*Raine
Nasa Press Conference na kami at ngayon pa lang mag-sisimula. Nagpakilala na si tatay at yung role niya sa movie. Now, it's my turn.
"Hi everyone. Ang name ko dito ay si Ana Dante. Tatay ko dito si Carding Dante. Si Ana ay mapag-mahal, maalaga at laging sumusuporta sa tatay niya kaso nagka-problema sila ng tatay niya kasi nalaman ni Ana na may dinedate si tatay Carding niya na babae. Kaya sa sobrang tampo sa tatay niya, lumayas siya sa kanila hanggang sa nag-simula din yung pinaka-problema ng pelikula. Meron din siyang manliligaw na si Jerome De Guzman, pero itinago nila yung relasyon nila sa tatay niya." Sabi ko. Nagpakilala na kaming lahat at nagsisimula ng magtanong ang mga press.
"Kay Ms. Raine yung tanong ko. Miss Raine, meron bang kissing scene na makikita sa buong film?" Sabi ng press.
"Oo. Both party, by which mean abangan niyo yung mga kissing scene na siguradong-sigurado na kikiligin kayo.." Sabi ko.
"Edi may kissing scene po kayo ni Zoren sa movie?"
"Meron po." Sabi ni Zoren.
"Eh, alam na ba ni Vhong na may kissing scene kayo ni Zoren, miss Raine?"
"Hindi niya alam yung mga scenes ng movie and sobrang excited na siyang mapanood yun and I'm sure na support lang siya sa mga project na to and soon-to-be projects."
"Wala pa ba kayong label ni Vhong?" Agad kaming nakarinig ng hiyawan sa mga press at sa mga co-stars ko.
"Wow ah! The only priority naman namin is to make the people and the fans happy and make them feel the love."
"You two make us feel the love of VhongRaine in reality? Real be yung mga kaganapan recently and the monthsary niyo kahapon ng VhongRaine?" Sabi ng press.
"Yung monthsary is for the fans talaga yun amd humuhugot lang naman kami ng inspiration sa mga fans and syempre sa mga co-hosts for their support." Hanggang sa natapos na yung prescon. Nag-picture taking kaming lahat at binigyan nila ako ng isang bouquet of flowers. Nakita ko yung manager ko, agad akong lumapit sa kanya.
"Direk!"
"Raine, may interview ka bukas sa Tonight's with Boy Abunda."
"Sige.. Ano oras?"
"Kailangan after ng Showtime nandun ka na.."
"Sige direk!"
"Sige, alis na ako. See you tomorrow!"
"See yah!" Pumunta na ako kay tatay at lumabas na kami sa room. Nakita ko si Vhong sa may labas ng room. Agad akong umiwas ng tingin bago niya ako makita. Kunyare hindi ko siya nakita.
"Nak, may problema ba?" Sabi ni tatay.
"Wala naman tay.."
"Raine!" Narinig ko yung boses ni Vhong at agad akong napatalikod at nakita ko siya. Lumapit siya sa amin ni tatay.
"Tito, pwede bang ako na muna ang maghatid kay Raine?" Sabi ni Vhong.
"Sige. Hindi ka na ba nak sasama sa after party?" Sabi ni tatay sa akin.
"Hindi na tay.." Agad namang umoo si tatay at umalis na siya. Lumabas na kami ni Vhong at pumunta kami sa sasakyan niya. Hindi siya nag-drive at parang may problema siya.
"Vhong--"
"Raine, may problema ba tayo?"
"Ano ba yang pinagsasasabi mo?"
"Seryoso ako, may problema ba tayo?"
"Wala!"
"Hindi ako naniniwala sayo.."
"Edi wag, hindi naman kita sinisisi.."
"May tiwala ka ba sa akin?" Bigla akong natahimik at ganun din siya. Pero ramdam ko na nakatingin siya sa akin. Napatingin ako sa kanya at para na akong iiyak.
"Hindi ko alam, mahirap ibalik yung tiwala Vhong.."
"Then, bakit mo ako binalikan?"
"Kasi, mahal kita!"
"Mahal mo nga ako pero wala ka namang tiwala sa akin.." Natahimik na lang ako.
"May problema ba tayo? Gusto ko kasing mapagusapan na natin ngayon to.." Sabi niya.
"Tungkol ba saan Vhong?!" Sabi ko.
"Tungkol sa atin!"
"Nagiiba na talaga yung pananaw ko sayo Vhong."
"Bakit?" Huminahon na ako at para naman masabi ko na sa kanya yung nararamdaman ko.
"Kasi bigla na lang may bumagabag sa akin na sobrang sama. Tapos bigla na lang pumasok sa utak ko na what if iwanan mo ulit ako? What if you're cheating on me? What if---"
"Raine, mahal kita.. Mahal na mahal, kahit anong mangyare.." Hinug ko siya at napaiyak lang ako..
"I'm sorry pinagdudahan kita.."
"Babe, wag ka ng umiyak please.." Sabi ni Vhong at pinunasan niya yung luha ko. Kinissan niya yung lips ko. Binreak ko yung kiss namin.
"Babe.." Sabi ko.
"Bakit babe?"
"Iiwan mo ba ako?"
"Hindi kita iiwan, pangako.." Agad niya namang sinabi at hinug ko siya.
"Talaga?"
"Oo naman." Biglang kaming ngumiti sa isa't-isa. Hanggang sa naring yung phone ni Vhong at sinagot niya. Napaupo ako ng maayos at nakatingin lang sa windows at napatingin kay Vhong habang magkahawak kami ng kamay.
"Hello?! Sino ka ba?!"
"Tumigil ka na!" Bigla niyang binaba yung tawag.
"Babe, sino yun?" Sabi ko.
"May nagbabanta nanaman.."
"Ano sabi niya?"
"Paparating na daw ang sakuna.." Sabi ni Vhong.
"Babe, si tatay, baka kung mapano siya.." Sabi ko.
"Puntahan ko lang si tatay.." Sabi ko. Pababa na sana ako ng kotse niya ng biglang tinigilan niya ako. Hawak-hawak niya yung arm ko.
"Babe, please tawagan mo na lang si tito.."
"Babe, kailangan umalis dyan ni tatay. Tayo, kailangan na nating umalis na kasama si tatay." Hindi niya na ako pinigilan at agad na akong bumaba ng kotse niya at tumakbo papunta sa after party nila tatay. Napahinto lang ako at nag-aantay ng elevator ng biglang nakita ko si Vhong papasok ng door papunta sa akin.
"Ano ginagawa mo dito?" Sabi ko.
"Hindi ko hahayaan na ikaw lang ang pumunta ng mag-isa lang. Kailangan mo ako."
"Hayy, thank God kumalas ka din!" Sabi ko sa kanya at napatawa pa siya. Bumukas na yung door ng elevator at pumasok na kami at pinress ko yung level ng floor hanggang sa nakadating na kami dun. Agad kaming pumunta sa venue at pumasok. Agad naming hinanap si tatay at nakita ko na siya na nakatayo sa table. Lumapit kami ni Vhong kay tatay.
"Anak, akala ko umalis na kayo?"
"Tay, kailangan na nating umalis. Nanganganib na yung buhay natin, magbabanta nanaman si Isabelle. Kailangan kasama ka namin ni Vhong. Hindi ako kampante kapag hindi ka namin kasama." Sabi ko.
"Sige, tara na." Iniwanan niya na yung inumin niya at tumakbo na kami papauntang parking. Habang nasa elevator na kami, tinawagan ni tatay si Joma para umuwi na at sa amin sasabay si tatay. Nakadating na kami ng parking at pumunta na sa sasakyan ni Vhong. Si tatay umupo sa likod namin ni Vhong. Umalis na din kami at pauwi na kami.
"Tay, paki-tawagan naman si tito Ramon, pakisabi kukuhanin ko na yung mga gamit ko." Sabi ko kay tatay at agad niya kinausap si tito Ramon.
"Sino yun babe?" Sabi ni Vhong habang magkahawak kami ng kamay ni Vhong.
"Tito ko, kapatid ni tatay. Police siya atsaka pinapakuha ko na yung mga gamit ko."
"Anong gamit?"
"Baril, for our protection.."
