko lang yung tama ng bala niya at dinidiinan ko ng konti para hindi siya mawalan ng dugo.
"Kuys, papunta na yung ambulansya." Sabi ni kuys Jhong.
"Sa labas na tayo mag-antay. Vice, padiinan naman ng konti yung tama ng bala ni Raine para hindi siya mawalan ng dugo." Sabi ko at hawak naman ni Vice yung panyo at binuhat ko na si Raine. Papunta na kami sa labas at aantayin yung ambulansya. Bigla akong nakakita ng upuan at umupo ako at pero buhat-buhat ko pa din si Raine.
"Besty!" Sabi ni Vice. Chineck ko yung pulso ni Raine at tumitibok pa din naman.
"Buhay siya, kaya nga lang nawalan ng malay." Sabi ko.
"Buti naman.." Sabi ni Jhong. Nakarinig kami ng siren ng ambulansya at tumayo na agad ako. Pagdating ng ambulansya, binaba nila yung stretcher at sinakay ko dun si Raine. Nilagyan na siya ng tali at sinakay na sa ambulansya.
"Kuys Jhong, ito yung susi ng kotse ni Raine, pakihatid naman na sa kanila at pakikuha na yung gamit namin ni Raine. Pakisabi na lang din kayla tita yung nangyare kay Raine. Text na lang kita kung anong hospital kami pupunta." Sabi ko.
"Sige, ako na bahala kuys."
"Salamat kuys. Alis na kami." Sabi ko at sumakay na ako sa ambulansya at hawak-hawak ko lang yung kamay ni Raine habang yung nurse, inaasikaso si Raine.
'Raine, kaya mo to.. May tiwala ako sayo, hindi mo ako bibiguin. Mahal na mahal mo ako diba? Ayaw nating mawawala ang isa't-isa aa piling natin. Lord, please tulungan niyong makarecover si Raine. Sana matanggal na yung bala at sana maparusahan na si Isabelle at sa mga gumawa nito kay Raine. Hindi ako papayag na may mangyare sa kanyang masama, gusto ko po bumalik kami sa normal na walang away at gulo.' Sinabi ko sa sarili ko. Biglang tumulo yung luha ko at agad kong pinunansan. Nakadating na din kami sa hospital at napansin kong nasa St. Luke's Hospital kami. Hinatid ko muna si Raine sa Operating Room at napa-upo lang ako sa waiting area. Nilabas ko yung phone ko at tinext ko si kuys Jhong kung nasaang hospital kami. After kong itext si kuys Jhong, tinawagan ko naman si tito.
~CALL~
T: Hello Vhong, nakadating na ba dyan si Raine?
V: Tito, nasa hospital po kami. Tinamaan po ng bala ni Isabelle si Raine, nasa St. Luke's po kami. Sa operating room na po si Raine.
T: Ano?! Teka, papunta na ako dyan..
V: Sige po.
T: Nasabi mo na ba sa nanay ni Raine?
V: Hindi pa po.
T: Ako na lang ang mag-sabi kay Susan. Sige, bye.
V: Sige po.
~END~
Agad ko namang tinext yung mga anak ko.
~TEXT~
V: Yce, Bruno, kailangan ko kaya dito. Nasa St. Luke's ako. Nasa operating room ang tita Raine niyo. Nabaril siya, kailangan ko kayo ngayon din.
Y: Hala?! Papunta na po ako dyan.
B: Sige dad. Papunta na din ako. Relax lang po kayo.
V: Salamat mga anak.
~END~
Sana naman successful yung operation ni Raine. Sana hindi malubha yung kalagayan niya. Sana okay lang siya.
