Whole Day

43 0 0
                                    

*Raine

Nasa taping na ako at sobrang busy na namin. Feeling na, I get to spend time with Vhong a little while na lang. Bumalik na kasi siya sa condo niya, kasama niya yung mga anak niya. Ngayon, hindi kami klaro ni Vhong kasi malapit na yung first monthsary namin and gusto niyang hindi muna ako pumasok sa taping namin para lang to spend time with him. Eh, hindi naman ako pumayag kasi busying-busy na kami. Nasa climax part na kami sa movie. Nasa lumang bodega kami nag-sho-shooting and nasa isang room ako na kunyareng kinidnapped. Ang action part dito, si tatay at si Zoren ay mag-tutulong-tulong iligtas ako. Ang galing noh?! Isang action star at action king ang magliligtas sa akin. Nasa scene na kami na palabas na kami at kakaligtas lang sa akin nila tatay at Zoren. Ito na yung linya namin.

"Tay at Jerome, salamat dahil niligtas niyo ako sa mga masasamang tao na yan. Akala ko hindi niyo na ako maililigtas sa kanila.." Sabi ko habang hinuhug ko si tatay.

"Ana, anak. Ayokong nalalagay ka sa panganib dahil ikaw na lang ang natitira sa buhay ko. Atsaka, Jerome, salamat dahil tinulungan mo ako sa laban at tinulungan mo din ang anak ko. Maraming salamat." Sabi ni tatay at nag-shake hands si Zoren at si tatay.

"Walang anuman po yun." Sabi ni Zoren.

"Ana.." Sabi ni Zoren.

"Ano yun Jerome?" Biglang lumuhod si Zoren at hinawakan niya ako. Si tatay naman parang nag-co-comedy. Tinuturo niya lang ng tinuturo kami ni Zoren.

"Pwede mo ba akong pakasalan?" Sabi ni Zoren.

"Oo naman.." Sabi ko at tumayo si Zoren at hinug niya ako. Binreak ko yung hug at napatingin kami kay tatay.

"Tay.." Sabi ni Zoren nag-o-offer ng shake hand si Zoren.

"Anak? Seryoso?!" Sabi ni tatay sa akin.

"Opo tay. Atsaka matagal na din po kami ni Jerome na nag-sasama.."

"Sige na nga.. " Nakipag-shake hands na si tatay kay Zoren.

"Dapat magaganda at gwapo ang mga apo ko ah.." Sabi ni tatay.

"Tatay naman!" Sabi ko.

"Sige po." Sabi ni Zoren.

"Isa pa to!" Sabi ko.

"CUT!!" Sabi ni direk at napangiti naman kami.

"Last one for tomorrow. Raine make sure na hindi magalit si Vhong.." Sabi ni direk. Hindi pa namin ina-announce ni Vhong yung tungkol sa amin in public. Kami lang, family namin ni Vhong and Showtime hosts lang ang nakakaalam tungkol sa relationship namin ni Vhong. Sa mata ni ninong Bobet at sa mga fans na acting lang and may care lang kami sa isa't-isa.

"Wala naman po yun.. Atsaka trabaho ko po to.." Sabi ko ng hindi nakangiti.

"Okay.. See you tomorrow. Packed na kayo guys!" Pumunta na ako sa dressing tent namin at napa-upo lang ako at kinuha ko yung phone ko at nakita kong wala pang calls and text si Vhong. Hinayaan ko na lang at napa-pikit lang ako ng mata ko at hawak-hawak ko lang yung ulo ko.

"Nak?" Sabi ni tatay. Napatingin ako sa kanya at nasa tabi ko na siya, nakaupo.

"Nak, may problema ba?"

"Tay, ito kasi si Vhong. Sinabi ko lang na hindi ako pumayag sa date namin for our first monthsary, nagtampo agad, hindi lang tampo, nagalit pa!" Sabi ko.

"Normal yan nak, kasi una pa lang. May mas mabigat pa na problema kayong haharapin sa future." 

"Opo tay, kaso hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan niyang magmaktol na parang bata.."

"Anak, naglalambing lang yan si Vhong. Give him time.." Sabi ni tatay.

"Of course.." Sabi ko.

"Tara na anak, hinihintay na tayo ng nanay mo.." Agad na akming umalis at nag-paalam na. Sumakay na kami sa van at umuwi na. Pagdating namin sa bahay, agad akong pumasok ng kwarto, nag-ayos at nag-pahinga.

~Kinabukasan~

Agad na akong nagising ng 6 am para mag-prepare for the last scene ng movie. Naligo na ako at nag-bihis. Pumunta na ako sa dining at kumain ng breakfast. May nakasulat na note dun. Kinuha k at binasa ko.

" Anak, nauna na ako sa set, si Joma na ang maghahatid sayo papuntang set.. Love you ~Tatay" Agad na akong kumain. Nag-tooth brush na din ako at nakit ko na yung van. Sumakay na ako at pumunta sa set. Pagkadating na pagkadating ko pa lang, nakita kong sobrang busy sa simbahan para sa last scene. Pumunta na akong dressing room at minake-up-an na ako. Then, sinuotan na ako ng dress. Habang nag-aayos sila sa buhok ko, nag-babasa lang ako ng script para naman matandaan ko lahat ng linya ko. 

"Raine, are you ready?" Sabi ni direk habang papasok sa tent namin.

"Direk, malapit na yung sa hair niya.."Sabi ng hairstylists ko.

"Raine, you look gorgeous, parang ikakasal ka na talaga.."

"Direk, parang lang.. But, thanks for those compliments."

"No, problem iha.." Lumabas na si direk at after 10 mins, natapos na din yung sa buhok ko. Sinuotan na ako ng heels at lumabas na ako. Pagkalabas na pagkalabas ko, sumalubong si tatay at direk.

"Gorgeous princess.." Sabi ni direk sa akin at napangiti lang ako. Sinuot na ng mga stylists ko yung veil at binigay na nila yung bulaklak ko. 

"Start na tayo.." Sabi ni direk at pumwesto na kami sa labas ng pinto ng simbahan.

"ACTION!!" Sabi ni direk.

~After 1 hour~ 

Natapos na namin yung scene at natapos na din kami sa picture taking namin. Nag-palit na ako sa regular na clothes. Nakapag-ayos na ako at lumabas na. Pumunta na ako sa van at nagpahatid na sa studio. Alam din ni ninong na nandito na ako ng sine mo to. Pumunta na ako ng back stage at kinuha ko na yung mic ko. Just then, umentrance na ako dahil ayun na yung cue ko. Binasa ko naman na yung linya ko.

"Ano yung narinig ko na hahalikan ang love ko?" Sabi ko. Mag-jowa kami ni Vhong sa scene na yun at may kunyareng isang madlang admirer si Vhong.

"My loves, buti dumating ka.." Sabi ni Vhong.

"Darating ako my loves, for you.." Biglang nagsitilian yung mga fans at nag-cue ng music si Dj MOD ng 'No One Else Comes Close'.

"Biglang hinawakan ni Edgar(Vhong) ang kamay ni Renya(Raine) at hahalikan niya ito.." Sabi ni Billy. Ginawa naman ni Vhong at napatingin siya sa akin ng sincere na look. Binaba namin yung mic namin ni Vhong.

"Sorry sa inasal ko ah.." Sabi ni Vhong.

"Sorry din." Napangiti kami.

"Hahawakan naman ni Edgar ang pisngi ni Renya at pakonti-konti naman sila lalapit sa isa't-isa." Sabi ni Billy at mas lalong kinikilig yung mga fans namin. Hanggang sa malapit na yung lips namin ni Vhong ng biglang hinito ni Billy.

"Teka!" Sabi ni Billy.

"Kuys! Bat tinigil mo!?" Sabi ni Vhong. Saktong-sakto yung buong ulo ng mic sa inch kung gaano kalapit yung lips na namin.

"Kuys, gusto mo ba?!" Sabi ni Billy kay Vhong.

"Ano yan?!" Sabi ko.

"Tanongin natin yung mga fans namin ni Raine, gusto niyo bang magkiss si Raine at si Vhong?!" Sabi ni Billy at mas lalong tumaas yung tilian.

"Kuys, mukhang okay ah.." Sabi ni Billy.

"Sige na kuys!" Sabi naman ni Vhong.

"Tuloy niyo na yan!" Sabi ni Billy.

"Kiss!! Kiss!!" Sabi ng ibang hosts sa amin. Tinanggal na ni Vhong yung mis sa gitna namin at pakonti-konti lang siya gumalaw. Hanggang sa pineck niya yung lips niya sa akin at binreak niya agad at napansing nagtatatalon siya pati na din yung ibang hosts at yung ibang fans namin. Napa-hug ako kay Vice sa sobrang kilig. 

"Kinikilig si Raine ohh!!" Sabi ni Vice. After naman tumalon ni Vhong sa saya, lumapit siya at hinug niya ako. Hinug ko din siya at napapangiti lang kami.

"At dyan nagtatapos ang istorya natin!" Sabi ni Billy na kinikilig din..

Destined To Be Yours *DISCONTINUEDWhere stories live. Discover now