Chapter 4: Goodnight
●●●
Bumalik si Hux sa aking kwarto na may dalang isang tray na puno ng pagkain.
Alam kong may nalalaman din siya. Hindi ako tanga o bobo para hindi mapansin na may tinatago sila sa akin.
"May gusto ka bang sabihin?" Matama kong sabi.
Nag angat siya ng tingin at kita ko ang pag-aalinlangan niya.
"What? Pagmumukhain niyo na lang akong tanga? Alam kong may tinatago kayo sa akin." malamig kong sabi. Hindi ko binabaling sa iba ang tingin ko at nasa kanya lang.
"Eva.. I don't think I'm the right person to tell you this.. I.. I don't want to keep a secret to you but this is for you.. We're just protecting you." Marahan niyang sabi at hinawakan ang kamay kong nasa ibabaw ng kumot ko.
"I don't believe you. Hindi niyo ako pinoprotektahan. Ginagawa niyo akong tanga! You don't trust me that's why you're keeping a secret to me!" Galit kong sabi.
"No, Eva. Please, calm down. We're doing this for you." Hinahaplos niya ang aking kamay. Hindi ko alam pero dahil sa ginawa niya ay huminahon ang pakiramdam ko.
"I-i'm sorry... It's just that... Feeling ko wala akong kwenta. Na pinagkakaisahan niyo akong lahat." Mahina ang pagkakasabi ko nito ngunit sapat lang para marinig niya.
"Sshh.. Hindi ka namin pinagkakaisahan. Soon, malalaman mo rin. Okay? Pipilitin ko si Tita Geneviv na sabihin na sa'yo. But for now, 'wag mo munang problemahin 'yon. 'Kay?" Hinalikan niya ako sa noo at inayos na ang pagkain ko.
"Lalabas na muna ako. Kakausapin ko sila." Pagpapaalam niya. Tumango lamang ako at nagsimula nang kumain. Pagkatapos ay nagpahinga lang ako saglit 'saka umayos na ng higa. Feeling ko tuloy ang tamad-tamad kong tao.
Dapat ngayong summer ay nagbabakasyon ako pero hindi ako pinapayagan nila mommy lalo na kapag hindi sila kasama. Syempre wala na rin akong magagawa doon. Gusto ko rin sanang bumisita ulit doon sa Chongbak Mental Hospital. I want to talk to Lita. Pati kay Harry at Caloy. Gusto ko silang kamustahin. Gusto kong malaman kung anong nangyari. Hindi na rin kasi ako nakabalik dahil nga doon sa nangyari noong nakaraang araw.
Napakabilis ng araw para sa akin. Gigising ako, kakain, maliligo, matutulog. Purong ganyan na lang ang nagagawa ko. Hindi na ako nakakapasyal. Ayain ko kaya sila Fely na lumabas kahit saglit lang?
Sinarado ko na ang bintana at inayos ang kurtina. Ang bahay nila Lita ay winawasak na dahil may bumili daw ng lupa. Papatayuan daw ito ng bagong bahay. Sa ngayon wala na ang bubong nito pati ang mga salamin ng bintana ay basag na. Sana lang talaga maging maganda ang kakalabasan ng ginagawa nila. Baka mamaya maging bulok din ang bahay na yan.
Hindi ko na ito pinansin at nahiga na sa aking kama. I suddenly feel that someone is staring at me. Inayos ko ang kumot ko at kumuha ng unan upang may mayakap ako. I don't like the sudden atmosphere in my room. I'm getting scared by the knocks on my window. Kinakabahan ako na baka magnanakaw o mas malala pa ang gumagawa non. Nang mas lumakas pa ang katok mula doon ay tumayo ako at inihagis ko ang tsinelas ko sa bintana. Then the sounds stopped.
Dahan-dahan akong lumapit. Binuksan ko ang bintana at halos mapapikit dahil sa lakas ng hangin na sumalubong sa akin. Nahirapan pa akong isara dahil napupunta sa mukha ko ang kurtina dahil sa malakas na hangin. Nang maisara ko ito ay natalisod naman ako sa sarili kong paa paatras. Kaya napaupo ako sa harap ng bintana.
"Shit!" Daing ko nang maramdaman ang sakit sa aking puwitan. Dahan-dahan akong tumayo at umupo sa aking kama. Mas malambot kaysa sa sahig na pinagbagsakan ko.
Inayos ko ang aking kumot nang may makitang kapiranggot na tela. Akmang babasahin ko na ang nakaburda dito nang biglang may kumatok ng marahas sa aking pinto. Sa gulat ko ay inipit ko agad ang telang iyon sa aking libro na nakalagay sa bedside table ko.
"Eva! Eva! Open this fucking door!" Kasabay ng kalampog sa aking pinto ay ang narinig kong boses ni Hux. Dali-dali akong lumapit sa pinto st binuksan iyon. Isang mahigpit na yakap agad ang sumalubong sa akin.
