Chapter 7: 13th Floor

17 3 0
                                    


Chapter 7: 13th Floor





●●●



Dinala kami sa kwarto na gagamitin namin ng isang linggo para sa pagbabakasyon dito. Isang room na mayroong tatlong kwarto. Katamtaman lamang ang laki ng sala at kitchen.



"We're sharing the same room Fel, right?" Tanong ko kay Fely nang mailagay ko na ang gamit ko dito sa kwarto. Nakakapagtaka lang na isang kama lang ang nandito sa loob samantalang dalawa kaming maghahati sa kwarto na 'to. Well, pwede namang magshare na rin kami ng kama.



"Nasaan ang mga gamit mo?" Tanong ko nang hindi siya nagsalita. Nakayuko lang siya at kinakagat ang ibabang labi. Kumunot ang aking noo sa kanyang inaasta.




"K-kasi Geva..." nagtataka akong nilingon siya. Anong problema ng isang 'to?




"Diretsohin mo na. Sabihin mo na," Humalukipkip ako at sumandal sa pader.



"Kasi.. Magsh-share kami ni Steven ng room. Uhmm.. Kaya mo naman yatang mag-isa dito diba? N-nandiyan lang naman k-kami sa kabilang r-room." Nag-aalangan niyang inangat ang kanyang paningin sa akin. Ano namang gagawin nila at bakit iisang room pa ang kailangan nila? May plano bang gumawa ng himala 'tong si Fely at Steven?




"Bakit? May gagawin kayo no?" Nanlaki ang kanyang mata sa sinabi ko. Aha! Sabi na eh! Tarantadong Steven! Gusto pang makaisa sa kapatid ko! Langhiya!



"What? No! Wala kaming gagawing kung ano! Matutulog lang kami! I promise wala kaming gagawing masama!"




Nanliit ang aking mata at tinanong siya,"Pinilit ka ba niya?"




"Hindi, Gev. Hindi niya 'ko pinilit at wala rin kaming gagawing masama," Bahagya siyang ngumiti at wala na akong nagawa kundi ang bumuntong hininga. Ayos lang naman sa'kin as long as hindi siya pinilit ni Steven. May sariling desisyon na rin naman si Fely pero syempre kailangan pa ring mag-ingat.




Kapatid ko siya. Natural lang na mag-alala ako sa kanya. Magnobyo sila ni Steven pero hindi naman yata tamang magsama sila sa iisang kwarto lalo na at wala kaming kasamang nakakatanda. Pero bahala na siya! Gusto niya rin naman eh! Basta wala na akong kasalanan pag may mangyaring masama! Hmp!




"Sige na! Ayusin mo na ang gamit mo doon! Tsupi!" Sabi ko at tinarayan siya.




"Sige, mauna na ako. Uhmm.. Si Hux baka hinahanap ka," Bahagya siyang ngumuso ngunit nakita ko ang kanyang pagngiti bago pa man niya maitago. Ha! Siguro ay masaya siya dahil pumayag ako na share sila ni Steven ng kwarto! Pwedeng pwede ko kaya siya isumbong kila Mommy at Daddy! Pero syempre hindi ko gagawin yun noh! Baka macancel ng wala sa oras ang bakasyon na to! Sayang! Hehe.




Buti na lang talaga pumayag si mommy na magbakasyon kami. Kahit na isang linggo lang 'yon ay napakasaya na para sa akin dahil hindi naman talaga ako nakakalabas o nakakapagbakasyon lalo na kapag hindi sila kasama. Kahit nga sa camping noong second year hindi ako pinayagan eh. Pati sa prom noong third year at fourthyear highschool ako ay hindi rin pwede. Sobra akong nagalit sa parents ko no'n dahil hindi naging masaya ang highschool year ko no'n. Sana nga ngayong Senior highschool na ako ay payagan niya na ako sa Senior ball namin eh. Kaso bakit pa ba ako aasa diba?




Pagkalabas ni Ate sa kwarto ko ay inayos ko agad ang mga gamit ko. Nilagay ko lang sa cabinet ang mga magagamit ko samantalang ang iba ay nasa maleta ko lang. Isang linggo lang naman kasi kami kaya baka hindi ko rin magamit ang iba.





CordelitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon