Chapter 2.1: Historia Espeluznante

38 5 0
                                    

If ever po na may typo or wrong grammar paki-intindi na lang po dahil wala na akong time mag edit. Thank you!

- Cessieffy


Chapter 2.1: Historia Espeluznante


Continuation...

●●●


"We're just checking on something important, Gev." Checking on something? Ano sila? Agent? Teacher?

"Tss. Excuses." Pataray kong sabi at naglakad pabalik sa ospital. Pigilan nila ako kung gusto nila pero hindi ako magpapapigil. I can decide on my own. It's my choice. I won't let them decide for me.

I walk towards Caloy who's confused staring at me. Baka pwede ko siyang tanungin Kung pwede bang maka-usap ko ulit si Lita. I really need to talk to her. Sa mga sinabi niya. Bakit ganon na lang ang galit niya sa amin? Sa akin?

"Can I talk to her?" Tanong ko nang makalapit ako sa kanya. Nag aalangan itong tumingin sa akin. "Kahit saglit lang.. Please.." Pagmamaka-awa ko sa kanya.

"Inutusan kasi kami ni Doc.Colton na huwag muna magpapasok ng bisita kay Lita.. tsaka.. nakita mo naman kung ano ang reaksiyon niya nang makita ka diba?" Nahihiyang yumuko ito sa akin. He's right. Kung halos magwala na siya nang makita ako.. ano pa kaya kapag nakausap niya ako? Baka mas lalo siyang mabaliw.

"Sumama ka sa'kin." Napalingon ako kay Harry na hinawakan na ako sa kamay at marahang hinila sa direksiyong hindi ko alam. May mga nadadaanan kaming kwarto ng mga pasyente dito.. salamin ang kanilang bintana kaya nakikita namin ang ginagawa nila. Mayroong nakatulala lang, kinakausap ang sarili, tumatawa, umiiyak at nakangiti na para bang may maganda silang nakikita. Rinig din ang mga boses nila nang lumapit sila sa bintana nila dahil may maliit na bilog na butas sa gilid non.

May isang matandang inilapit pa ang bibig niya at pilit ipinagkasya ang bibig niya sa butas. "Baliw ba siya? Pwede kaming maghati ng kwarto. Basta ba bibigyan niya ako ng buhok at kuko. Ilang linggo na akong hindi nakakakain dahil sa inyo!" marahas ko siyang nilingon dahil sa kaba. Anong klase siyang tao?

"Geva.." tawag niya sa akin nang maramdamang huminto ako. Nakatingin lamang ako sa matanda na ngayon ay pilit na akong inaabot gamit ang maliit na butas sa gilid ng bintana niya. "Inilagay siya dito ng pamilya niya dahil kinakain niya ang buhok at kuko niya. Isang gabi nang makita siya ng anak niyang binubunutan at kinakain ang buhok ng apo niya. Nilagyan din namin ng tela ang mga daliri niya para hindi jiya galawin ang mga kuko niya. Pinakalbo din namin siya." Nanaig ang takot ko sa kinwento niya ngunit nagpatuloy na lamang ako sa paglakad.

Napakahirap pala talaga ng trabaho nila. Everyday, they are with these crazy people. This work is dangerous. Paano na lang kung makawala ang isa sa mga pasyente nila at patayin sila? They can find a good work instead of doing this pero ganitong trabaho pa rin ang ginagawa nila. Sabagay, sinong mag-aalaga sa mga nabaliw na tao kung walang kagaya nila?

May nakita akong dalawang pinto na magkatabi. Ang sa kaliwa ay Dra.Shinea Baldez ang nakalagay samantalang sa kanan naman ay Dr.Bruce Colton. Bago pa kami makalapit doon ay may nakapukaw ng aking paningin sa isa sa mga pasyente.

Nakatayo lang siya. She's staring at me blankly. Wala akong makitang emosyon sa mga mata niya. Para siyang buhay sa katawan ngunit patay ang diwa. Nakalapat ang mga kamay niya sa salamin na para bang may sasabihin. Tinangka kong lumapit ngunit hinatak na ako ni Harry papunta sa may pinto na may nakalagay na Dr. Colton.

Kumatok ito at binuksan ng maliit ang pinto. Humingi ito ng paumanhin at pumasok kasama ako.

Isang lalaking nakasuot ng blue long sleeve polo na tiniklop hanggang siko at black na pantalon. Sa kanyang upuan ay may nakalagay na white coat.

CordelitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon