(A/N: Di ko po na-edit 'to kaya sorry sa mga wrong grammar and typos)
'Sensya din kasi ngayon lang nakapag update. Super busy sa dami ng school works.
___________
Chapter 8: Day 2 [DPR]
(Daemon's Paradise Resort)
●●●
Puting kisame agad ang sumalubong sa akin nang idilat ko ang aking mga mata. Sa palagay ko ay dinala nila ako sa kwarto ko para makapagpahinga. Nang bumangon ako ay medyo sumakit pa ang ulo ko pero nawala rin agad.
Grabe, baliw yata ang matandang 'yon kaya kung anu-anong pinagsasabi. Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito. Fely entered the room and our eyes meet. May bahid ng galit, kaba at takot ang kanyang mga mata. Para saan?
"Musta? Masakit pa?" She asked me before she walked towards the balcony.
"Hmm.. Hindi naman na.." sumunod ako paputang balkonahe. Malinis na swimming pool at masasayang pamilya agad ang bumungad sa aking paningin. May mga nagpipicnic sa gilid. May nagpipicture na pamilya at nagseselfie. Mga nagvivideo.
"Galit na galit si Hux sa nangyari sa'yo," napatingin ako sa kanya nang sabihin niya iyon. Galit? Sa akin ba dahil hindi ako nakapagpaalam?
"Gusto niyang kasuhan ang matandang gumawa niyan sa'yo. Baliw daw 'yon sabi ni Tito Damon. Pinigilan namin si Hux na kasuhan iyong matanda kasi paniguradong malalaman nila mommy 'yon. Papauwiin tayo ni mommy pag malaman niyan ang nangyari," pagpapatuloy niya nang hindi ako sumagot.
Gusto ko rin sanang kasuhan iyong matanda pero tama siya. Paniguradong papauwiin kami agad ni mommy kapag malaman niya ito. Tapos hindi na ako makakalabas pa. Baka hindi niya rin ako payagang mag-aral sa isang university at maghire na lang ng tutor.
"Nang sinabi kong hindi mo magugutuhan iyon dahil minsan ka nga lang makalabas ay nagdalawang-isip siya pero sa huli ay huminahon na rin."
Tumango lamang ako sa sinabi niya. A part of me is happy because this vacation will continue. But that doesn't mean na wala lamang iyon sa akin. I'm afraid that that old man might hurt me again, physically. Siguro ay takas ng mental hospital ang matanda na iyon.
"You and Hux should talk. He's upset... and I know that he's angry of what happened. Binantayan ka niya buong magdamag. Sinisisi ang sarili dahil sa nangyari," pagkatapos niyang sabihin iyon ay lumabas na siya ng kwarto.
Bakit naman ganoon ang naging reaksiyon niya? I mean, alam kong masama nga ang nangyari sa akin pero bakit niya sinisisi ang sarili niya?
Lumabas ako ng kwarto ko at nakitang tahimik lang sa sala kaya naman naman dumiretso na ako sa kusina. Wala ring tao doon. Nasaan na kaya ang mga tao dito? Tanghali na ah, imposible namang tulog pa sila.
BINABASA MO ANG
Cordelita
HorrorGeneva Gomez is a simple girl who wants to have a simple life. Why? Because all her life she's just in her house. Watching movies, playing drums, that's what she's doing for about 15 years.. She can't hang out with her friends because her mother won...