"Hux.." tawag ko sa kanya.
"Fuck! Akala ko.. May narinig akong kalabog kanina? What was that? May nangyari ba? Ayos ka lang?" Sunod-sunod niyang tanong habang ineexamine ang katawan ko.
"Natalisod lang ako. Ahm.. Wala namang nangyari." Marahan kong sabi at hinawakan ang kamay niyang nasa pisngi ko.
"Shit! Pinag-alala mo 'ko! You scared the hell out of me! I thought I-i was losing you.. and I don't know what to do if that ever happens." Ramdam ko ang kanyang pag-aalala sa sinabi. Naguilty tuloy ako. Hindi ko alam na ganon pala siya. Sobra siyang mag-alala sa akin.
"I'm sorry" mahinang kong sabi. Hindi ako makapagsalita ng maayos dahil sa sobrang lapit ng aming mukha. Ang kanyang noo ay nakalapat sa akin at nakapikit siya. Hindi ko tuloy maiwasang pagmasdan siya. His eyes, his nose, his... lips. Para akong hinahatak ng kanyang mga labi. I wan't to kiss him... I want to taste his lips and I don't know why.
Ilalapat ko na dapat ang aking labi nang bigla siyang dumilat. Napaatras tuloy ako ngunit sa higpit na hawak niya sa aking braso ay wala man lang nagawa ang pagatras ko upang magkaroon ng malaking distansya ang aming mga mukha. Hindi ako makatingin ng diretso dahil sa hiya. What the fuck are you doing Gev?! Hahalikan siya?! Talaga?! Almost one month mo pa nga lang siya nakikilala! Masyado kang maharot!
"Can I... Can I sleep here in your room? I'll sleep in the couch. I just want to.. I'll watch you fall asleep. Babantayan kita." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Bakit naman niya gagawin yun? Wala namang mangyayari sa kanyang masama.
"Wala akong gagawing masama. I promise babantayan lang kita. Pinapag-alala mo ako. Please?" Dugtong niya nang hindi ako sumagot. Nakanguso pa ito na para bang nagpapacute. Isa pa, nang giguilty ba siya? Parang kasalanan ko pa tuloy na nag-alala siya. Hay! Ang lalaking 'to. Minsan mukhang masungit minsan cute.
"Oo na. Tsaka wag ka ngang ngumuso. Di bagay." Pabiro kong hinatak ang nguso niya.
"I thought girls love it when boys pout their lips." Mas lalo pa nitong ininguso ang kanyang labi. Nakakatawa ang hitsura niya. Para siyang batang nagtatampo.
"Magkakaiba ang taste ng mga babae."
"So, you don't like it?" Tanong niya.
"Halika na. Don ka sa couch." Sabi ko at hinatak na siya papunta sa couch. Hindi ko siya sinagot dahil... ayoko lang.
"Goodnight, G." Nagulat ako sa tinawag niya sa akin. G? Feeling ko tuloy ang sobrang gandang pakinggan ng letrang yan dahil sa kanya.
Ang totoo niyan hindi ko alam kung bakit parang sanay na ako kapag malapit siya sa'kin. Almost one month palang nang dumating sila dito sa bahay pero bakit pakiramdam ko napakatagal ko na siyang nakasama?
Siya kaya ang lalaking nasa panaginip ko pagkagising ko? May pangalan siyang Carter. Posible kayang kababata ko nga siya? Pakiramdam ko ay pinag-iisa kami. Magkalayo man ngunit ang nararamdaman ko ay sobrang lapit namin sa isa't-isa.
Sinilip ko siya at nakitang nakatingala siya habang nakangisi. Ano kayang iniisip niya?
Hindi ko alam ngunit gumaan ang pakiramdan ko nang nakitang nakangisi ito. Gumuhit ang maliit ng ngiti sa aking labi. Mukhang makakatulog ako ng mahimbing ngayong gabi. Dahil nandiyan siya. Feeling ko magiging safe ako kapag nandiyan siya. Walang nakatinging iba. Siya lang.
Nakangiti akong umayos ng higa.
Sana paggising ko ay nandiyan pa rin siya. Hindi man sa tabi ko ngunit pinoprotektahan ako. Sana.
"Goodnight, H."
●●●
____________
Thank you for reading!
Don't forget to Share, Vote, Comment and Just Cessieffy!
For more questions and updates, you can follow me on Twitter!:)
«Twitter:@Cessieffy»
BINABASA MO ANG
Cordelita
HorrorGeneva Gomez is a simple girl who wants to have a simple life. Why? Because all her life she's just in her house. Watching movies, playing drums, that's what she's doing for about 15 years.. She can't hang out with her friends because her mother won...