Chapter 6: Daemon Fortuñez
●●●
Buong maghapon kong ginugol ang oras ko sa pag-eempake ng mga kakailanganing damit at gamit para lang sa planong pagbabakasyon. Tatlong pares ng two piece bikini at isang one piece ang para sa pang swimming ko. Pagkatapos ay puro halter top at shorts na ang nasa loob ng bag ko. Syempre nandito din ang para sa personal stuffs ko and for personal hygiene na rin. Isang flip-flops at gladiator sandals.
Alas kuwatro ng madaling araw ay nasa labas na kami ng bahay at inaantay na lang si Fely. Ang dami kasing kaartehang nalalaman. Tsk!
"Tagal," Inip kong sabi. Napalingon naman si Hux sa gawi ko. Namula ang pisngi ko sa hiya. Matuto kang mag-hintay! Baka maturn off to sa'yo! Napabusangot ang aking mukha sa naisip. Ano naman kung maturn off siya?! Wala naman akong gusto sa kanya! Sige ideny mo lang! Galingan mo sa pagsisinungaling!
Napatuwid ako ng tayo nang marinig ang boses niya sa likod ko.
"You're tired?" Marahan niyang tanong. Dug.dug. Dug. dug. Hay! Chill ka lang puso! Kaya natin 'to!
Humarap ako sa kanya at halos maduling dahil sa lapit naming dalawa. Umatras ako ng dalawang hakbang.
"Medyo.." nahihiya kong sagot. "Pero kaya ko pa naman!" Plastik akong ngumiti sa kanya. Nakakunot niya lang akong tinignan. Pinitik niya ang aking baba.
"Liar." Hinawakan niya ako sa aking palapulsuhan at marahang hinila papasok sa kotse ni Steven. Binuksan niya ang sa likod at pumasok ako doon. Hindi niya sinara ang pinto. Hawak niya ito sa kanang kamay habang ang kanyang kaliwang kamay naman ay nakahawak sa aking upuan. Nakatingin na siya sa bahay namin. Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya. Ang laki ng pinagbago ng hitsura niya. Mas nag masture ito.
"Baka matunaw ako ah." Natatawang niyang sabi na nagpabalik ng ulirat ko. Tumikhim ako at umayos ng upo. Naiilang dahil nakangisi siyang nakatitig sa akin. Ano 'to bawian?
"Ba-ba't ka nakatitig?" Maangas kong tanong. Hindi ko alam kung saan ko ba nakukuha ang angas na 'yon gayong halos matunaw na ako sa kanyang titig.
"Hmm.. Ang unfair mo. Ikaw pinapayagan kong tumitig sa akin samantalang ako bawal? Nasaan ang hustisya don?" Aniya sa malungkot na tono st ngumuso pa. Bakit kaya ang cute mo?
"Wala naman akong sinabing bawal ah." Nakangisi kong sinabi habang siya naman ay ipinapagsalikop ang aming kamay dahil pabiro kong hinatak ang kanyang nguso.
"Edi pwede kitang titigan kapag gusto ko? Kahit habang kumakain? Habang natutulog ka?" Nakangisi niyang sinabi.
Nag-init ang magkabila kong pisngi. Siguro ay namumula nanaman ako.
BINABASA MO ANG
Cordelita
TerrorGeneva Gomez is a simple girl who wants to have a simple life. Why? Because all her life she's just in her house. Watching movies, playing drums, that's what she's doing for about 15 years.. She can't hang out with her friends because her mother won...