Chapter 3: Death

25 3 0
                                    

'Sensya ulit kung may typo or grammatical errors. Wala akong sapat na oras para ma-edit ito.

- Cessieffy


___________



Chapter 3: Death

You can feel its cold stare
as it watches your every move
You can see its dark shadow
as it wonders in your room


●●●


Naglalakad-lakad ako sa isang lugar na hindi ko alam. Ang mga bahay dito ay magkakatabi ngunit malalaki. I think this is a village. May nakita kasi akong karatula sa gilid kanina.


Napalingon ako nang makarinig ng tinig ng mga batang nag-uusap.

"Eva! Laro tayo ng habulan! Ako taya!" Sigaw ng isang batang lalaking may matabang pangangatawan. Mas matangkad ito ng kaonti dito.


"Osige ba! Isali na natin si Ate Cianna. Tsaka pala si Carter pani---" hindi na natuloy ng batang babae ang sinasabi nang biglang may dumating na lalaking mas matangkad sa kanilang dalawa. Hinawakan niya ang batang babaeng nag ngangalang Eva at inilagay sa likod. Hinarap niya ito.


"Hindi ka dapat nakikipag-usap kung kani-kanino." Malamig na sabi nito. Kapatid niya ba ang Eva na 'yon?



"Hmmp! I know him kaya! He's my playmate! Nangengealam ka nanaman Carter! Hindi ka namin isasali." Pataray na sagot nung Eva. Napangiwi ako sa pagsasalita niya ng conyo. Carter? What the heck?



Tama ba ang naiisip ko? Is that kid... Oh my god! Eva? Carter? Shit! Does this mean? I'm probably dreaming right now. This young girl, I'm watching right now is... me.


Napalingon ako sa babaeng kakarating lang. Her hair is a bit curly but she's really pretty. Brown eyes and sweet smile. Ate Fely?



"Ate Cianna! Do you want to join us? We're playing!" Masyang sabi ng batang Eva at nagsimula nang tumakbo. Nakitakbo na rin ang mga batang sina Cianna at Carter habang hinahabol sila ng mas batang lalaki.



Sinundan ko sila ngunit ilang saglit lang ay napatigil ako nang ang paligid ko ay biglang mag-iba. Parang isang senaryong nakita ko na dati. Isang senaryong nagbago ngunit paulit-ulit na pinapaalala.



"Tulungan niyo kami! Please! Help us! Please!" Napanganga ako sa nakita. Isang babaeng nasa 40's ang edad. Her shirt and hand is filled with blood. She ran toward the children near their house. She holds the young girl tight.



"Help us, please! My daughter and husband.." hindi nito natapos ang sasabihin nang hilahin ng batang Carter ang batang Eva at inilagay sa likod upang protektahan.



"Parang awa niyo na.. tulungan niyo kami!" Her eyes are full of hope.



"T-tatawag kami ng pulis." Sabi ng batang Cianna. Ang batang Eva naman ay nakayakap na sa batang Carter at humahagulgol sa pag-iyak. Napa-awang ang aking labi nang makitang may lumabas na dalawang lalaki.. Ang isa ay may hawak na itak.. habang ang isa ay may hawak na dalawang sako. Ngumisi ito sa mga bata na dali-daling tumakbo pauwi sa bahay ng mga Gomez.



Tumakbo na rin ako kasunod ng mga bata ngunit sumulyap ako pabalik sa babaeng humihingi ng tulong. May sinasabi ang dalawang lalaki sa kanya st siya naman ay tumatango. Nagulat ako nang tumingin sa akin ang isang lalaki. Kinilabutan ako kaya tumakbo na lamang ako kasunod ng mga bata.



CordelitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon