Are you okay?

47 1 0
                                    

*Raine

Nasa upuan lang ako at nakatingin lang sa bintana. May kumatok at narinig ko na lang na bumukas at nagsara yung pinto. Biglang nilapag ni nanay yung pagkain ko sa table na nakalagay sa tray. Umupo siya sa tapat ko.

"Nak, kumain ka na. Hindi ka pa nakain. Niluto ko yung paborito mo, sinigang na baboy na maraming gulay. Diba yun yung gusto mo?"

"Hindi pa po ako gutom.."

"Sige na nak. Kumain ka na.. Sobra na yung pag-aalala ko sayo."

"Nay, wag na kayong mag-alala."

"Hindi naman maiiwasan yun nak eh."

"Nak, tumawag si Vhong sa akin. Bakit hindi mo daw sinasagot yung tawag niya? Masyado na siyang nag-aalala."

"Ayoko na pong sumagot ng tawag.."

"Nak, boyfriend mo naman yung natawag eh.."

"Alam niyo na po?"

"Oo nak. Nak, kumain ka naman na, sabihin ko na lang kay Vhong na ayaw mo lang sumagot ng mga tawag." Wala na akong sinabi at tumingin lang ulit ako sa bintana. Naramdaman ko na lang na kiniss ni nanay yung head ko. Pagka-alis niya, agad akong pumunta ng banyo at naligo. Pagkaligo ko, nakakita ako ng blade sa may salamin. Kinuha ko yun at para bang iniisip ko kung ano yung gagawin ko. Agad kong nilagay sa wrist ko at nag-laslas ako. Medyo masakit kapag hindi ka na sanay na mag-laslas. Naka-limang laslas ako at namumula lang yung mga hiwa. Lumabas na ako ng banyo at nakita ko pa din yung pagkain na nasa table. Pinabayaan ko lang yun at humiga ako sa kama.

~After 3 hours~

Nagising ako at nakita kong 4 pm na. Umupo ako at nakita kong wala na yung mga pagkain sa table ko. Napaupo ako at biglang bumukas yung pinto. Nakita ko si Vhong, nilapag niya yung car keys at yung bag niya sa table at kiniss niya yung head ko. Tumabi siya sa akin at hinug niya ako.

"Babe, sabi ni nanay hindi ka pa daw kumain simula kaninang umaga." Sabi ni Vhong.

"Wala akong ganang kumain." Sabi ko.

"Babe, magkakasakit ka niyan."

"Basta ayokong kumain."

"Mamayang dinner, kakain ka kasama ako. Hindi pwedeng hindi.." Tumayo ako at pumunta sa banyo, napatayo lang ako sa sink na may salamin. Lumapit si Vhong at humarap lang siya sa akin.

"May problema ba?" Sabi niya.

"Wala.." Sabi ko. Napatingin lang siya sa akin at bigla niyang hinawakan yung kamay ko.

"Ano to?! Bat may mga hiwa ka sa kamay mo?!" Sabi niya pero inalis ko yung kamay ko sa kanya.

"Wala yan.."

"Raine, hindi pwedeng wala lang.. Sabihin mo sa akin na nag-laslas ka.."

"Wala nga.."

"Raine?!" Bigla siyang nagalit. Ngayon ko lang ulit siyang nakitang nagalit sa akin. Lumabas ako sa banyo at bigla niyang hinawakan yung arm ko at hinarap niya ako sa kanya.

"Bakit mo ginawa yun?!" Sabi niya sa akin at dun napaiyak ako.

"Hindi ko na kaya tong depression ko! Yung akala ko okay na, yun pala hindi, kasi ang hina-hina ko. Iniisip ko na lang na sana mawakasan na yung pagdudusa ko. Gusto ko ng matapos to! Vhong, I wanted to commit suicide for it to be done!"

"Hindi, hindi mo gagawin yan.. Tutulungan ka naman namin makarecover sa ganitong sitwasyon."

"How?? Paano mo ako matutulungan?"

Destined To Be Yours *DISCONTINUEDWhere stories live. Discover now