The Beginning

67 5 3
                                    


The Beginning

●○●

'Year 2010'

Kasabay ng malakas na kidlat ay siya ring pagdilat ng aking mga mata at pag gising sa isa na namang malalim na panaginip.

Habol-habol ko ang aking hininga dahil sa kaba. Kita ko rin sa salamin ang aking repleksyon na magulo ang buhok at tumatagaktak na pawis.

Isa nanamang bangungot

Napadako ang tingin ko sa aking bintana. Tinatangay ng malakas na hangin ang isang kurtinang puti na siyang nagsisilbing takip na lamang sa aking bintana dahil sa malaking awang nang bukas nito.

Bakit bukas ito? Bago ako matulog ay sinarado ko naman ang bintana.

Kunot noo akong lumapit dito at sinilip ang labas ng bahay. Malakas ang ulan, hindi ko alam kung magkakabagyo ba. Tahimik at nananaig ang dilim sa labas. Tanging ang patak ng ulan at ingay ng hangin lamang ang maririnig. Wala namang kakaiba.

Akmang isasarado ko na ang salamin ng aking bintana nang mapadako ang aking tingin sa katapat na bahay. Luma na ito at mukhang abandonado na. Ang gilid ng binatana na bakal ay purong kalawang na. Ang mga halaman sa tabing pinto ay mga patay na at halatang hindi naalagaan ng mabuti. Madumi na rin at purong putik ang basahan sa tapat ng pinto, kinakalawang na ang bubong nito at mapusyaw na ang kulay ng pintura ng bahay na ito, iisipin mong napagdaanan na ng panahon dahil sa hitsura.

Gulat akong napa atras nang makitang may babae nang nakasilip sa bintana ng kanilang ikalawang palapag. Kasabay non ay ang kidlat na nagbigay liwanag upang saglit kong makita ang mukha nito.

Siya si Lita, Nag-iisa na dahil namatayan ng asawa at anak. Nagkaroon daw ng massacre sa dati nilang bahay. Pinasok sila ng dalawang lalaki at walang awang pinatay ang asawa at anak niya. Nakaligtas siya pero napagsamantalahan siya ng dalawang lalaki na iyon. Hindi daw siya gaanong lumalabas ng bahay nila. Sabi pa nga ng iba ay nabaliw daw ito sa sobrang lungkot. Minsan na rin daw nilang nakitang kinakausap nito ang sarili at parang may iba siyang kasama kahit na wala naman. Creepy but I think she's just depressed. For sure she can't get over about her husband and daughter. Reminds me of something.. Dapat ko bang paniwalaan ang mga iyon? Tsismis lang naman ang mga 'yon kumabaga haka-haka lamang at gawa- gawa ng mga tao.

Sinarado ko na ang bintana at naglakad patungo sa aking kama nang manlaki ang aking mga mata dahil ang pinto ko naman ngayon ang nakabukas. What the hell?! Sigurado akong nilock ko ito.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa pinto. Nang makarating ay hinawakan ko ang doorknob ngunit napabitaw din agad sa gulat.

"BOO!"tinignan ko ng masama ang nakakatanda kong kapatid, Si Fely. Hindi ako sanay mag ate. Hawak niya ang tiyan niya at halos mapahiga na sa sahig dahil sa sobrang pagtawa.

"Hey babe, what are you doing?"agad siyang nilapitan ng boyfriend niya, Si Steven. Itinayo niya si Fely na hanggang ngayon ay tumatawa pa rin.

"Babe! You should've seen her face! Kulang na lang ay manginig siya sa takot nung lumalapit siya sa pinto! Isang boo lang ay nagulat na siya!"tumatawa nitong sabi habang tinuturo ako. Wala ba talagang magawa ang kapatid ko ngayon kaya ako ang napagtitripan niya?

"Oh, I'm sorry, Geva. She's drunk. Ilalagay ko na siya sa kwarto niya."tumango lang ako at sinarado na ang pinto. Tiningnan ko ang orasan, 12:34 na. Kailangan ko nang matulog ulit.

Humiga na ako sa kama at inayos na ang kumot ko. Pinikit ko ang aking mga mata at nagpadala na sa antok kung saan purong dilim lamang ang sumalubong sa akin.



CordelitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon